Foolish Heart

17 4 0
                                    

"Love can change everything.
But in the name of someone you love it fill your satisfaction and shortcomings to other people who left you in the past.
But how can you love him if he has another one."

"Foolish heart"

I'm not a writer and i'm not also a great thinker, but for you i can..

this is for you please read this..

For my special someone:

Hi.. it almost 2 years after we met, ikaw ang pinaka magandang nang yari sa buhay ko kahit na stranger pa tayo sa isat isa. alam mo yong pakiramdam na isang taong hindi mo pa masyadong kilala eh mapapasaya ka ng higit pa sa binibigay ng kaibigan mo sayo, you make me feel happier like lahat ng kaibigan ko eh nakatingin sakin, dahil mag isa akong tumatawa na ang makikita lang nila is phone lang ang hawak ko, minsan nga tinatawag nila akong baliw o either siraulo dahil buong araw tayo mag kausap kahit wala ng kwenta pinag uusapan natin tuloy tuloy parin ang conversition natin. ang saya saya natin noon, yong tipong buong araw tayo mag kausap nag tatawagan at nag tatawanan tinatanong mo lagi kong okay lang ako kong kumain naba ako, lagi mong sinasabi sakin na mag ingat ako dahil mahalaga akong tao para sayo. Ang sarap pala sa feeling isipin na may taong nag papahalaga sayo lalo ang taong gustong gusto mo. pero anong nangyari satin ngayon. Bakit parang lumamig nawalan ng communication at biglang nag bago ang pakikitungo mo?, gusto kitang tanungin noon kung bakit ang lamig mo na sa akin, tinanong mo ako kung may tiwala pa ba ako sayo. Kong kaya kong mag hintay na kayang pag katiwalaan ka ng buong buo, at sa kadahilanan nga na mahal na mahal kita nag tiwala ako sayo, oo nag tiwala ako sayo, at buong buo yon. Ang mas masakit nga lang ay ang mga katagang sinabi mo sa akin 'ITIGIL NA MUNA NATIN TO'. masakit yon para sa akin, masakit dahil parang ipinahihiwatig mo sa akin na hindi na mag wowork at relasyon natin nato. Iniisip ko saan ba ako nag kulang? Ano bang nagawa kong mali? Hindi bako worth it mahalin? Itinanong ko sayo lahat ng yan pero ang sinabi mo lang is, 'HINDI' gusto mo lang kamo makapag isip isip. at dahil nga mahal kita pinag bigyan kita sa space na gusto mo. ilang araw at buwan din tayong di nag usap. gusto kung itanong sa pinsan mo kung, 'okay ka lang ba?' Kong 'kumakain kaba sa tamang oras?' kaso inunahan ako ng hiya, alam ko namang busy sya sa negosyo nila, kaya di ko na sinubukang kontakin pa sya. buong gabi hinintay ko ang text mo at tawag mo. kanting kati nakong eh text ka, pero nag sumasagi sa utak ko ang sinabi mo. dahil nga sabi mo you're a busy person. I'll trying to give up like some other parts of me are breaking like a glass. Na kunting kunti nalang mababasag na ito.

Ilang buwan pa ang lumipas at wala parin akong natatanggap na text at tawag mo. At dahil nga sa pag aalala ko nagawa kita tawagan. Nag ring ang telephono at sa wakas may sumagot. Isang boses ng babae, boses kung saan nag pahinto sakin sa lahat ng gusto kung sabihin sayo ng mga oras na yon, nabitawan ko nalang bigla ang phone at umupo sa sahig na ng hihina ang tuhod at bigla ko nalang naisip na 'WALA NGA PALANG TAYO'

Nangisi ako ng bahagya. Ang sakit sakit ng mga oras na yon, Mag hapon akong umiyak at nag mukmok, hindi ako lumabas ng bahay kasi kailangan ko munang mapag isa at makapag isip ng tama, kung itutuloy ko pa ba ang pag mamahal sayo o mag momoveon nalang kahit hindi naman naging tayo. Kahit sobrang sakit ng iniwang sugat mo sa puso ko nagawa ko paring baguhin ang nararamdaman ko.

Okay na eh, naka move on nako sayo, kaso bigla kang tumawag. Inis na inis ako sayo noon, kulang nalang nga itapon ko cellphone ko para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Kasi hindi ma aalis ang sama ng loob ko sayo kung gagawin ko yon.

Sinagot ko ang tawag mo ng mga oras na yon. Kinamusta moko, nag sorry ka ng paulit ulit. Ako namang si tanga iyak ng iyak at pinapaniwalaan ko nanaman lahat ng sinasabi mo, na busy ka kasi maraming kang meeting, nag kasakit mama mo. Inunawa kita noon pinakinggan, binigyan ng maraming advice, dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo sinuko ko na lahat, kinalimutan ko na ang sarili ko para sayo kahit na ang sakit sakit na sobrang sakit.

Buong araw kausap kita sa telepono, dahil nga na miss na tin ang isat isa. Gusto ko sanang tanungin sayo kung sino yong babaeng sumagot ng tawag ko sayo noon kaso natatakot ako na baka isa rin pala sya sa pinaka mahalaga sa buhay mo. Kaya hinayaan ko nalang hinayaan ko nalang ang sarili kong masaktan uli ng paulit uli.

Ng biglang isang araw. umaga yon ng tumawag ka sakin, ng sagutin ko ito hindi ikaw ang tumawag kundi ibang boses ang narinig ko sa kabilang linya. Nag tayuan ang buong balahibo ko sa katawan at bumilis ang kabog ng dibdib ko ng sabihin sakin na nag pakilalang 'jen' na isa sa mga nakakita sa katawan mo na puro saksak. Ang sabi ni jen dead on arrival kana daw bago ka dalhin sa hospital. Kaya daw ako ang huli nyang tinawagan kasi ako ang huli mong katext that time. Oo nga pala mag kikita tayo noon kaso wala, wala kana hindi na kita makikita sa personal, mayayakap at sasabihin sayo ng buong puso na mahal na mahal kita. Kahit puro kasinungalingan ang bukang bibig mo.

Iyak ako ng iyak that time pero may kunting saya sa puso ko ang labis na umiibabaw, dahil sawakas nakaganti ako sa lahat ng kataksilan na ginawa mo sakin, sa lahat ng panloloko mo sakin. Hindi mo ba alam na sinaktan moko ng sobra. Na akala ko okay na tayo yon pala hindi hindi pa pala. Dahil nabalitaan ko sa pinsan mo na ikakasal kana, hindi mo lang sinabi sakin. Handa naman akong masaktan eh, pero bakit mo ginawa to sakin. Nag sinungaling ka nag sinungaling ka kasi ang sabi mo kaya ka busy kasi dahil sa bussiness mo at sa mama mo,yon pala nag hahanda kana sa kasal mo.

Hindi ako nag dalawang isip na etext ka at sabihin sayo na mag kita tayo sa may mall. Oo nag kita tayo, dinala kita sa liblib na lugar at doon kita pinag sasaksak.

And for the last time i want to say na mahal na mahal kita, i really do.

~Clarissa

Pag katapos nyang isulat ang kanyang liham sa taong lubos nyang minahal noon ay may kinuha naman sya sa isang itim na box at kinuha ang nasaloob nito.

"Sana kasi ako nalang hindi sya! Hindi sana mangyayari sayo to kung ako nalang minahal mo! At pinili mo! Ngayon alam mo na kung gano kasakit ang nararamdaman ko ngayon! Masakit pala maging tanga! Pero ayos lang hindi ka naman nag iisa eh kasama mo pa ang minamahal mo. Syempre hahayaan ko bang nag iisa ka."

At sa isa pang itim na kahon ang kinuha nya. Isang sugatan at puno ng saksak na puso ng tao ang nasa loob ng itim na kahon.

"Oh ayan happily ever after na kayo ng bride mo."

At kasabay nito ang pag piga nya sa dalawang puso ng taong nag mamahalan na ngayon ay wala ng buhay.

The end.

Foolish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon