LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 35-

868 14 3
                                    

-Chapter 35-

HABANG LULAN SIYA SA kotse ni Nicky na siyang minamaneho nito ay tila namang tuksong nagbalik sa alaala ni Katharina ang mga naganap kanina pa. Tila naririnig pa rin ng dalaga ang alingawngaw ng mga salitang ni sa hinagap ay hindi niya naisip na magagawang bitiwan ni Brian sa kanya.

“Stop it, Katharina! Forget about those promises which you yourself broke. I’m sorry but I won’t allow myself to be fooled by you anymore. I don’t wanna listen to your lies and experience the same failure again. Once is enough and I am already breaking up with you! You heard me right, I AM ALREADY BREAKING UP WITH YOU! So please, I don’t wanna see you here anymore.”

 

Kaya bumalik ang matinding emosyong kani-kanina lang ay humupa na sana. Hindi napigilan ng dalaga ang sarili at tuluyang bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Nahihiya man ay hinayaan ni Katharina na ilabas ang sakit na siyang kumakain sa kanyang buong pagkatao sa pamamagitan ng pag-iyak na ngayon ay unti-unti ng nauuwi sa isang hagulhol. Samantala, hindi nalingid kay Nicky na nasa driver’s seat ang ginagawang iyon ng dalagang nakaupo sa likurang bahagi ng kanyang kotse ngunit hinayaan niyang maibuhos nito ang lahat ng nararamdaman. Pilit nalang na itinutuon ng binata ang kanyang pansin sa kalsada habang binabaktas nila ang daan patungo sa kanyang bahay.

“We promise you, Katharina. We’ll do our best to bring back the relationship that you and Brian had.” Saisip ni Nicky habang nakatingin sa labas.

Marahang kinabig ng binata ang manibela ng kanyang kotse ng matanaw niya ang kalsadang paliko patungo sa isang subdivision kung saan nakatayo ang bahay na kanyang binili ng bumukod siya sa kanyang  pamilya. Wala pa ring salitang namamagitan sa kanilang dalawa ni Katharina kahit na huminto na ang naturang sasakyan sa tapat ng gate ng kanyang bahay. Binuksan niya ang pagkaka-lock niyon saka naunang bumaba upang ipagbukas ng pintuan ang dalaga. Dahan-dahang pinahid ng dalaga ang mga luhang nasa kanyang pisngi habang nasa labas pa si Nicky. Marahan siyang ngumiti sa binata ng mabuksan nito ang pintuang nasa kanyang tapat at hindi na rin siya tumutol ng damputin nito ang mga bagaheng nasa kanyang tabi. Gumanti din ito ng pagkakangiti sa kanya.

“Come, Katharina. Let’s get inside the house.” Yaya sa kanya ng binata.

“Okay.” Ang tanging naisagot ng dalaga.

Wala pa rin sa kanyang sarili si Katharina ng bumaba siya mula sa sasakyan ng binata. Magkahalong pagod sa katawan at nararamdamang sakit sa damdamin ang siyang patuloy pa ring namumuo sa kanyang pagkatao habang nakasunod kay Nicky papasok sa gate ng bahay nito.

“Just feel at home, Katharina. Okay? Just think that you’re in your brother’s house.” Turan ni Nicky saka sumilay sa mga labi nito ang isang palakaibigang ngiti habang bitbit pa rin ang kanyang mga bagahe.

“T-Thank you so much, Nicky. You are so kind as well as the rest of the lads.” Sagot ng dalaga saka gumanti din ng pagkakangiti sa binata.

“Don’t mention it, Katharina. Let me take you to the guest room. I’m going to phone the agency lately and will inquire if there’s a Filipina housekeeper to hire who can be with you while you’re here.” Pahayag nito habang naglalakad at iginigiya siya patungo sa isang kwarto

Inilapag ng binata sa sahig ang isang travelling bag na siyang bitbit ng kanang kamay nito saka sinusian ang pinto ng kwartong nasa harap nito. Binuksan iyon ng binata pati na ang ilaw niyon at hindi mapigilan ng dalaga ang mapahanga sa karangyaan ng naturang silid. Napakilinis at napakabango niyon na halatang alaga sa linis.

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon