One Shot

11 0 0
                                    

Pagod na pagod na ko tama na.
Ayoko na......
Sawa na ako.....
Sobrang sakit na......
Ginawa nya akong tanga......
Pwes mali na inunahan nya ako.....

Naglakad lang ako na parang di ko sya kilala.
Tinawag nya ako pero di ako lumingon.
Hinabol nya ako pero hindi ako nagpaabot.

Para saan pa?
Para magmukhang tanga nanaman ako hindi nga sa lahat pero ramdam kong pinagtatawanan nya na ako.
Ok lang sanay nanaman ako.
Durog na durog na nga ako ih.
Di na ako makaahon pa sa dami ng basag na nakapaloob saakin.

Hindi sya tumigil sa paghabol sakin.
Binigyan ko sya ng pagkakataon makausap yung kaming dalawa lang.
Yung harap-harapan ang mga salitang mababaw nga pero tatagos naman pag lumabas na mismo saatin.

"Chin iniiwasan mo ko."

Alam kong hindi yun tanong ://

"Galing. Talino mo grabe."

Tinitigan ko sya mata sa mata. Na kayang ilabas ang emosyon ko para sakanya.
Nakipagtitigan din sya sakin. Pareho kaming hindi bumibitaw sa titig..

"Galing mong manloko........Galing  mong umarte.........Galing mo na gawin akong tanga......Galing mong pagsabayin kami://"

"Galing. Galing mo sa lahat ng bagay. Bagay na makakasira sa nararamdaman ng isang tao.......Galing mong magpaikot kumbaga ako yung hamster tapos ikaw yung wheel na umiikot na tinatakbuhan ko. Galing nga, nakakabilib kasi nakaya kong hindi tumigil sa pagpapatakbo ng relasyon natin pero yun pala may iniikutan ka pang isa. Na habang tumatakbo ako at nasunod lang sa pagikot mo.......di ko alam na may pinoprovide karin palang isang hayop. Na may kahati pala ako dun sa wheel hindi ko alam kasi nakatalikod ako. At tuwing nakatalikod ako sakanya ka na magpofocus."

Ramdam ko ang init ng aking luha na dumadaloy saking mata papunta saking pisngi.
Kita ko ang pagsisi nya. Ramdam at nakikita ko

"Minahal kita pero anong ginawa mo:')) pinabayan mo ako."
"Gumawa ako ng paraan pero binaliwala mo"
"Keep holding on ba? Di ko na nga alam kung saan pa ako kukuha ng lakas na kumapit sayo kasi ang tinik mo"
"Effort? Paniguradong mas lamang ako:'''("
"Unfair!! Kasi lalaki ka babae ako. Lamang na lamang ako sayo."
"Kumapit ako nageffort ako para malutasan natin to......pero anong ginawa mo....parang pinamukha mo na imposible na ang lahat."
"Tapos ngayon hahabulin mo ako. Ako na niloko mo! Kapal din naman ng mukha mo."
"Alam mo bang para akong nagbuhat ng isang malaking dumbell yung pinakamalaki.....kasi bigat na bigat na ako sa nararamdaman ko."

Nakatitig parin kami sa isa't isa. Pero bumitaw rin sya at yumuko matapos kong sabihin ang lahat ng yan.

"3 years? Tayo? I wish sana wala nalang:):'( Sana yung 3years na meron tyo humanap nalang ako ng iba, yung bagay sakin at tama, walang halong pagkakamali at pagsisisi pag pinili ko yung taong yon. Na sana bago maging tayo......di nalang kita sinagot para wala ng mangyayaring ganito. Para wala ng simula at dulo."

"Pero salamat ha:)......kasi natuto ako sa kagag*h*n mo......salamat sa pagmamahal sakin na HINDI TUMAGAL katulad ng pagmamahal ko sayo.......salamat sa effort na binigay mo lang sakin para lang MAGING tayo........salamat kasi inintindi mo ako sa pagiging tanga ko SAYO......salamat kasi:'(...................kahit ngayong alam kong niloko mo ako at naghanap ka ng iba:'(.................narealize ko na............eto ako ngayon sa harap mo....iniiyakan ang manloloko na minamahal ko......nagsasalita sa harap mo na parang basag na baso....pumiyok dahil sa mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.....at naramdaman ko bigla........tumitibok parin pala ang puso ko......hanggang ngayon......para sayo.....na parang di mo ko winasak at niloko:'((((((("

Pagkatapos kong bigkasin ang mga salitang yan. Tumunghay sya.....sakit ang makikita sa kanyang at pagsisisi. Bumuka ang bibig nya.....at lumabas ang mga salitang di ko inaasahan.

Nothing Like Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon