[68] #100STHHTeamAF

45K 1K 251
                                    


Chapter 68

Hope's POV

Matapos kong umiyak, babalik na sana kami sa sarisarili naming mga kwarto pero noong malapit na kami sa mga kwarto napansin namin yung liwanag.

Ang ganda. Napapaligiran kami ng mga ilaw. Lumilipad na ilaw.

Naglalakad lang kami ni Enzo, magkahawak ang kamay. Parami ng parami yung ilaw.

"Aren't they beautiful?" tanong niya sa akin.

"Ano yan? Alam mo kung saan yan galing?"

"They're flying lanterns, my love." Ah! Yun pala yung flying lanterns! Kaya pala familiar.

[Now Playing: Heal by Tom Odell]

Tumigil siyang maglakad. Nakailang hakbang na ako malayo sa kanya noong napansin ko. Napatigil din ako, tiningnan ko lang siya. Nakatingin lang siya sa baba.

"Enzo?" Pero hindi siya tumitingin sa akin. Nakatungo lang siya. Lalapitan ko na sana siya pero bigla niyang iniharang ang kamay niya na nagsasabing wag akong lalapit.

"Anong nangyayari sa'yo? Okay ka lang ba?! Inaatake ka ba? Pwede bang magsabi ka?!" Lalapit na sana ako pero bigla siyang sumigaw ng –

"Stop. No. Please."

"Enzo, ano na naman bang nangyayari? Okay lang tayo kanina ah? Enzo may masakit ba? Please sabihin mo sa akin kasi nagaalala ako. Anong nangyayari sa'yo."

Pero wala. Nakatayo lang siya doon, nakatungo pa rin. Yung kamay niya naka 'stop', tipong hinaharangan ako kahit malayo naman ako sa kanya. Tumayo lang ako doon. Hinihintay kong may gawin siya.

Napapalibutan lang kami ng mga flying lanterns. Sobrang ironic na kahit sobrang liwanag dito, dahil sa mga flying lanters, dahil sa mga Christmas lights na nakasabit sa mga puno, kahit sa milyon milyong mga bituin sa langit... parang ang dilim pa rin. Parang ang lungkot pa rin.

Gumalaw si Enzo. Napatingin agad ako sa kanya...

Umi—Umiiyak siya. Umiiyak si Enzo.

Lalapit na sana ako pero pinigilan ulit niya ako. Ano ba?!

"Ano ka ba? Kung nasasaktan ka sabihin mo sa akin. Kung may masakit sabihin mo sa akin. Nandito lang ako, Enzo. Nandito lang ako para sa'yo."

Noong sinabi ko yun bigla siyang pumitik.

"Ayun na nga, nandiyan ka lang. Nandiyan ka lang palagi para sa akin. Nandiyan ka lang. Hindi ka umaalis. Nandiyan ka kapag kailangan kita, nandiyan ka kapag masaya ako, kapag malungkot ako, nandiyan ka lang Hope. Pero ako? Hindi. Hindi ako palaging nandiyan para sa'yo. Hindi ko kayang gawin sa'yo yung ginagawa mo sa akin, Hope."

"Ano bang pinagsasasabi mo, Enzo ha? Alam ko naman yun at okay lang sa akin yun. Ginagawa ko 'to dahil mahal kita, ginagawa ko 'to kasi gusto ko. Wag mong sisihin ang sarili mo."

"But how can I not blame myself?! I'm too weak! I'm useless! I can't even stay for you, Hope. I can't even—"

"Enzo, please. Tama na. Sobrang ayoko kapag ikaw yung nagdodoubt ng sarili mo. Please wag mong isiping hindi mo kaya okay? Kasi hindi ko kayang ibahin yung iniisip mo. Ikaw lang ang may kayang magpalakas sa'yo. Ang kaya ko lang yung maging palaging nandito para sa'yo. Yun lang ang kaya ko para sa'yo."

Nakatingin lang siya sa akin noon, pinunasan niya ang luha niya.

"I wish for the day that I will stop saying sorry to you, Hope. Because I never want to apologize to you. I just want to love you, endlessly. Too bad, I can't do that."

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon