Chapter 17: The Woman in the Coffin

68 3 0
                                    


A short but definitely an important chapter.

PS. Hindi ko 'to masyadong naedit kaya maraming typos dito. Pagpasensyahan niyo na! :)

Kaway kaway sa mga silent readers dyan! Hahaha!! Vomment kayo pag may time! :)










Chapter 17: The Woman in the Coffin

Pinagmasdan kong mabuti ang napakalaking bahay sa harapan ko. Nadito ako ngayon sa Gonzaga's Residence. This day would be Nicole's funeral. Mamayang hapon pa, actually. Pero wala akong balak na ihatid siya sa kanyang huling hantungan kaya minabuti ko nang pumunta rito ng maaga para makita siya sa huling sandali.

Halos wala pa ring pinagbago ang mansyon. Naroon pa rin ang mga makukulay na bulaklak na itinanim ni Tita Joanna sa paligid ng pabilog na fountain nila.

Ang pinagkaiba nga lang siguro ay ang atmosphere na pumapalibot sa napakalaking bahay na ito. Kung datiy puno ito ng kasiyahan ngayon namay tanging katahimikan lang ang maririnig mo. Katahimikang nagdadala sa'yo sa kalungkutan.

I entered the mansion and Nicole's mourning mom approached me. "Ikaw pala yan Dina iha! Mabuti naman at nakapunta ka! How's your Dad?"

"Hello po Tita! Ayos lang naman po si Dad. He wants to come but he was tied with paper works kaya ako na lang po ang nagpunta." I replied to her.

"Ah..ganun ba." Aniyang nagpupunas ng luha. "Kung ganoon, pumunta ka rito ng mag-isa?"

Tumango ako. Balak ko sanang isama si Sid rito para naman masilayan niya si Nicole kahit sa huling sandali but because of what he said to me last night, I decided not to. Medyo nadisappoint kasi ako sa kanya.

"Let's go to Nicole, iha. I'm sure gusto mo na siyang makita." Aya sa'kin ni Tita Joanna kaya tumango na lang ako sa kanya.

Pumunta kami sa harap ng kabaong and I saw her. Looking at her now makes you think that she's just sleeping prettily, like she was waiting for a prince to wake her up with a kiss. But no matter how many princes will kiss her, she'll never wake up. Never will she and that's a painful tragedy. I sighed.

"Tingnan mo 'tong anak ko! How could she be lying in that rectangular box knowing that  I'm still here? She's a bad girl, isn't she?" Tita Joanna exclaimed in tears. Hindi ko alam kung anong sasabihin kaya niyakap ko na lang siya at tinapik tapik ang kanyang likod.

After few minutes, kumalas naman siya at nagpunas ng luha. "Ah.. I'm sorry for being emotional, iha. I just can't help myself."

I gave her a smile. A reassuring smile. "It's fine with me, Tita. Tama lang po na inilabas niyo ang nararamdam niyo. I know how painful it is to lose someone you love. Alam ko po yun lalo na't I felt the same when I lost my sister a year ago." Muntik pa akong pumiyok ng sabihin ko yun.

Tumango-tango naman si Tita. "Yeah, right. Tama ka nga Dina. Punta muna ako ng kitchen, iha. Maghahanda ako ng makakain mo. Sumunod ka na lang, Dina. Okay lang ba?"

"Opo." I answered and with that, nawala na si Tita sa harapan ko.

Muli kong ibinalik ang tingin sa kabaong. Ever since LJ's death, hindi na ulit kami nagkita. I guess that was the last time I saw her alive.

Nanatili pa rin akong nakatutok sa taong nasa loob ng kabaong hanggang sa may napansin akong kakaiba.

Hindi kaya....

Alta Casta Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon