Incomplete Me.

24 2 1
                                    

Isang umaga nanaman.

Thankyou Lord at nagising nanaman ako sa araw na ito. Gabayan niyo po ako muli sa isang araw na binigay nyo saakin. Amen.

Nagdasal lang ako sandali at nagsuklay ng magulo kong buhok.

Lumabas ako ng kwarto.

Tahimik. Magulo ang paligid, At tanging anino ko lang ang tanging nakikita ko

Hind nako nagtaka dahil hindi naman na bago saakin to.

dahil kahit ilang beses pa akong humiling sa diyos na ibalik ang mga magulang ko, malabo nang mangyari to.

Namatay yung daddy ko nung 13 years old palang ako.

Highblood attack daw sabi ng doctor.

Simula nung namatay siya, wala atang araw na hindi ko nakitang umiyak ang mama ko.

Araw-gabi nakakulong lang sya sa kwarto nya at patuloy na umiiyak.

tuwing susubukan kong pumasok sa kwarto nila, palapit palang ako sa pinto at naririnig ko na ang bawat hikbi nya.

at sa tuwing ganon ang naririnig ko, nawawalan nako ng lakas ng loob pra silipin pa sya at umiiyak nalang din dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Minsan nga sinubukan kong tanungin si Lord.

Bakit sa dinami-rami ng pwedeng mawala siya pa? Ang daddy ko pa ang kinuha mo! Hindi mo ba ko mahal kaya ginagawa mo sakin to? Kung hindi, Sana kahit ang mama ko nalang ang inisip mo bago mo siya kunin!

yan ang madalas kong tanong sakanya noon.

Pero nung mawala na din ang mama ko, Nagbago na lahat.

Namatay siya after a year nung pagkamatay ni daddy. Sa sobrang depressed, Nag-suicide siya. Sobrag masakit para saakin pero wala naman na akong magagawa.

INCOMPLETE ME.

ALL RIGHTS RESERVED 2013.

WRITTEN BY: Denialone.

Incomplete Me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon