chapter 50

296 6 6
                                    

Nakabalik na ako sa hotel suite at kasalukuyang nakatingin sa labas ng bintana. Nakikita ko sa malayo na naglalakad na pabalik yung mga batchmates ko. Pero wala naman talaga dun yung isip ko eh, nasa sinabi ni Ejay kanina.

FLASHBACK.

"You're leaving?!" gulat kong tanong. Paulit-ulit?

"Yeah. Sabi ni Daddy dun ko na lang daw ituloy yung pag-aaral. Anyway, pagka-graduate ko din naman dito sa company pa din n'ya ako magta-trabaho eh, so parang pareho lang."

"Kelan?"

"Most probably sa beginning ng next year. May inaayos pang papers si Mom," sagot n'ya. Yes, malapit na yun. December na kaya :(

"Nakapag-decide ka kaagad na aalis ka? Hindi mo man lang sinabi sa'kin--" tapos napahinto ako. Duhh, ang kapal naman ng mukha kong magdemand sa kanya ng ganun. Ano ba ako? Hindi n'ya naman ako girlfriend! Pero masakit lang na parang nagdecide s'ya na umalis tapos inisip n'ya siguro na wala na s'yang maiiwan dito. Pero meron eh. AKO.

"Kahit gusto kong mag-stay, hindi pwede eh. Sila Dad yung nagde-decide. But I can always go back and pay you a visit."

Dammit, ba't naman daw ako naiiyak? Eh di ba ito naman ang gusto ko? Come on, Gwen! Hindi mo ba naisip na ito yung isang pinakamadaling solution para mai-ditch si Ejay? Aalis s'ya so wala ka nang problema sa inyo ni Alfred!

Nakayuko lang ako. Tapos nagsalita s'ya. "I guess we need to go back. Baka maunahan nila tayo eh. Tapos dumidilim na din." Malungkot din s'ya syempre. Pero dahil sa hindi na ako sumagot sa huling remarks n'ya, iniisip n'ya siguro na parang wala lang sa'kin at masaya pa ako na aalis s'ya. Pero hindi eh. Akala ko din magiging mas madali kapag umalis s'ya o may umalis na isa. Kaso hindi eh. Mahirap pa din.

Pagbalik namin sa hotel, wala pa naman yung mga schoolmates namin dun pero si Alfred nandun na. Naglalakad kami sa may garden nun na daanan papuntang entrance ng hotel. Si Alfred naman nakatayo sa gilid ng isang bench. Nakatingin s'ya sa'ming dalawa or siguro mas nakatingin s'ya sa magkahawak naming kamay ni Ejay. Sandali ko lang s'yang tinignan tapos yumuko na ako ulit nun. Kasi habang naglalakad kami pabalik, I was crying silently.

Ewan ko kung alam ni Ejay na umiiyak ako. Usually kasi kapag umiiyak ako, pinapabayaan n'ya na muna ako, hindi n'ya ako tinatanong o kinakausap. Mas madalas na kapag umiiyak ako, niyayakap n'ya lang ako o kaya hinahawakan n'ya yung kamay ko. Alam n'yang ganung klase ng comfort lang yung makakapagpatahan sa'kin, hindi words.

Iniwan namin si Alfred sa may garden. Hindi naman kami huminto eh. Naglakad lang kami dire-diretso tapos nung makarating kami sa tapat ng pintuan ng suite, dun lang s'ya ulit nagsalita.

"Wag ka na umiyak, hindi naman ako mamamatay eh." Hawak n'ya ako sa magkabilang-balikat. Nakayuko lang ako pero nung sinabi n'ya yun, tinaas ko yung ulo ko sa kanya.

"Hindi lang naman patay ang iniiyakan ah! Umiiyak ang tao kapag may importanteng tao sa buhay nila yung aalis. Mawawala."

"Hindi naman ako mawawala eh. Siguro, physically. Pero palagi ka lang namang nandito eh," tapos tinuro n'ya yung left chest n'ya. Sa puso. "Though alam kong wala na ako dyan sayo."

"Sino bang may sabi na wala!" sabi ko, kunot-noo. "Ikaw nga yung palaging wala eh. Oo, palagi kang wala, physically! Kapag kelangan kita wala ka. Palagi kang may training. Palagi kang busy. Tapos ngayon iiwan mo ko."

Eh di ayun. Lumabas din yung sama ng loob ko. Duhh, Gwen, kaya ka n'ya iiwan kasi akala n'ya hindi mo na s'ya mahal. Kasi ikaw ang unang nang-iwan. No, kasi nakipaghiwalay ka. Yumuko ulit ako.

He sighed. Half of the time we spent together is wasted in sighs.

"Ganun lang naman kadali sayong mag-decide eh. Palagi kang nagde-decide mag-isa. Palagi kang umaalis. Kapag ba kelangan kita, nasaan ka ba, Ejay? Nasaan ka?" umiiyak ako habang nakayuko.

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon