..Buhay ko..

88 2 3
                                    

Mama ko ang nakasama ko simula ng ako ay pinanganak hanggang sa ako'y umabot ng grade3. Ang papa ko ay pumunta ng Taiwan para magtrabaho. Buwan-buwan siyang nagpapadala sa amin, di niya kami pinabayaan. Tuwing may okasyon lagi niya akong pinadadalhan ng mga regalo o kahit anong kapakipakinabang na gamit.

Pero anong nangyari? Ang nanay ko di ako inalagaan ng mabuti. Sa halip na nakakakain ako ng masarap at masustansyang pagkain eh asukal/asin na may tubig sa kanin ang aking kinakain. Pero di ko nagawang magreklamo dahil bata pa ako noon, di ko alam na di maganda yun.

Nang dumalaw minsan si papa sa amin galing ng Taiwan, nakita niya na ang gulo ng aming bahay. Lahat ng kamag-anak ng mama ko andun nakatira. Yung mga bubuong at kisame nabubulok na. 'Di tumuloy sa amin si papa. Hindi ko alam kung saan siya natulog.

Kinabukasan pag-balik niya nag-usap sila ni mama. Ako nasa loob lang naglalaro. Maya-maya ay nakarinig ako ng sigawan sa labas, para bang may nagtatalo. Nakita ko na nag-aaway sila. Natakot ako at bumalik sa loob ng bahay, kinausap ako ng lola ko sabi niya,

Lola: Apo, pigilan mo sila.

Ako: Natatakot po ako lola.

Pero nang lumalakas pa ng lumakas ang sigawan nila. Tumakbo na ako sa labas at pinigilan sila. Iyak ako ng iyak.

Ako: Tama na po!! Tama na po!!

Pinigilan din sila ng lola ko at naglayo na silang dalawa. Narinig ko na sinigaw ni papa na kukunin daw niya ako kay mama. Umalis na si papa. Makalipas ang ilang araw. Isa-isang nagsisi alisan na ang mga kamag-anak ni mama. Tapos ako naman ay pinadala ni mama sa Batangas at doon na raw ako mag-aaral.

Nung minsan binisita ako ni mama sa Batangas napansin kong may kasama siyang lalaki. Yun pala ang bago niyang kinakasama. Paano na si papa? Naghiwalay na kaya sila, o baka naman di pa alam ni papa. Nalungkot ako ng sobra.

Minsan tumawag sa akin si papa sa telepono.

Papa: Anak, tatanungin kita kung sasama ka sa akin. Iaalis kita diyan.

Ako: hmm.. hindi na po pa. Okay lang po ako.

Papa: Sigurado ka ba? Pagisipan mong mabuti. Tatawag ako ulit.

Pagkatapos namin mag-usap ay tinatong ako ng lola ko kung anong sinabi ni papa. Sabi ko naman kinukuha na ako ni papa at di ako sasama.

Kinabukasan tumawag ulit si papa sa akin sa telepono. Tinanong niya muli ako, nakumbinsi niya akong sumama sa kanya at 'di nagtagal ay kinuha na nga niya ako sa Batangas.

Sinama ako pabalik ni papa sa Quezon City. Tuwang -tuwa ako, medyo nanibago ako sa lugar. Masaya ako dahil pinag-aral ako ni papa sa private school. Simula grade 4 hanggang nagcollege ako.

Nang makatuntong ako ng college dun ko muling naisip ang lahat ng nangyari dati. Inis na inis ako kay mama. 'Di ko alam kung bakit niya ako pinabayaan. Sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi ko siya mapaptawad at 'di ko rin siya tutulungan kahit pa lumuhod siya sa akin.

Dinalaw ako ni mama sa aming bahay, alam ni papa na pupunta siya. Wala ng hinanakit si papa kay mama, at mukhang magkaibigan na sila. Hinanap ako ni mama sa bahay.

Mama: Asan si Chin?

Papa: Nasa school pa yun, pero padating na 'yun.

Mama: Ahh. sige aantayin ko na lang siya.

Nang dumating na ako sa bahay, ay may bumati ka agad sa akin. Nakita ko si mama, may dala siyang pasalubong at buntis siya. Kumunot ang noo ko at tinitigan ko mga dala niya.

Mama: 'Nak, kamusta kana? May dala ako sa'yo oh mga prutas. (nakangiti niyang sinabi).

Ako: Anong ginagawa mo dito? Tsaka 'di ko kailangan mga 'yan. Madami dito niyan nagpagod ka pa.

Mama: (nalungkot ng kaunti) Ahhh. para mas madami ka na makakain. Para mas lumusog ka pa di ba?

Ako: 'Di mo naman ako kailangan alagaan 'di na ako bata. Tsaka bakit ngayon ka pa nagkacare sa akin ehh dati naman pinabayaan mo lang ako. Ano yan suhol dahil malapit na akong matapos sa College?! (galit kong sinabi)

Napansin kong napahiya si mama, at bahagyang kumunot ang noo niya, at siya ay yumuko. Nakita ko din ang nangingilid niyang luha na tila pinipigil niya. Sinita ako ni papa at lumapit sa akin.

Papa: Anak! tumigil kana. Alam mong buntis ang mama mo. 'Di tama na bastusin mo siya.

Anak: Ehh yun na nga ehh.. Alam niyang buntis siya pupunta punta siya dito, ehh ang layo-layo dito. Sino ba nagsabing pahirapan niya sarili niya?! Kung ayaw mo mapagod umalis kana lang at wag kanang bumalik.

Iniwan ko sila. 'Di ko inaasahan na masasabi ko yun sa kanya. Sa sobrang inis ko bigla kong nailabas ang di magagandang salita na iyon. Nang makarating ako sa kwarto ay agad akong umiyak. 'Di ko napigilan ang luha ko. Gusto kong sumigaw ng sumigaw sa inis at galit. Pero nakaramdam ako ng onting kirot sa aking puso, para akong naguguilty sa ginawa ko. Alam kong di tama yun. Dapat di ko na iniisip ang nakaraan, naging okay naman na ang buhay ko kasama si papa. Dapat mag pasalamat na lang ako sa Diyos. Pero 'di ko alam kung anong nangyayari sa akin, na sa tuwing makikita ko siya ay nagagalit na lang ako bigla.

Nabalitaan kong manganganak na si mama sa isang hospital malapit sa amin. Kritikal daw ang kalagayan niya. Nahihirapan daw siyang manganak. Pinapapunta ako ni papa pati ang mga tita at tito ko. Gusto raw ako makita ni mama. Tinatawag daw niya ako...

Sinabi ko sa kanila na marami akong ginagawa at 'di ako makakapunta. Pinatay ko ang cellphone ko para wala ng mangulit pa at para 'di ko na mabasa ang text nila. Makalipas ang ilang oras ay binuksan ko ang cellphone ko. Sa totoo lang nagaalala din naman ako. Pinipilit ko lang ang sarili ko na 'di sila pansinin at pakinggan. Dali-dali akong pumunta sa hospital. 'Di ako sigurado kung aabot ako ehh basta, pumunta pa rin ako.

Inabutan ko ang lahat sa labas ng room, nanganak na daw si mama, okay naman daw ang baby.

Ako: Nasaan si mama?

Tita: Andun pa din sa ER. kritikal pa din daw ehh..'Di nga kami pinapapasok.

Maya-maya ay may lumapit na doctor sa amin.

Doctor: Sino sa inyo si Chin-chin? hinahanap kasi ng pasyente. Gusto daw niya makita.

Ako: Ako po yun. Nasaan po ba siya?(nagsisimula na akong maiyak)

Sinama ako ng doctor sa ER. Nakita ko si mama nakahiga at madaming dugo sa bandang hita niya at sa hinihigaan niya. Lumapit ako sa kanya at tinawag ko siya.

Ako: Ma..... (naiyak na ako).

Mama: 'Nak buti at nakarating ka. Akala ko kasi di mo ako pupuntahan kasi galit ka sa akin.

Ako: Lakasan mo loob mo. Kaya mo yan.

Mama: 'Nak, sorry kung 'di kita naalagaan ng mabuti ahh. 'Di ko na kasi naexplain sa'yo ang lahat. Sa totoo lang nagastos ko lahat ng pinadala ng papa mo sa atin. Pinaopera kasi kita. Kailangan mo na raw operahan sabi ng doctor. Kaya agad agad kung kinuha lahat ng savings at nangutang ako sa mga kakilala ko. Ayaw ko kasing mawala ka sa akin ehh.. Sorry kung 'di kita nabigyan ng masarap na pagkain tsaka di kita napa-aral sa magandang school. Mahal na mahal kita anak. Mapatawad mo sana ako sa mga pagkukulang ko sa'yo.

Ako: (iyak ng iyak) MAA...!!! SORRY PO!! ;( Sorry ma, tama na po. (hinawakan ko kamay niya) Ako po ang patawarin niyo naging makitid ang isip ko. Sorry talaga ma.. Lumaban ka po.. Wag mo akong iwan.. Mahal na mahal din kita ma..

Pinagilid na ako ng doctor. At pilit nilang isinasalba si mama. Yung time na yun, para akong nawala sa sarili ko. 'Di ko alam gagawin ko. Pero narinig ko yung doctor at sabi nila okay na daw si mama. Naging masaya ako at lumapit ako sakanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

Natutunan ko na dapat intindihin muna ang lahat bago tayo magisip ng kung ano ano. Marahil ang nakikita natin ay di totoo, marami pang dahilan sa likod ng mga pangyayari at dapat munang alamin ang lahat ng ito. Salamat mama at papa. Mahal ko kayong dalawa. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

..Buhay ko..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon