Part 11

3 1 0
                                    

Pagkarating ko sa bahay. Kinausap ko kaagad sina Tita mommy at tito daddy. Regarding nga doon sa pagpunta ko kay Justin.

Nung una.. syempre ayaw nila. Kasi 2 days na lang. Christmas na. Tsaka nga masyado daw malayo yung lugar baka daw mapahamak kami ni Shiela. At alam ko naman iyon. Medyo nag-aalinlangan nga ako kung itutuloy ko pa ba.

Pagkatapos nila akong kausapin, minabuti ko nang unakyat sa kwarto at matulog na lang. Wala na yata talagang pag-asang magkita ulit kami.. at lalo ng wala ng pag-asang maging kami ulit.

Kinuha ko ang phone ko to text Marco.

To:Marco

Hoy! Bakit di ka nagtetext?

...

Wala pang isang minuto nagreply agad. Wow Ha?

From: Marco

Bakit? Miss me?
--

Asa! Kapal neto huh?

To:Marco
Mala dictionary ka dyan ha? Makapal e. Hayy. Nakakalungkot talaga :(

From: Marco

Oh bakit?

To: Marco

Can I call? Friends naman tayo diba?

From: Marco

Sorry. May ginagawa kasi ako. Next time. Kahit sa personal na pati.

To: Marco

Okay. Sige. Tulog na lang ako.
---

Hayyy. Ano ba yan.

"Jea?"

"Bukas Yang pinto pumasok ka na lang."

"Galit kaba kina tita mommy mo?"

"Ha? Hindi noh. Hindi naman porke hindi ako pinayagan,.magagalit nako. Okay lang yun."

"Eh paano kung sabihin ko sayong pumayag na sila?"

Inalis ko bigla ang nakapatong na unan sa mukha ko. "Anong sabi mo?"

"Jeaaaaaa. Go go na! Pinayagan kana nila. I'm so excited. Yieeeeee" tapos nagtatalon pa siya sa kama ko na parang bata.

"Hoy umayos ka nga dyan. Sisirain mo kama ko" bumangon ako at umupo sa kama. "Tunay? Pumayag na sila?"

"Oo nga. Kinausap ko kasi sila.. tapos yon! Nakumbinse ko naman sila. Galing ko noh?"

At dahil dyan.. niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"Buti na lang talaga. Nakilala kita."

"Oo naman, nakakaawa ka na kasi e. Joke! I mean.. miss ko na kasi 'yong Jea na kilala ko nung mga panahong kayo pa ni Justin. Yung sobrang saya araw-araw."

"Aweee. So kelan ang alis natin?" Ngirit ko pa sa kanya.

"Mamayang madaling araw. Mag Van na lang tayo tapos sakay tayong Lantsa.. then bus tapos Jeep. Tapos dyaraaaaaan! Andun na tayo sa tapat ng bahay nila Justin"

"Eh?" Tumawa lang naman siya.

"Oh Ano? Tuloy na tuloy na ba kayo mamaya?"

Si tita mommy yan..

"Tita Mommy.." nilapitan ko siya tapos ni-hug ko. "Thank you po talaga. Promise.. mag-iingat kami ni Shiela doon."

"Teka po. Alam na po ba ni tito daddy? Baka po magalit siya"

"Nakapag-usap na kami.. at okay naman, pumayag siya basta ba mag-iingat kayo."

"Oo naman po. Tita, ako nang bahala kay Jea"

HOW TO LOVE? (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon