CHAPTER 25- CELEBRATING OUR FIRST (FAKE) MONTHSARY

892K 11.4K 2.6K
                                    

CHAPTER 25- CELEBRATING OUR FIRST (FAKE) MONTHSARY

BRYLE's POV

"Good morning apo." ang aga aga pa ah?! anu bang problema nitong matandang to?!

"Oh bakit?! walang pasok ngayon ah?! Sabado! Hayaan mo naman akong matulog ng mahaba. Napuyat ako sa pagrereview nung Thursday huh." kahit ang totoo hindi naman ako sa pagrereview napuyat talaga kundi sa kaiisip sa sinabi ni Nami.. tsk =___=

"Yun na nga eh! Gusto lang kitang icongratulate apo! Napag alaman ko sa mga teachers mo na naipasa mo lahat ng exams na kinuha mo sa mga subjects nung day 2 ng exam. Although bagsak ka dun sa first day.. pero ok na yun! Ok talagang nagreview ka kasama ni Nami! congrats apo!"

"Haaay..yan lang pala ang gusto niyong gawin eh. Pede namang mamaya na diba pag nagising ako?! Kailangan mo pa akong gisingin para dyan?! Imba ka talagang matanda ka..tsk"  nagtaklob na ako ng unan, tutulog na ulit ako. Nakakabadtrip tong matandang to eh.

"Teka apo! Hindi lang yan ang gusto kong sabihin!"  hays..tinanggal niya yung unan na nakataklob sakin

"Oh anu pa?!"

"I love you!"  anu daw? PSH! I love you?!

Naalala ko na naman tuloy yung tungkol kay Nami! PSH na matandang to!

"PSH! Lumayas ka na nga sa harapan kong matanda ka! nakakabwisit ka na huh!" tapos pinagbabato ko siya ng unan

Sinasalag niya habang papalabas..

"Ang sungit naman ng apo ko! Anu bang masama sa I love you?!"

"Kadiri kang matanda ka! Lumayas ka dito!"

At ayun lumabas na siya..

Bwisit tlga yun! umagang umaga ang lakas ng trip! Hays.

Hindi na tuloy ako makatulog. Nabalik na naman ako sa pagiisip kung totoo ba yung narinig kong sinabi ni Nami! Haay! Bakit ba kasi hindi ko na lang siya tanungin diba?! Teka.. hindi nga pwede eh. Mamaya nagkamali lang ako ng rinig, lolokohin lang ako ng babaeng yun.. tsk.

Anu na kayang ginagawa nun ngayon? Hindi kami nagkita nung day 2 ng exam kasi umuwi na siya agad pagkatapos ng exams niya. 2 subjects lang siya eh, ako apat.. tsk. Nakakamiss din naman..

Oh! teka anu ba tong sinasabi ko?! Bakit ko naman siya mamimiss?!

.

.

.

Maya maya bumangon narin ako.. nagugutom na ako eh. Pumunta ako sa dining room..

Tsk..andun pa yung matanda.

"Apo..wala ka bang gagawin ngayon?!"

"Wala naman..bakit?!"

"Talaga lang huh?! wag mo ng ilihim sakin."

"Anu bang sinasabi mong matanda ka huh?!"

"Sabihin mo na sakin kung anung plano mo."

"Plano?! para san?!"

"Wag mo ng itanggi apo. Hindi ko naman sasabihin kay Nami."

"Anu ba talagang pinagsasasabi mong matanda ka huh?!"

"Hindi ba monthsary niyo na sa Lunes?!"  huh?! anu daw?! monthsary?!

"Teka..panu mo naman nalaman huh?!"  eh ako nga hindi ko alam eh =____=

"Hindi ba nung mismong araw na naging kayo mo siya pinakilala sakin?! kaya naman alam ko. June 14 yun..at July 14 na sa Lunes kaya 1 month na kayo! Diba dapat icelebrate niyo yun diba?! diba?! so anu ngang plano mo para sa kanya?!"  te-teka..wala sa isip ko yun ah

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon