Ako si Marco. Fourth year accountancy student sa pinapasukan kong paaralan. Wala akong alam sa mga nangyayari ngayon dito sa mundo. Ang alam ko lang ay late na ako. Patakbo kong tinungo ang room kung saan kami nagkaklase ngayon. Huminga ako ng malalim nang naabot ko ang pangalawang palapag ng building. Hawak-hawak pa ng dalawa kong mga kamay ang mga tuhod ko habang humihinga.
Papunta ako sa room 202, pero parang may mali eh. Lumingon ako sa likod at wala naman akong nakita. Nagpatuloy ako sa paglalakad ko patungo sa room 202.
Dalawa ang pintuan ng room namin. Sa likod at sa harap. Hahawakan ko na sana ang door knob ng pinto kaso biglang tumunog ang cellphone ko. May tumatawag kaya binunot ko ito mula sa bulsa tapos sinagot.
“Oh?” Sabi ko.
“Pre, walang pasok. Saan ka?” Nagulat ako sa nagsalita sa kabilang linya kaya tiningnan ko kung sino ang tumawag. Si Jason. Classmate ko.
“Potek naman, pre. Ba’t ngayon mo lang sinabi? Gag*” Bulyaw ko.
“Nag-text kaya ako sa ‘yo kanina. Gag* ka rin.” Sabi niya at tumawa.
“Tang’na naman oh. Oh sige na.” Sabi ko tapos binaba ang telepono.
‘Yan ang pinakanakaka-asar na pangyayari sa buhay ng isang estudyante. ‘yong alam mong late ka na at nagmamadali ka pa tapos pagdating mo wala pala kayong pasok. Nakaka-asar talaga. Ang sama pa naman ng panaginip ko.
Diniretso ko ang tingin ko dahil sa badtrip na nararamdaman ko ngayon. Nakita ko ang isang babae na kakalabas lang ng room kung saan kami dapat nagkaklase. Tiningnan ko siya dahil patungo siya sa direksyon ko. Simple lang siya. Maganda siyang tingnan habang dala-dala niya ang mga libro niya. Hindi ko namalayan na dumiretso na pala siya.
Pumasok ako sa room dahil gusto kung magtambay. Magbabasa na lang ako ng Percy Jackson para mawala ang badtrip ko. Pumunta ako sa sulok sa likod tapos umupo, kaso may nakita ako na libro. Kinuha ko ito at tiningnan kung kanino. Pagbuklat ko ng libro, nakita ko ang isang litrato. Siguro siya ang may-ari ng libro na ‘to. Medyo pamilyar sa akin ang mukha ng nasa litrato. Kaya pala pamilyar kasi siya ‘yong babae na nakita ko kani-kanina lang.
Dali-dali akong tumakbo para habulin ang babae kaso hindi ko na naabutan. Bukas ko na lang ito isasauli sa kanya. Bumalik ako sa puwesto ko at binuklat ko muna ang libro niya. Marami akong nalaman tungkol sa kanya. Sheena ang pangalan niya. Maganda ang penmanship niya. At third year accountancy student din siya, pero ngayon ko lang siya nakita. Siguro ganoon ako ka nerd dahil hindi ko siya namalayan na schoolmate pala kami.
Hindi naman ako nerd. Focus lang talaga ako sa studies at mga libro kaya ganoon. Hindi ako defensive. Nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi naman ako matalino eh. Wala din akong glasses.
Ang usual ko talaga na ginagawa ay ang magbasa ng Percy Jackson. Nasa ikalimang libro na ako nito. Pero ang ginagawa ko ngayon ay tinitingnan ang litrato ni Sheena. Ngayon lang ako nagkakaganito sa isang babae kahit hindi ko pa naman siya gaano ka kilala.
“Anak, gising na!”
Nagising ako dahil sa boses ng nanay ko. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko ang aking kama na ang linis. Hindi magulo. Hindi din bumagsak ang unan ko sa sahig.
Nang may napansin na ako. Bigla akong napa-upo. Nakatulog pala ako sa lamesa. Nakatulog ako sa kakatitig ng litrato niya. Paano kaya ako nakatulog ng ganito kahimbing sa puwesto na ‘to?
Nagmamadali na akong magbihis baka ma-late pa ako. Una kong ginawa ay tiningnan ko muna ang cellphone ko kung mayroon bang nag-text, kaso wala. Dinala ko na rin ang libro ni Sheena para isauli.
BINABASA MO ANG
Anak, gising na!
RomanceDala-dala lagi ng kasiyahan ay ang kalungkutan. Malungkot pero totoo.