The Night's Promise

62 1 2
                                    

Eleanora Alexandria Rivera Morrison a.k.a Ellie or Alexa

Siya ang nakababatang kapatid ni Joseph Marco Rivera Dominguez. Magkaiba sila ng ama dahil si Ellie ay ipinanganak nang magpakasal ang single-parent na mama nila na si Nora Jane Rivera.

Simula’t pagkabata, si Ellie ay malapit sa kanyang kuya kahit na half-siblings sila. Sa katunayan, itong si Ellie ay parating dikit ng dikit kay Marco.

Malambing si Ellie, madaldal, minsan lang magsusungit, maalalahanin, mabuting anak, matalino at napaka-talentado. Bata pa lang siya, inenroll na siya ng kanyang ina sa mga dance schools o hindi kaya yung mga institutions na nagtuturo ng arts, sports, music at foreign language. Achiever siya kaya’t maraming humahanga sa kanya, mapa-lalake man o babae. Pero down to earth din itong si Ellie, dahil yun ang turo nila ng mga magulang nila, lalo na si Alexander Morrison, ang half-British at half-American niyang ama.

Prologue

September 2009, Chicago

High School Graduation

“..From this day forward, we will live, laugh, strive, and fight to make this world a better place…Congratulations Batch 2009! We have finally graduated!” Nagsabayan ang pagtapon ng graduation cap ng mga estudyante pagkatapos ng Valedictory address ni Ellie na hudyat na malapit ng matapos ang ceremony.

May umiiyak, may tumatawa pero iisa ang nasa isip nilang lahat. Masaya sila na nakapagtapos na ng High School at malungkot din dahil magkakahiwalay na sila ng mga kaibigan at kaklase nila. Ang iba ay pupuntang University, ang iba ay sa Community College, at mayroon din ang magtatrabaho na.

Ngayong araw na ito, kinalimutan muna nila ang tinatawag na status quo. Mapa-cheerleader man, jock, emo or nerd, nagkaisa sila nang kinanta nila ang kanilang Graduation Song at School hymn.

Habang nagpapa-picture sila, lumapit si Devon kay Ellie. Siya ang Vice President nito sa Student Council.

“Hey, Pres. Great speech by the way!” sabi ni Devon kay Ellie.

“Thanks. You too. I was even moved to tears!” sabi ni Ellie kay Devon na ang tinutukoy nito ay ang speech niya bilang Salutatorian.

“Aww..Really? I was that good?” ngumingiting sabi ni Devon.

“Hahaha. By the way, isn’t it about time you give me a hug?” Ellie teased, waggling her eyebrows.

“Ah—You got me! Now come here.” Devon opened his arms as Ellie laughingly threw herself to him.

“Got ya.” Sabi yun ni Devon habang hinihigpitan ang hawak nito kay Ellie.

Ellie giggled, making Devon’s heart beat faster.

“I’m gonna miss you Pumpkin.” Devon whispered and kissed her hair. I will miss this brunette girl.

“I’ll miss you too Teddy.” Mahinang sagot ni Ellie. Mami-miss ko ang bestfriend kong ‘to.

Pumpkin at Teddy ang tawag nila sa isa’t isa.

Pumpkin dahil ito ang Halloween costume ni Ellie noong pre-school pa sila ni Devon. Siya ang pinaka-cute na pumpkin ayon kay Devon.

Teddy dahil matabang bata si Devon noon kung kaya’t ito ang tawag sa kanya ni Ellie. Siya ang pinaka-comfy na teddy bear ayon kay Ellie.

Kahit na muntik ng buwagin ang pagkakaibigan nila noong summer na yun dahil sa ‘harmless’ na laro nilang magkakaibigan, hindi pa rin nagbago ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Mas lumalim pa nga ito.

Hinding hindi nila makakalimutan ang gabing yun.

Dahil doon nabuo ang isang pangako.

Ang pangako na maaaring sisira sa pagkakaibigan nila.

The Night's PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon