-B-

4.6K 127 25
                                    


Nang makarating kami sa bahay ay nabungaran namin si Austin na nakahalukipkip sa sofa habang nanunuod ng cartoons. Si Audrey naman ay abala sa paglalaro ng car toys.

Nang nakuha namin ang atensyon nila ay agad silang tumayo upang salubungin kami ni Dion.

"Mommy! Tito!" chorus pa sila sa pagsabi.

They went to me first para halikan ako bago sila nagmano sa kanilang Tito Dion.

"Wow! Is it my requested Pizza, Tito?" namumungay ang mga matang tanong ni Audrey nang makita ang bitbit ni Dion.

Malapad na ngumiti si Dion dito. "Yes, Baby Audrey."

Tumalon talon si Audrey. "Yey!! Thanks Tito! You're the best!" masayang saad ni Audrey saka niyakap sa baywang si Dion. Natawa naman ito saka niya ginulo ang buhok ni Audrey.

"Tito how about me? Wala akong pizza? Kay Audrey lang lahat ng iyon?" tanong naman ng nakabusangot na si Austin.

"Ofcourse not. She won't be able to eat all of that alone. Kakainin natin lahat iyon. Right, Audrey?"

Napairap naman si Audrey. "I don't like! Hindi ko siya bibigyan!" anito sa masungit na tono.

"Audrey! Bad yan! Diba lagi kong sinasabi na share your blessings! Huwag kang magdadamot sa kapwa mo. Lalo na sa kapatid mo." saway ko dito.

"Tama ang Mommy mo. Bad ang nagdadamot. Gusto mo bang mapunta sa hell?" segunda ni Dion.

Umiling iling naman si Audrey. "Hindi po. Pero.. Kasi.. Kapag ako naman yung nanghihiram ng toys niya ayaw naman niyang ipahiram." nakalabing sagot niya.

"Because you always broke my toys! And you're not supposed to play mine dahil panglalaki ang mga iyon! You should learn how to play toys for girls!" depensa naman ni Austin.

Napailing ako sa kanila. Hinila ko silang dalawa palapit sa akin at saka ko sila pinaupo sa sofa. Pumagitna naman ako. Si Dion naman ay umupo sa harapan namin. Nakikinig lang sa sinasabi ko.

"Mga anak.. dapat palagi kayong nagbibigayan. Masama ang nagdadamot sa kapwa niyo. Lalo na sa inyong magkapatid. Dahil kayong dalawa ang mas higit na nagtutulungan. Hindi ba ilang beses ko ng sinabi iyon sa inyo?" pangaral ko sa kanila.

Parehas silang napayuko at hindi nakaimik. I face Audrey and lovingly stroke her hair as I calmly talked to her.

"Audrey, anak.. Dapat din kasi 'pag humihiram ka ng toys ng kapatid mo dapat isauli mo ng maayos. Kung maayos iyong hiniram mo dapat maayos ding ibabalik mo." mahinahong pahayag ko.

Napabuntong hininga naman si Audrey. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Malamlam ang mga mata niya senyales na nagiguilty siya.

Napatiim labi ako habang nakatingin sa kanyang mga mata. Her eyes reminds me of her father. Kuhang kuha niya kasi ang pagkakadepina ng mga mata ni Chris. She also has this strong feature kaya nagmumukha siyang masungit at mas mature kaysa sa tunay niyang edad. They're only eight years old pero kung titingnan si Audrey ay parang ten na siya. Ganoon din si Austin but not like Audrey, his features were light and his emotions are very transparent. Malalaman mo agad kung ano ang tunay niyang nararamdaman base palang sa ekspresyon ng mukha niya.

"H-Hindi mo naman po kasi ako binibilhan ng car toys ko mommy eh." nakalabing saad niya.

"Because that is for boys only baby. May mga dolls ka naman ah tsaka masaya din naman yung lutu-lutuan at bahay-bahayan 'diba?"

Unfaithful Wife | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon