Chapter 3
"Second... Be nice to others to impress her."
"Ah yan gets ko!"
"Ay wait, isabay na rin naten ang step 3 kase may similarity yung 2 steps eh."
"So ano yung 3rd step?"
"Third, be a gentleman."
"Ah... Yung parang sa kanta ni Psy?"
Bigla niya kong binatok, "Sira! Pwede ba, jokes aside muna?"
"Oo na."
"Ehem. Kasi kelangan mong maging mabait sa kanya. And mas nakakaattract ang isang lalake pag gentleman siya."
"Ahhhh... Figures."
"So yun, starting bukas,iimpress mo siya ah! Sakto may battle of the blocks di ba? So maraming aasikasuhin ang mga classes ngayon, at dahil diyan, maging initiative ka at magvolunteer tumulong! Para maisip niya 'Wow ang bait naman ni Ian.' tas pag nakita mong baka nahihirapan siya sa ginagawa niya, i-assist mo siya para dagdag attraction!"
"Wow, your explanation is actually easy to understand! Gets ko na bes!"
"Good. So ano? Game?"
"Sure lang. Game ako dun. Di naman problema eh"
"Bukas na bukas ah?"
"Oo na! Osya, tara nga muna sa bahay ko? Laro tayo Tekken! Saka tagal mo nang di pumupunta sa min sabi ni mama kain ka daw sa min ng dinner."
"Sure why not coconut"
*Sa bahay ko*
"Good afternoon po!!!
Malakas na sigaw ni Yann pagkapasok na pagkapasok sa bahay namin, ingay niya no? Ganito talaga siya sa min at welcome na welcome pa nga siya.
"Oh Julyanna hija! Buti naman at naisipan mong bumisita!" sigaw ng mom ko habang nasa kitchen siya.
"Ehhhh sabi po ni Ian miss niyo na daw po ako eh! Hehehehe" cheerfully na sabi ni Yann habang nakasilip sa kitchen.
"Osya osya haahaha talaga nga naman! Tumaas nga muna kayo! Tatawagin ko lang kayo pag luto na ang pagkain!"
"Opooooo!!!!"sabi ni Yann habang nakangiti
"Hello Ma~" sabi ko naman kay mom sabay kiss sa kanya sa cheeks. Mama's boy ba ko? Hahaha
Tapos umakyat na kami ni Yann sa kwarto ko. Pagkapasok na pagkapasok eh hinagis na namin yung mga bag namin sa kama ko tas takbo agad sa tapat ng flat screen tv ko at sabay bukas ng PS3 ko, kanya-kanyang hawak ng controller. Tas tutok agad at laro na ng Tekken! Hahahahaha
BINABASA MO ANG
Easiest Ways To a Girl's HEART
Romance[EDITING] Ian Asuncion: Gwapo, matalino, funny, malakas ang dating. Ang problema lang sa kanya, torpe. One day, he's suddenly interested in this cute girl in his class. Wala siyang alam sa panliligaw, etc. Buti na lang andyan ang best friend niya, t...