Friendzoned.

12 0 0
                                    

Ang hirap kapag sweet sya sayo tapos hindi mo alam kung ano nga bang estado ng relasyon nyo no? Yung tipong kulang nalang eh, sabihan ka nyang mahal ka niya. Yung palagi kayong nag-uusap. Yung alam mo lahat ng bagay na ginagawa niya. Madalas din siyang mag long message sayo. Madalas din syang magalit kapag ikaw ang napapagtripan sa barkada nyo. Ayaw niya ng nagtatampo o nagagalit ka sa kanya. Ayaw nya ring nakakarinig ng ibang pangalan ng lalaki galing sayo. Sya yung unang nagagalit kapag nalalaman na may umaaligid sayo kaya gusto nya lagi syang nasa tabi mo. Kapag kasama mo siya, gusto mo nang ihinto yung oras. Kapag nakikita mo siya, para syang energy drink na nagpapasigla sa araw mo. Kahit walang kwenta yung joke niya, para sayo the best yun. Yung sa paningin mo para siyang comedian dahil kahit simpleng joke lang, para ka nang hihikain sa kakatawa. Kapag tinitignan ka niya, pakiramdam mo ikaw na yung pinakamagandang view sa buong mundo. Kapag ngumingiti siya sayo, para kang ice cream na nakabilad na natutunaw. Ibang-iba yung pakiramdam mo kapag nandyan siya. Ibang-iba yung sayang nadadala niya kapag tinitignan ka niya. Pakiramdam mo, boses na niya yung pinakamagandang tunog na maririnig mo. Nagiging paborito mo yung pangalan mo lalo na kapag siya yung nagbabanggit nito. At kapag katabi mo siya? Feeling mo may umiikot na mga puso sa paligid nyong dalawa. Pakiramdam mo ikaw na yung pinakaswerteng babae dahil katabi ka niya.

Ang perfect na ng love story nyo. Nakikita at nagfafast forward ang mga kaganapan kapag siya yung kasama mo. Napapaos yung mga ibon sa kakatwit twit sa inyo. At nauumay yung mga langgam sa sobrang kasweetan nyo. Pero isang tanong ang magpapalabo nang lahat ng ito. Isang tanong na kahit mismo ikaw hindi mo masasagot. At kahit gusto mo pa siyang tanungin may takot na nakapaloob sa puso mo. May takot ka na baka kalokohan lang ang lahat ng mala-fairytale na nararamdaman mo. Gusto mo siyang tanungin kung ano nga bang ganap sa inyo. Kung ano ka ba niya at ano ka ba sa kanya. Pero natatakot kang baka hanggang imagination lang ang lahat.

Na baka yung perfect nyong love story ay mauwi sa imperfect. At magdahan-dahan yung mga bagay at tuluyan nang mawala. Na baka tuluyan ng mapaos ang mga ibon at hindi mo na ulit marinig ang mga twit twit nila. Na baka tuluyang maumay ang mga langgam at wala na ang lahat ng sweetness nyong dalawa. At yung isang tanong ang nakapagpalinaw nang lahat. Dahil nasagot na niya ang tanong na bumabagabag sayo.

Na hindi ka naman ganon ka importante para sa kanya. Na lahat ng mga nangyari sa pagitan nyong dalawa ay isa na lamang limot na alaala na kahit kailan ay di na muling maaalala pa. Na yung dating nakakakilig ngayon ay nakakaiyak na. Na lahat ng pangarap na binuo mo, ay ikaw lang talaga ang bubuong mag-isa kasi akala mo dalawa kayo pero hindi naman pala. Na hindi ka talaga mahalaga sa kanya. Na kailangan ka niya kase broken hearted pa siya. Na nandyan siya sa tabi mo kasi cool off sila nang girlfriend niya. Na ikaw yung rebound dahil bored siya. Na ikaw yung babaeng PANSAMANTALA lang para sa kanya.

Kasi kaibigan ka lang. Kasi lumagpas ka na sa line mo. Na dapat hanggang dito ka lang. Kaso mali eh. Lumagpas ka. At yun yung masakit. Tinulak ka niya para mahulog ka pero wala talaga siyang balak na saluhin ka.

Sinaktan ka nang taong akala mong hindi magagawa ang saktan ka. Naiwanan ka nang taong hindi mo maiwan-iwan. Parang naglalaro lang kayo ng mataya-taya, at sa larong yun ikaw ang taya at heto ka at humabol ka sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang nakalayo at hindi mo na siya nahabol. At unti-unting napagod ka hanggang sa nawala na siya sa paningin mo. Wala ka nang ibang alam na daan. Wala kang lilikuan. Sarado na ang daan pabalik. Wala ka nang ibang choice kundi umabante. Kahit di mo alam kung saan ka dadalhin ng mga paa mong siya parin ang nais na habulin. At hinahanap parin siya ng mga mata mong siya lang ang gustong makita.

Pero pagod ka na. Pagod ka na sa kakahabol. Pagod ka na sa paniniwala sa kanya. Pagod ka nang maloko ng ilang ulit. Pagod ka nang magmukhang tanga sa kakahabol sa kanya. Pagod ka na sa lahat ng ito at ayaw mo nang maghabol pa. At pagod ka nang asamin ang taong imposible namang maging iyo dahil kahit kailang ay hindi sya mapapasayo.

Hanggang sa tinaas mo na ang isang kamay mo, habang nakaangat lamang ang hintuturo at gitnang daliri mo. Oo, tama yan.

Pagod na pagod na pagod ka na. At kaya taympers na sa katangahan mo.

Set You FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon