Love is not enough

9 0 0
                                    

Hanggang ngayon, iniisip ko padin kung bakit nagawa mo kong iwan. Sa lahat ng nagawa at pangako natin sa isa't isa ay nagawa mo pading humanap ng iba. Lahat ngayon ay isang ala-ala na lang nating dalawa.

Naalala ko yung mga araw na ang saya saya nating binubuo ang mga ala-ala natin sa isa't isa. Mga panahong ramdam na ramdam ko pa yung pagmamahal mo sakin, sinabi natin sa isa't isa na hindi tayo susuko ang sa huli. Na ikaw at ako na ang pang habang buhay.

Simula ng dumating ka sa buhay ko, nagbago ako. Binago mo ang ikot ng mundo ko, pinapasaya mo ko sa mga matatamis na salitang binibitawan mo, para makita ang matatamis na ngiti mula sa labi ko. Noon pa nga naalala ko ang saya saya mo nung sinabi kong sinasagot na kita. At doon nagbitaw ka ng salita na pinaniwalaan ko, at pinanghawakan ko. Ang salitang

"Ngayong akin kana, ipapangako ko sayong hindi na kita bibitawan. Sayo na din ako habang buhay. Hindi kita iiwan at sasaktan. Mamahalin kita hanggang sa huling hininga ko."

Araw araw tayong nagkakasama dahil sa nasa iisang paaralan lang tayo, alam din nilang tayo at boto sila satin. Madaming natutuwa dahil bagay daw tayo sa isa't isa. Pati ang mga guro natin ay inaasar tayo. Napaka sayo ng araw na binigay ko sayo ang "oo" ko.

Madami tayong away na pinag daanan, nakapag bitaw tayo ng salitang nakakasakit sating dalawa. Pero sa huli, ibababa natin pareho ang pride natin para umayos tayo. Yayakapin mo ko at sasabihing

"Sorry baby. Iloveyou! Sorry"

At hahalikan mo ko sa noo, wala na akong mahihiling sayo. Perpekto ka na para sakin. Ayoko nang magmahal ng iba bukod sayo. Ikaw lang at wala ng iba pa.

Ikaw yung masasadalan ko tuwing may problema ako sa pamilya, andyan ka palagi para damayan ako. Palagi mong pinapaalala sakin na andyan ka at kahit kelan ay hindi ako nag iisa dahil andyan ka

Sa loob ng dalawang taon na naging tayo, sa dalawang tao na bumuo tayo ng magagandang ala ala at dalawang taon na pinaramdam mo sakin kung gano ako kahalaga sa buhay mo. Lalo kitang minahal. Lahat ng pagmamahal ko ay nasayo na. Hindi ko inakalang tatagal tayo ng ganito katagal, masaya ako. Masaya ako dahil ngayon alam ko na, na ikaw ang lalaking gusto kong magdala sakin sa harap ng altar.

Lumipas ang ilan pang bwan, napansin kong nagbago ka. Nanlamig ka sakin, nung una inintindi kita dahil baka may pinag dadaanan ka. Palagi kong pinapaalala sayo na andito ako at hindi kita iiwan.

Lumipas pa ang ilang bwan, ganun ka pa din. Hindi ko na kaya at tinanong na kita kung anong problema

"Baby? Ang cold cold mo na sakin this past few months. Ano bang problema?" Tanong ko sayo habang naka sandal sa balikat mo, pero bigla kang tumayo.

"Ilang beses ko bang sasabihin na walang problema ha?! Intindihin mo din naman ako!" Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang ganon ang isasagot mo sakin. Tumayo ako at hinawakan ang braso mo

"I'm sorry. Iniintindi naman kita ee. Kaso miss na miss na kita. Miss ko na yung dating tayo. Yung dating ikaw." pinipigilan kong umiyak non, dahil ayaw mong nakikitang may luhang napatak mula sa mata ko.

"Edi maghanap ka ng kapareha ko at yun ang syotain mo" Nasampal kita non, dahil nasaktan ako sa mga nasabi mo. Pero agad akong nagsorry sayo. At hahawakan ko sana ang pisngi mo pero tinabig mo ito. At binitawan mo ang salitang ayokong marinig galing sayo

"you know what? Ayoko na. Let's break up. Sawa na ako sayo, ayoko ng patagalin to. Hindi na kita mahal, may iba na kong mahal. Please leave me alone" pagtapos mong sabihin yon, ay umalis kana sa harap ko.

Ang sakit na yung taong minahal mo ng sobra ay iiwan ka lang din naman pala. Na dahil sa nagsawa na siya sayo iiwan kana niya.

Hindi parin pala talaga sapat na mahal mo lang ang tao. Magagawa ka padin niyang iwan kapag sawa na siya sayo. Kapag naka kita na siya ng mas higit sayo.

Hindi ako nagsisisi na minahal kita ng sobra sobra. Hindi ako nagsisisi na binigay ko lahat sayo, na nagbuhos ako ng efforts para sayo. Dahil mahal kita. Umasa ako sa mga pangakong binitawan mo. Pangakong akala ko ay tutuparin natin pareho. Pinangako mo sakin na ako lang babaeng mamahalin mo.

I think, love is not really not enough to make someone stay in your life forever.

Love Is Not EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon