Pumasok ako sa kwarto namin. Kwarto ng Third Year-Archimedes. Eto na naman. Maingay, magulo, makalat, mainit at may kanya-kanyang grupo. Umaga pa lang, ganto na. Buong araw kaming ganto. Maglilinis lang pag sinabihan o kaya pag may nagkukusa. Papunta pa lang ako sa pwesto ko, nakasunod na sya sakin, ANG EX BOYFRIEND KO, si Hero. Nakasabit yung kamay nya sa bag ko habang naglalakad ako.
"Bitawan mo ko!" Bumitaw naman sya agad.
"Good Morning :) Kumain ka na? Pataba ka ha" sabi nya. Kabisado ko na yung mga linya nya. Lagi nyang sinasabi sakin yan eh.
"Oo na! Jusme. Dun ka na" Pumunta na sya sa mga lalaki kong kaklase. Taga-kabilang section sya. Pilot section kasi ako. Section Euclid sya.
Nakita kong dumating SIYA, si JARED. Classmates kami simula 2nd year.Magaling sa Math, sa Science, magdrawing, magpaint, mag-isip ng idea para sa play, at kung ano ano pa. Top 2 siya ng klase namin. Hanggang ngayon, nalilink pa rin kami sa isa't-isa. Hindi kami nagpapansinan, pag kailangan lang talaga.
Ako si Alyana Zabrina. SILANG DALAWA. Hindi ko alam kung sino talaga yung gusto ko sa kanila. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam.