Maniniwala Pa Ba Ako? (Complete)

148 4 6
                                    

Almost three years na kaming magkaibigan ni Mitch, naging mag-classmate kami noong second year first sem. Pero hindi pa kami close noon. Iba pa ang mga sinasamahan niyang kaibigan, ganoon din ako. Pero wala akong solid na grupo na matatawag noon. Kung kani-kanino ako sumasabay kumain, kahit sa upuan sa klase kahit sino ang katabi ko wala akong pakialam basta ang importante sa harapan ako makaupo at pagdating naman sa uwian kahit sino din ang kasabay basta parehas kami ng way pauwi. Iyon lang ang ikot ng buhay ko noon.

Pero pagdating ng second sem, nagulat na lang ako nang may nagtext sakin. Michelle Ann Stillman daw. Sabi ko naman sa sarili ko, classmate ko siya last sem pero kilala ko lang siya sa pangalan. Na-delay kasi siya ng enroll at naiwan siya ng barkada niya kaya tinanong niya ako kung pwede ba siyang sumama samin. Sa last section na kasi ako nakapasok, dahil kapos din sa pagbabayad ng tuition kaya tuwing last day ako nageenroll. Pumayag naman ako, wala naman kasing problema doon. Approachable naman ako. Kaso mukha siyang mataray baka sungitan lang ako nito. Mga two weeks ata siyang hindi nakapasok noon, kaya nagkakatext kami. Ina-update ko siya sa mga lessons at assignment para pag nakapasok siya ay prepared siya. Ang bait ko di ba? Pero aaminin ko, ako yung tipong madaldal sa text pero kapag personal na ay tahimik na. Tsaka hindi naman talaga kami close sa personal. Kaya noong pumasok na siya ay nagtaka siya sa akin dahil hindi ko daw siya kinakausap. Mukha daw akong masungit. Well, parehas kami ng impression sa isa't-isa. May iba rin akong naging classmates noon na hindi ko naman masyadong kinakausap pero unexpected na magiging close ko sila ngayon, to think na magkakaiba kami ng ugali at ng mga interest.

Nandyan si Jayann Ybanez, chubby, maliit, mataray at maarte pero nabi-bisaya naman kung minsan. Tandem sila ni Henna Glory Hilot na flat ang katawan na kapag nakaharap siya akala mo nakatalikod pa din. Bisaya din ito. Kaya pag silang dalawa na ang nagsalita, asahan na ang pagsakit ng tiyan namin kakatawa. May isang eksena pa nga na kung saan ay nasa pavillion kami at tumatambay lang.

Jayve: May picture-taking daw si Val ngayon para sa Mr. and Ms. Psych. Ano ngang tawag doon?

Henna: Ahhh, PIKTURYAL!

Jayann: Anong PIKTURYAL?? PUTUSHUT!!

At dahil doon, tawa lang kami ng tawa. At si Gretchell Laurino? Ayun, umiiyak sa katatawa. Literal na may luha siya ha. At isa rin siya sa mga tatawanan namin. Siya ang ate ng grupo. Siya kasi ang pinakamatanda sa amin, pero parang mas nanay na namin siya. Simpleng landi din iyan, may boyfriend na pero kung magkacrush sa classmate naming foreigner eh wagas. Dumating pa nga sa point na kinuntyaba namin si Sabri na isurpresa sa birthday niya. Nag-nose bleed pa nga si Jayve at Cess kaka-english para makausap siya, eh nagtatagalog naman pala. With matching banner at letter pa iyon ah. Dahil mahirap lang kami, pinag-blow din namin siya sa kandila na tig-piso na nakalagay sa binili naming cupcake na whatta tops. At may pahabol pang free hug galing kay Papa Sabri. Huwag ka, nasa likod lang ang boyfriend niya na si Kuya Shaun at nakamasid lang.

Andyan din si Stephanie Ann Parrocha. Siya ang kikay slash make-up artist ng grupo. Sa kanya nga ako natutong mag-ayos at mag-ahit ng makapal kong kilay. At dahil doon napapabili kaming lahat sa ibinebenta niyang avon products. Okay lang, one month to pay naman at may 10 % discount pa.

Kasama rin namin si Marylyn Princess Patane. Siya ang sumusunod kay Bataw. Pero kahit gulay siya, marami namang nagkakagusto diyan. Naging crush nga siya ng crush ko eh. Pero hindi ako bitter. Change topic na nga! Si Bamboo na kaya ang crush ko, may buhok na kasi siya eh. Tsaka ang gwapo niya sa The Voice. Balik na tayo kay Cess, simpleng ganda lang yan at walang arte sa katawan. Muse ng grupo, pero tanga pagdating sa pag-ibig. Alam na nga niyang niloloko na siya, nagpapaloko naman. Sayang ganda. Martyr lang.

Si Jayverlyn Siriban naman a.k.a. Jayve. Nakakabulol kasi minsan ang pangalan niya. Mahilig siya sa lalakeng matangkad, serious type, cute daw mag-gangnam style. Sige na nga, pangalanan na natin, adik siya kay Bon Ryan San Pedro. Hindi naman siguro mapapadpad dito sa Wattpad iyon, kaya okay lang. Diba Jayve? Maarte rin magsalita si Jayve. Hirap siya sa pagbanggit ng R words at hindi niya mabigkas ang 'Grrrrr'. Lagi akong tambay sa bahay nila, wala lang. Kwentuhan at pampalipas oras. Kilala na nga ako ng aso nila eh.

Maniniwala Pa Ba Ako? (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon