DREAM
Lahat naman ng tao ay may pangarap sa buhay. Ito nalang yata kasi ang libreng bagay sa mundo. Sabi nga ng lola ko, “Mangarap ka at gawin mo ang lahat ng makakaya mo upang maisakatuparan ang mga pangarap mong iyon.” Ayon din sa kanya, "Kapag may pangarap ka, mayroon kang 50% na posibilidad upang magtagumpay." Tama naman, hindi ba? Kasi kung may pangarap ka, ibig sabihin may goal ka... May sense of direction, hindi ba?
Ikaw, ano ang pangarap mo?
Kung ako ang tatanungin, simple lang naman ang mga pangarap ko noon...
♥ Makagraduate with honors: high school and college ha!
♥ Makakuha ng magandang trabaho
♥ Makapunta sa Amerika para magtrabaho o di kaya’y mag-aral
♥ Malibot ang buong mundo
♥ Makabili ng latest model ng BMW na kotse
♥ Magkaroon ng iphone na cellphone, yung latest model
♥ Makapagpatayo ng sarili kong bahay, gusto ko yung cute na parang doll house na may tatlong palapag
♥ Maging masaya at kuntento kasama ang pamilya at mga kaibigan ko
♥ At kung anu-ano pang simpleng bagay na pinapangarap ng isang simpleng babaeng tulad ko. Baka kasi umabot pa ng ilang pages pag nilagay ko dito lahat.
Simple lang, di ba? Sobrang simple lang...
Pero lahat ng 'yon ay nagbago mula nang mahalin ko siya ng palihim...
O siguro, mas mabuting sabihin na hindi naman totally nagbago, nadagdagan lang...
Tulad ng…
♥ ♥ Mahalin din sana niya ako ng higit pa sa isang best friend
♥ ♥ Maging masaya kami sa piling ng isa’t isa
♥ ♥ Makita niya ang worth ko
♥ ♥ Tumanda ako ng kasama siya
Oh, di ba? Simple pa rin naman... Simpleng pangarap pa rin na sana nga’y magkaroon ng katuparan balang araw...
_________________________________________________________
“Bezt, Tara na! Uwi na tayo!’’ sigaw sa akin ni Brix habang papalapit sa aming magkakaklase na kasalukuyang nag-uusap.
BINABASA MO ANG
DREAM (Short Story)
Poetry''Expecting too much is one way of hurting yourself...'' ---> Trishalee Corpuz