May nakilala ako sa link, isang social app, halos mag iisang taon na ang nakararaan.
Okay naman, sinali nya ako sa isang group chat, masaya, kamustahan asaran lang nung una, nagtagal ung communication nmin sa link, walang personal info ng bawat isa samin walang cp number, walang fb etc.. Pero isang araw, nag pasya kami na mgkita, masaya kami, nanuod sine, kumaen kung saan saan.Nung pauwi na kami at mghi2walay na ulit ng landas, nakita kong tumulo ang luha nya. Tinanong ko sya kung bakit, pero wala ako nakuhang sagot, kundi ang sinabi nya lang ay "salamat sa araw nato, sayang sana dati pa kita nging kaibigan."
Parang may kumurot sa dibdib ko nung oras na un, pero kailangan namin umuwi na, kaya sa ayaw at sa gusto namin naghiwalay kami ng landas.Pag uwi ko nag link agad ako umasa na may message sya at para itanong ang maraming bagay. Pero bigo ako, lumipas ang araw, lumipas ang isang buwan, pero hindi na sya nagparamdam.
Isang common friend namin sa link nagsabi na patay na sya.... hayyyyy!! nung una hindi ko pinaniwalaan pero nagsend sya ng mga litrato ng burol nya at ung common friend pala nmin na un ay pinsan nya.
Ilang araw din akong hindi naka tulog ng maayos dahil sa lungkot, at ilang gabi ko din sya iniyakan, pero wala na! Wala na ang babaeng sikreto kong minahal. Sana nasabi ko sa kanya dati pero natakot ako na baka iwasan nya ako.
Kung alam ko lang! hayyy ang daming sana pero wala na.:(((((
BINABASA MO ANG
Sikreto
Short StoryTrue to life story. Pag amin sa matagal nang kinikimkim na damdamin....