This chapter is for ItsMeTheFanGirl. Salamat ng marami!
As promised, here is the next chapter... Agad-agad!
Enjoy!
==========================
CHAPTER 32
“Hindi pa ba tayo papasok?” tanong ni Gino kay Mikay nang manatili lamang itong nakatayo sa harap ng boutique ng kaibigan nito. Nang makababa kasi sila mula sa kotse ay akala niyang papasok na agad sila sa loob. Sa halip, parang nag-alinlangan pa si Mikay sa harap ng pinto.
“A-ah… O-oo… Tayo na…” yaya naman nito sa kanya.
Hindi niya maiwasang mapansing kanina pa parang may gumugulo sa isip nito. Habang nasa kotse sila kanina ay hindi ito masyadong umiimik at parang malalim ang iniisip. Something was clearly bothering her and he intended to find out what it was.
Nang makapasok sila, ang unang nakaagaw ng pansin ni Gino ay ang framed portrait ng isang babae. The woman was beautiful as she was familiar. Alam niyang nakita na niya ang babae pero hindi lang niya matandaan kung saan.
Nabaling ang atensiyon niya sa katabi. Mikay was also looking at the portrait with a sad smile on her face. Naalarma siya nang makitang namamasa ang mga mata nito at parang nagpipigil na umiyak. Agad niya itong hinawakan sa magkabilang balikat at iniharap sa kanya.
“Mikay, what’s wrong? Bakit ka umiiyak?” tanong niya habang matamang nakatitig dito.
“H-ha?” sabi nito at tumawa. Her laughter sounded forced. “H-hindi ah! Napuwing lang ako. Ano ba ‘yan!”
Muli itong tumawa at kinusot ang mga mata. He wasn’t convinced at all. Mas lalo lang siyang nag-alala.
“Are you sure? Okay ka lang ba talaga?” ulit niyang tanong.
Ngumiti si Mikay at tumango. “Yes. Tara na. Naghihintay na si Dorji sa loob.”
Nagpatiuna na ito at naiwan siyang nagtataka. There was really something wrong with her. At sigurado siyang may kinalaman ang babae sa larawan. He just had to remember who she was. He gave the portrait one more look and followed after her.
BINABASA MO ANG
Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)
FanfictionPara matakasan ang plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa isang lalakeng hindi niya kilala ay naglayas si Mikay. Sa kasamaang-palad ay minalas siya. She found herself suddenly penniless and without anywhere to go to. Enter Gino, ang masungit, bugn...