*EMERGENCY NOTE:
HAHAHAHAHA NAGKAMALI AKO. ITS MY FAULT!
SA LAST CHAPTER AY NASULAT KO DITO NA KUMAPIT SIYA SA LIKOD NG MABATO AT MATARIK NA SHELL NG TURTLE HABANG SUMUSUNTOK ITO.
NASULAT KO DIN NA SINUNTOK NIYA ITO GAMIT ANG DALAWANG KAMAY!
NAKALIMUTAN KO KAHAPON! NAWALA SA ISIP KO! IISA NGA PALA ANG BRASO NIYA! DAHIL PUTOL PA DIN HANGGANG NGAYON! SORRY!
PERO NA EDIT KO NA. SORRY ULIT.
MEDYO MARAMI DIN AKONG BINAGO SA LAST CHAPTER SORRY XD
PERO WALA NAMAN NAGBAGO SA STORYLINE ...
BAWI NA LANG AKO SA SUNDAY XD HAHAHA
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
WOOOOAAAHH!!
<Acquired Karma: 20>
<Profound Mystery of Death: 22%>
Sinubukan ko namang gamitin ang skill ko na Heal gamit ang aura manipulation ko.
Paulit-ulit ko itong ginawa hanggang sa maibalik ko na ang sigla sa kalahati ng katawan nito.
Noong una ay pumapalag-palag pa ito ngunit nang mahalata niyang ginagamot ko siya gamit ang heal ay natulog na lang ito.
Paminsan-minsan ay nagigising ito't iwinawagayway nito ang buntot niya na parang sa aso na nakitang umuwi ang amo.
Inabot na ako ng apat na oras habang nagpapahinga naman at matahimik na nanonood ang mga clansmen ko sa isang gilid.
Paminsan-minsan ay nagpapalitan sila ng opinion sa mga ginagawa ko't nagiging resulta ng mga kilos ko.
Para tuloy itong naging experiment ng isang nursing class sa isang bangkay kung saan pinag-papraktisan ang katawan ng bangkay.
<RANK UP!
Your skill Heal is now a rank 2 Skill!>
<Rank 2: Regeneration(PASSIVE)
By using the Life aura, your body is now protected by a regenerative force to quickly rebuild and heal your whole body as a new one.
By transmitting these Life Aura to others you can also help them heal my quicker than a rank 1 Heal.>
<Acquired Karma: -20>
<Profound Mystery of Life: 24%>
Nagtataka pa din ako kung anong use ng karma pero yung profound mystery of death and life ay may kakaunti na kong idea.
Tumataas ito kapag lumalawak ang kaalaman ko sa life magic at death magic!
Na-excite naman agad ako sa regeneration! Agad kong pinalabas ang Life Aura sa aking katawan at ibinalot at iinalibot ito sa right shoulder ko kung saan naputol ang nawala kong braso!
Mabilis ko namang naramdaman ang pagkati nito. Sa sobrang kati nito ay para akong tino-torture sa pagtitiis kong hindi ito kamutin!
Hindi nagtagal ay nagsimula ng may tumubo na laman dito hanggang sa abuting dalawang oras kung saan buong buo at masiglang masigla na tumubo ang kanang braso ko!
Napangiti na lang ako sa mga kasamahan kong hindi makapaniwala sa nakita nila!
Lumayo ako sa halimaw at nilapitan ko ang mga clansmen ko na tila nakakita ng dragon sa harap nila. Maamong maamo na ang halimaw sa akin at naiiwan ko na ito ng hindi ito nagwawala.
Naging malaking factor din sa pag-amo nito sa akin ang takot!
Ikaw ba naman na makita at maramdaman mong iniinsekto at nabubulok ang katawan mo ng buhay! Hindi ka ba matatakot?!
Nang makalapit na ako sa mga clansmen ko at ikinuwento ko sa kanila ang nangyari at hypothesis ko sa mga pangyayari!
Itinuro ko din sa kanila ang mga napag-alaman kong way upang madaling lumakas dahil naging malaking burden sa may mga class na katulad namin ang kawalan ng kakayahang makakuha ng mga skills sa mga skill books!
Dahil ang grupo namin ang unang nagtatag ng clan ay nagkaroon kami ng reward na +5 levels!
Itinanong ko din sa kanila kung may karma at profound mystery sila!
Mayroon rin sila nito gaya ko. Lahat sila ay may profound mystery of death but ang karamihan sa kanila ay may 2% lang at kakaunti ang may 3%-5%.
Itinuro ko sa kanila ang paggamit ko ng Death Aura at kung paano ko nakuha ang Aura Manipulation!
Hanggang sa umabot ng dalawang araw ang pagpapalitan namin ng theories sa bawat isa!
Marahan din naming pinag-aralan ang bawat bahagi ng halimaw!
Binuksan ko ang bunganga nito!
Makikita sa loob nito ang matatalim na ngipin nito. Ang dila nito ay may mga malalaking spike. Sinubukan kong ipasok ang kalahati ng katawan ko! Kasya!!
May naisip akong hindi maganda!
HINDI MAGANDA SA SARILI KO!
Matagal na rin ng maparank up ko ang rank 2 Hornblende skin ko!
Ano kayang mangyayari kapag nagpanguya ako dito!
Lalong lalo na ngayon na may Regeneration na skill ako!
Kinausap ko ang mga clansmen ko tungkol dito! Gagamitin nilang praktisan ang halimaw at habang magagalit at magwawala ito ay magpapanguya ako't pipigilan kong lunukin ako!
Para silang may kausap na baliw sa harap nila! Hindi ko napigilan ang ngiti ko sa sarili ko!
Hinayaan ko munang galitin nila ito!
Pumaikot sila sa malaking halimaw at dahan-dahan nilang pinalabas ang mga death aura nila't inipon sa kanang kamao nila!
Ibinalot nila ang itim na usok sa buong kamao hanggang sa magmukha itong malaking uling sa itim!
Sabay-sabay nila itong isinuntok !
SHRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEKKKKKKKKKK!!
Nang maramdaman ng halimaw ang magkakasabay na ataki sa kanya ay malakas itong sumigaw!!!
Makikita sa mga region na pinagsuntukan ng mga clansmen ko ang napakaraming insekto na may iba't ibang variety ang lumalabas mula sa swelling part na resulta ng malakas na suntok!
Hindi katulad ng una na random at kung saan saan lamang lumalabas ang mga ito! Ngayon ay concentrated na ang effect ng skill nilang Barang!
Dahil din sa paraan ito ay mas umikli sa 5 second ang cooldown ng Barang!
Nang humiyaw ang malaking turtle ay agad naman akong bumwelo at tinatagan ang loob ko!
Mabilis kong ipinasok ang buong katawan ko sa patilos nitong bunganga at humiga ako dito sa loob nang labas ang tuhod ko!
Nagpanguya ako dito! Kahit sobrang sakit ng pagnguya nito!
Ramdam na ramdam ko ang pagpepenetrate ng mga razor like teeths nito sa aking balat at ang pagtama nito sa mga buto ko.
TANG INA ANONG TRIP KO!!!!!!!
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
BINABASA MO ANG
Beast Mode: On
Ciencia FicciónAng bawat isa sa atin ay may sari-sariling consciousness and inner thoughts, hindi mo pwedeng i-judge as a whole ang lahat ng tao dahil ang bawat isa sa mga ito ay magkakaiba, may uniqueness. Mabilis na tumatakbo ang oras pero sa iba ito'y mabagal n...