Ni minsan 'di ko naisip na dahil sa isang lapis ay makilala ko ang isang taong maaaring magbukas ng bagong chapter sa buhay ko. Ikaw ba, naisip mo yun?
•••
Isa akong artist. Sabi ng iba magaling daw ako, pero para sa akin average lang ako. Nakakaabot ako sa national competitions pero alam ko, sa kabila nun, isang average artist pa rin ako.
Sa lahat ng panalo ko ay isang lapis lang ang gamit ko, at tinawag ko itong si SHARPIE. Ewan ko ba, pero simula nung una ko itong ginamit ay na-inlove na ako sa lapis na ito. Kaya nga naman tuwing contests ko lang ito ginagamit at talagang tinatago ko ito dahil para sa kin, nag-iisa lang ito. Lagi ko itong inilalagay sa isang black case at kahit san man ako pumunta ay kasama ko talaga ito.
Nasa SM Food Court ako nun, mag-isa, dahil hinihintay ko pa ang mga kaibigan ko. Napagpasyahan kong bumili muna ng inumin, kaya iniwan ko ang muna ang bag ko sa isang upuan. Tiwala kasi akong hindi ito mawawala, at isa pa, inihabilin ko ito sa isang babaeng nakaupo malapit dun.
Pumila na ako sa Zagu at sumulyap-sulyap sa bag ko. Napansin kong may nagpatong din ng bag dun. Baka bumibili ding kagaya ko. Umorder na ako at bumalik sa upuan ko. Kasabay kong bumalik dun ans isang cute na batang babae. Kinuha nya ang gamit nya at ngumiti pa nga bago umalis.
Dumating na din ang mga kaibigan ko kaya't kinuha ko na ang bag ko at saka umalis.
Gabi na nang makauwi ako sa bahay. Dirediretso ako sa kwarto ko, binaba ang bag sa aparador at pagkatapos ay humiga. Nagpahinga lamang ako sandali bago naglinis ng katawan at natulog.
Kinabukasan ay nagising ako ng maaga, naligo, at kumain ng almusal. Maaga akong papasok dahil may laban ako mamaya. Gusto ko sanang mag-ensayo muna sa school bago lumaban.
Pagdating ko sa school ay diretso agad ako sa contest proper dahil kailangang i-familiarize ko muna ang aking sarili sa lugar bago lumaban. Ang arte, 'di ba? Umupo na ko sa unahan at naghandang ilabas si SHARPIE at ang mga papel ko. Binuksan ko ang bag ko.
TEKA! Bakit ganun? Hindi ko gamit ito! Nasaan ang bag ko?!
'Di ko na napigilan ang luhang tumulo mula sa mga mata ko. Okay lang sanang mawala yung bag ko e, kaso nandun si SHARPIE. Umuwi ako sa bahay at 'di na pumasok pa nung araw na yun.
Hindi ko alam kung bakit nade-depress ako sa lapis na 'yun. Pero wala talaga akong ganang kumain at 'di din ako makatulog.
" Anak, lapis lang 'yun", sabi ng mama ko. Ayoko nang makipagtalo pero talagang mali sya. Hindi lang basta lapis si SHARPIE... parte na sya ng buhay ko.
Tatlong araw na ang lumipas nang may biglang tumawag sa akin.
" Hello, sino to?"
" Irvine po. Ito ba si Ms. Caryl?"
" Oo, bakit? Pa'no mo nakuha ang numero ko?"
" Nagkapalit kasi ata kayo ng bag ng kapatid ko. Bag mo ata itong nadala niya e."
" OMG! Baka nga. Pwede ko bang makuha yan? Pwede magkita tayo sa Food Court sa SM?"
" Sige. Bukas, 2 ng hapon."
" Sige."
Tuwang-tuwa ako sa tawag na 'yun. At sobrang exited ako para bukas pero pinilit kong matulog ng maaga sa kabila nito.
Kinabukasan, galit na galit ako sa oras dahil napakabagal nitong umandar. Nang mag-ala una y media na ng hapon ay pumunta na ako sa SM. Saktong ika-2 ng hapon ay nasa Food Court na ako. Asan kaya siya dito? Bigla namang nag-ring ang phone ko.
" Hello?"
" Nandito na ako. Ikaw ba yung nakabrown na poloshirt, jeans, rubber shoes, at nakalugay ang buhok?"
" Ako nga."
" Tingin ka sa likod mo."
Ginawa ko nga at biglang natulala. OMG! Ang gwapo niya!
" Bag mo nga ba ito?"
" Oo... ito nga pala yung sa kapatid mo."
" Ah... pwede bang magtanong?"
" Pwede naman."
" Pwede bang manligaw?"
-- to be continued :)
http://www.wattpad.com/story/1674041-nang-dahil-sa-lapis-pt-2
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Lapis..
Short StoryManiniwala ka bang dahil sa isang lapis ay may maaaring mangyari sa'yo? Promote ko na lang sarili ko :D pagkatapos po nito, basahin niyo rin po ang: Nang Dahil sa Lapis 2 Nang Dahil sa Lapis 3 Maraming Thanks ^.^