B.o.B Chapter 1.2

40 1 2
                                    

Nakaka-badtrip na talaga to ! Umagang-umaga badtrip na agad. Pano ba naman sabay kami pumasok at pinagtitinginan kaming dalawa ng lahat ng students na nakatambay sa paligid ng gym. Oo maraming students ang nandito ngayon sa gym dahil sa morning assembly. Halos masuffocate na ako dahil sa sobrang kahihiyan na natatamo ko dahil sa pesteng deal-deal na yan.

Who's that girl? Never seen her before and she looks so baduy  to be with Mr. Handsome Prince Jules. Sabay sabi ng girl habang dumadaan kami. Mga Grizzly Bears talaga ! 

Girlfriend ba siya ni Mr.HP? (Handsome Prince) OHMENGGEEE ! 

EWWW ! So Pangit ! Baduy !

A nerd girl with Mr.HP !? is this a joke ?

Sige,Sige lahat na ng panlalait sabihin niyo na sakin. Hiyang-hiya naman ako sa pinagsasa-sabi niyo,manalamin nga kayo at ng malaman niyo na sarili niyo pala nilalait niyo.hahahah ! 

Nagsimula ang assembly at natapos ito pero di pa rin tapos magtsismisan ang mga Grizzly Bears ! Pasalamat sila at di sila nahuli ng Student council kung hindi detention room kahahantungan nila ng maaga.

*Level IV section- Stars 

Umupo na ako sa designated chair ko at biglang may tumayo sa harap ko,pagtingin ko sa taas ! Ganito nalang itsura ko O.O  Nabigla ako kasi si Genevieve The Queen Bear este "the Queen Bee". Hala ! ba't di ako tumakbo agad. Malas ka nga naman ella at naabutan ka niya. Nakakatakot talaga si Genevieve dahil nga siya ang Queen Bee kontrolado niya ang nasa paligid niya,kaya wag kang haharang ella o magdis-obey ng rules niya kung ayaw mong maging Fishda ng hindi oras dahil yun ang paborito ng mga followers niyang mga grizzly bears at baka kaladkarin ka, ipahiya at kung anu-ano pa man jan at baka magalusan pa ang katawan ko.

Hoy Babae ka ! bakit kayo magkasama ng Prince Charming ko ha? Aba ! aba ! sini-swerte ka nga naman oh, at ikaw pa napili na makasabay at makasama sa buong assembly kanina ni Prince Jules. Ano bang  gayuma ang ginamit mo ha at nahumaling sayo si Jules? hahahahhah *evil laughed*

Sinong Prince Charming?  Yung tsunggong yun Prince Charming ? ano kaya pinagsasa-sabi ng Queen Bear nato.. aba,oo sini-swerte nga naman ako sa sobrang kamalasan ang natanggap ko mula sa kanya at malas ang simula ng araw ko. Gayuma ? Aba,ano ako mangkukulam porke't ganito na itsura ko ! Husgahan ba naman agad ! Aba't di na to maganda marami na silang panglalait na sinasabi. Kung kilala niyo lang talaga ang nasa likod ng maskarang to 'at mag-bow down kayo mga grizzly earth bears. Be a good girl muna ella. Keep calm and call Ding "ang  bato".

Pero di pa kaya ng powers ko, di ako nakapag-salita dahil parang biglang umurong yung dila ko sa pagsasalita.At bigla ko nalang naisip baka madulas ako masabi ko yung sekreto ko. Kaya parang zip-locked ung bibig ko.

*NgaNga*

"Level IV - Stars" bagay ba talaga ako sa section na to ?! Actually, "stars" section ng mga magaganda at matatalino pero bakit nandito ako?! HAHAHA. Maganda naman talaga ako (feeling lang).

Buti nalang umalis agad si Genevieve pero may sinabi siya sakin.

    "Lumayo ka kay Jules kung ayaw magka-lasublasub yang katawan mo lalo na yang mukha mong damage na nga. At mag-ingat ka."

Talagang lalayo ako mukha ng julius na yan parang tsunggo. Talagang lalayo ako mahawa pa ako at maging tsunggo pa ako.HAHAHHA Bitter xD

Nagsimula na ang 1st subject namin hanggang naglast subject nalang,Boring na araw tapos  badtrip pa eh. Katabi kami ni Julius na iirita na ako sa pagmu2kha niya kahit di pa kami nagkakalahating araw na magkasama eh kumukulo na yung dugo ko sa kanya.

*Kringgggggggggggg 

*Lunch*

 Pina-una ko ng lumabas lahat ng classmates ko. Ganun naman talga ako pagtime na ,ayaw ko lang talaga may makakita sakin. Nakita ko si Julius sa labas ng pintuan parang may hinihintay kaya bigla kung naisip baka ako yung hinihintay niya,Baka lang ! Pero mabuti ng iwasan ko siya kung ako man yung hinihintay niya kaya dumaan ako sa isang pintuan.Pagka-labas ko tumakbo ako agad papunta ng canteen. Di pa ako nakakarating ng canteen eh may biglang humahawak sa kamay ko at may biglang naghiyawan ang mga students. 

Sheyt ! ang lambot ng kamay ! Kanino to ?

O_O

bitawan mo nga kamay ko nakakahiya pinagtitinginan tayo ng mga students dito,oh ! sigaw ko kay julius.

Eh,ano naman ngayon kung pinagtitinginan tayo ? Bakit bawal bang hawakan ko ang kamay ng Girlfriend ko?! sigaw ni julius.

Tumingin lahat ng students samin at na-shock sa sinabi ni Julius.

Sinasadya ba niyang ipagsigwan yun. Ha ! Ha ! sheteng lalaking to.

OO BAWAL ! Bakit sino may sabing Girlfriend mo ko ha ?tingin kay julius,tapos tingin sa paligid. HOY ! kayo mga chismosa wag kayong maniniwala sa pinagsasabi ng PRINSIPE ninyo na KAMI daw. 

*then walk-out

Ella's POV

Pumunta na ako ng canteen at nag-order ng pagkain dahil sa nagutom ako. Nagwalk-out nalang ako dahil di ko kayang titigan ako ng mga tao kahit ilang segundo lang. Narinig kung may sinabi si Julius sakin pero di ko inintindi yun kasi di ko na kaya. 

Hayy, ako lang palagi kumakain ng mag-isa. Wala kasi akong friends o classmate man lang na naka-kasama ko dito sa school since they're all beautiful they don't have time to have a monster  looking girl like me to be a friend of them so I'm all alone all the time. 

*Flashback*

Hoy ! pssst ! pssst ! Ella Gutierrez. pssst ! 

Ano genevieve? wag ka ngang maingay kita mo nga na may exam tayo baka mahuli pa tayo ! 

Pakopya ! 

Ayoko nga ! Mahuli pa tayo. 

Pakopyahin mo ko KUNG ayaw mong abangan ka mamaya ng mga alalay ko.

O-o ito na. Papakopyahin na kita !

Good Girl Ella ! Thank you, stay being a good girl ella ! *smirk

*END of FLASHBACK*

Simula noon di ko na inasahan pang magkakaroon pa ako ng kaibigan na ituturing akong real friend. Genevieve was my friend back in the days but I realize she's just using me as alalay, utus-utusan, o di kaya kopyahan sa exam at quiz. Pero okay lang yun maybe someone out there gusto pala akong maging kaibigan hope lang ella.

Nagsimula na akong maglakad papuntang classroom,malapit na kasi magsimula afternoon class ko. Nakasalubong ko si Julius di ko siya pinansin patuloy lang akong naglakad. Bigla ko siyang narinig magsalita

"Louella "ella/elle" Gutierrez - Smith" magkita tayo sa Student's Information Board mamaya pagkatapos ng class natin may dapat kang makita. *wink 

Ansabe niya?  "Louella "ella/elle" Gutierrez - Smith" buong pangalan ko yun ah. di naman ako bingi pero nabingi ako dun. San niya nalaman yun? Buong-buo pero Elle Gutierrez lang ang gamit ko sa school names, alam naman ng Dean,Registrar,at principal ng school kung bakit elle gutierrez lang ang gamit ko. Wag kayong mag-alala registered ako sa school whole name ko "Louella "ella/elle" Gutierrez - Smith" pero pano nga niya nalaman.

------------------------------------------------------------

Puno ng curiousity si ella? Saan nalaman ni Julius ang whole name ni ella?  Ano ang gagawin nila ella at julius sa Student's Information Board? At ano ang dapat makita ni ella sa Student's Information Board? 

Abangan sa next chapter.. 

- LazyTypeWriter

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Because of BLACKMAILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon