Chapter Forty

7.5K 165 11
                                    

After ng ma-drama naming episode kanina, I asked them na itago muna since iilan lang naman nakakaalam tungkol sa deal namin.

"Kahit anong mangyari, magkaibigan pa rin tayo, Vee."

"Ano ka? Of course, alangan namang kalimutan kita agad, diba? Ano yun? Joke?"

Napatingin naman si Kah sa wrist watch niya, "Vee, Ericka, kailangan ko ng umuwi, may family gathering pa kami e. Uuwi ka na ba, Vee?" tanong niya sa akin.

"Di pa pwede. Tignan mo ang puffy ng eyes ko. Tatanungin pa nina Mama yan. Ingat ka ah?" nagbeso kami at hinatid na si Caryl palabas.

Tumambay lang kami ni Eri sa garden niya. Humiga kami sa damuhan, tinitignan yung mga ulap na ilang sandali na lang e mawawala rin sa langit. Sana ganito na lang lagi noh? Sana masaya na lang at wala na lang pinoproblema... tulad noon. Tulad noong mga panahong di ko pa sila nakilala.

Napangiti ako. Pero mas gusto ko na yung ganito. Ayos lang kung nasasaktan ako ngayon, at least nakilala ko si Ericka, si Gene, sina Danna, Lili, Giezel... at si Red.

6 pm na nung magdecide akong umuwi.

"Ipapahatid na kita kay manong, you want?"

"Wag na, Eri. Okay lang. Magttaxi na lang ako."

"Vee, sige na--"

"Okay lang talaga. Mauuna na ako ah? Kita na lang tayo sa school," I hugged her and she hugged me back.

"Sige, ingat ka. Pakatatag, Vee. Andito lang ako lagi," sabi niya at hinug ulit ako. Inihatid niya ako papunta sa front door at nagsimula na akong maglakad papunta sa gate nila.

Papalakad na ako papaalis ng subdivision nila ng may nakita akong pamilyar na tao na nakatayo sa may light post.

He smiled at me but I can’t smile back at him. Lumapit ako sa kinatatayuan niya.

"Umuwi ka na, oy. Anong ginagawa mo dyan? Gabi na oh," sabi ko sabay tingin sa langit. Ayokong tignan siya. Masakit e.

"Hinihintay kita."

"Bakit mo naman ako hinihintay? Gabi na oh. Uuwi na ako."

"Usap tayo."

Kinuha niya ang kamay ko at naglakad kami papunta sa may mini-park nila. Naupo ako sa damuhan at sumandal sa may puno. Siya naman e tumabi sa akin.

"Vee, gusto ko lang i-explain sa'yo lahat-lahat.."

Hindi ako umimik. Tinignan ko lang siya.

"Hindi coincidence na ikaw yung tinuro ko at pinalabas kong girlfriend ko kay Jeanel. First year ka palang, napapansin na kita. Ikaw yung babaeng parang may ibang mundo. Sa tuwing magkakasalubong tayo, mag-gglance ka lang pero hindi titig o matutulala. Hindi gaya ng ibang babae dyan, laging nagpapa-cute sakin. Simula nung araw na yun, binabantayan na kita. Ikaw na ata yung pinaka-simpleng babaeng nakilala ko." Ngumiti siya at tinignan ako.

"Stalker mo ako noon pa. Pwede ko namang sabihin kay Jeanel nung mga panahong yun na ayoko sa kanya o magbanggit ng pangalan ng ibang babae o magpakatotoo at sabihin na di siya yung tipo ko pero nung mga panahong kinukulit niya ako... ikaw agad naisip ko. I thought... Ano kayang magiging feeling na maging parte ng buhay mo? Paano kaya magkaroon ng simpleng buhay?

"Dinala ko si Jeanel sa second floor nung building niyo. Tiniming ko talaga na masasabi kong ikaw yung girlfriend ko nung dumaan ka. Tapos ayun... Nagsimula na yung lahat."

I closed my eyes. Nakakatuwang isipin na noon pa lang, binabantayan niya na ako. Na noon pa lang, kilala niya na ako. Yun nga lang, kahit siya yung unang nakakilala sa akin, baligtarin man natin yung mga pangyayari, di pa rin niya ako mamahalin... dahil sa simula’t simula pa lang, isang tao lang naman yung talagang mahal niya.

"Thank you. Kasi naniwala ka, pinagkatiwalaan mo ko. Na kahit maraming bumabatikos sa'yo, hindi ka pa rin bumitaw. Thank you. Kasi nagiging totoo ka sa 'fake' relationship natin. Thank you. Kasi kapag ikaw kasama ko, I don't need to pretend to be someone else. Thank you. For making me laugh all the time. Thank you for everything... Thank you. For being a good friend."

A good friend. Ang sakit naman marinig nun. Hanggang 'friend' lang ba talaga?

"Sasagutin ko na 'yung tanong mo. Hindi 'ano' ang gusto kong makuha kundi 'sino'. Venisse... She's everything to me. I love her so much that I'm willing to sacrifice everything for her. I thought... Baka kapag malalaman niyang may ibang girlfriend na ako, ma-rrealize niyang mas mahalaga ako kesa sa pangarap niya. Pero tignan mo nga naman... Effort wasted pala.

"She still wants me. She came back for me dahil mahal niya pala talaga ako. Hindi ko nga alam kung sinong nag-confirm na single pa ako e. Pero at least, dahil dun, bumalik siya."

Kaya pala. Nakakatawa. Ang bopols ko noh? Tanong ako ng tanong kung ‘ano’ ba talaga ang gusto niya pero di sumagi sa isip ko na ang ex-girlfriend niya pala yung gusto niyang makuha. Sana noon pa lang sinabi niya na... para hindi na masyadong masakit.

"Kayo na ulit?" Bago ko pa man mapigilan, lumabas na ang mga salitang yan sa bibig ko.

"I don't know. Sabi niya it depends kung gusto ko pa."

"Syempre, gugustuhin mo. You waited for her kaya. And you do love her," ngumiti ako ng pilit tapos tumingin sa langit. Tiis lang, Vee. Mamaya ka na umiyak kapag di ka na niya nakikita. Ayaw mo pa namang may makakakitang umiiyak ka, diba?

"Yeah. I do."

Tumayo na ako. Kaya tumayo na rin siya.

"Uwi na ako," sabi ko sa kanya ng nakatalikod.

"Gusto mo bang hatid na kita?"

Umiling ako pero sinamahan niya pa rin akong maglakad hanggang sa labas ng subdivision nila.

Pumara siya ng taxi and gave instructions dun sa driver.

"Sakay ka na," sabi niya sabay lingon sa akin. Nakangiti pa siya.

I breathed deeply. It’s now or never, Violet. You can do it. 

"Red," I called.

Napatingin siya akin. Napatigil sa pagbukas ng backseat door. Lumapit ako sa kanya at tinignan siya.

"Kung hindi ba bumalik si Venisse... pwedeng magkaroon ng totoong 'tayo'? Will you also learn to love me?"

He froze. I know he was stunned. Bago pa man siya makasagot, sumakay na ako sa taxi.

I texted him,

Goodbye, Gummy Bear.

Sa loob ng taxi napaiyak na ako agad. Alam ko namang di talaga pwedeng ako na lang e. Pinunasan ko yung luha ko.

I turned off my phone. Kailangan ko ng tapusin ang kahibangang ito.

---

<3 Tear.

The Temporary GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon