School nanaman! It's been three weeks at nakakainis ang tumal nakakatamad walang kaibigan wala kahit ano! Ewan ko ba okay naman sila pero yung mga kaibigan kong unggoy di ko na masyado makasama. At baka umalis na rin ako sa banda. Bakit? Ayaw ni dad na kumanta ako gusto nyang mag focus ako sa pag-aaral. Haaaaay! He's my boss my president and my Dad! Nakakasawa na rin makipagtalo kaya shut up nalang ako.
FLASHBACK
......"Nilipat na nga kita ng school wala kapa ring kadala dala! I need you to focus on your studies Colleen do you understand me!?" Galit ang tono as in galit talaga!
"I know dad! Pero kailangan ko ang mga kaibigan ko gusto kong kumanta! Wala naman akong bagsak, nilipat nyo ko ng school wala kang narinig sakin na kahit ano."
"Nilipat kita pero walang pagbabago Colleen mas focus kapa sa banda kaysa sa pag-aaral mo! Lagi kang late kung umuwi!"
"I want the best for you my daughter, im tired i hope this will settled" Pagod at malambing na tono nya sabay halik sa noo ko.
"Im sorry" nakaakyat na sya bago lumabas ang salitang yun mula sakin.
END OF FLASHBACK
......Kinaumagahan.. Nakapag decide nakong seryosohin ang lahat tungkol sa pag-aaral. Seryoso naman talaga ako kaso hindi sapat yung effort pagdating sa mga group activity i told you im a snob.
"Goodmorning Dad"
"Morning let's eat"
Okay tama na ang throwback!
Matumal yan ang kinaiinis ko ngayon. Tulalang nakaupo habang nakasilip sa bintana.
"Hi im Kate." Nakangiti ang matang bati sakin.
"Hi" ganting bati ko. Poker face
"Uhm... Wala tayong klase mamaya kasi may tune up game mamaya ang players ng school natin." Alangan nyang sabi saken.
"Ah okay" Sabi ko sabay baling ulit sa bintana. I don't want to be rude pero wala akong ganang makipag usap ngayon. Inaantok ako.
"Uhm... Baka gusto mong sumama wala kasi akong kasama manood" Sabi nya ulit pero parang ready na sa pag tanggi ko.
"Hmmm. Okay" Sabi ko. Tutal mukha naman syang mabait at sya yung kauna unahang kumausap sakin sa three weeks kong pagpasok sa boring na school na to.
"Okay mamaya pag tapos ng next subject natin sabay na tayo papunta dun!" Nakangiti at nag wave pa bago umalis.
Tungo lang ang isinagot ko dahil anjan na si panotski ang prof. Naming nakakatakot tingnan este makatingin pala.
Nasa court na kami ni Kate seryoso sa panunuod at todo ang suporta sa team ng aming university. Masaya syang kasama halatang nahihiya nung una pero ngayon kung makayugyog sakin tuwing makakascore ang team namin ay kala mo matagal nya nakong kilala. Pero okay lang ang init naman kasi talaga ng laban at nagyayabangan na di nako magugulat kung may magsuntukan na mamaya.
Last 2mins. Tabla ang score pagod na ang mga nag chicheer pero tong katabi ko go pa rin kaya ayun dinamayan ko na sya! Nagulat sya ng sumigaw ako ng malakas!
"SABLAY! BOO!" Habang nag pi freethrow yung kalaban! Medyo nahiya ako dahil nag tinginan sakin lahat pati mga naglalaro napatingin napayuko ako dahil dun pero narinig ko si kate na sumigaw na din.
"WALA YAN BOO!" Sigaw nya sabay nagtinginan kami at tumawa nalang.
Hahahahaha okay tong si kate di KJ. Yes!! Sigaw namin ni Kate ng di pumasok ang pangalawang freethrow.
Masama ang tingin ng fans club ng kabilang school samin pero di namin sila pinansin todo cheer kami kaya nung nanalo ang team nag thank you kami sa isat isa! As if naman kami yung naglaro hahahaha!
Paglabas ng court may tatlong bibe na nakatayo sa pintuan ng gym. Tatlong babaeng masama ang tingin samin.
"Ang ingay kanina noh? Nakakairita yung sigaw ng sigaw mga babaeng umiepal!" Sabi ng unang bibe na naka taas ang kilay nakatingin samin.
"Oo nga nakakasira ng momentum" Pangalawang bibe!
Nakakainis kasi alam kong kami yung pinaparinggan nila. Kaya nagparinig din ako.
"Hahaha! Ayaw pala ng maingay. Dapat nagsimba nalang sila. O kaya tumambay sa library, ewan ko lang kung magreklamo pa sila." Sabi ko kay kate malakas ang pagkakasabi ko yung maririnig nila pero kay kate ako nakatingin.
"Shhhh! Lika na! Kain muna tayo ginutom ako dun eh! Hinatak nya ko para makaiwas sa tatlong bibe.
Nagpahatak ako pero tiningnan ko muna yung tatlong maarteng mga babae ng masama. Hahahaha! Don't me!
BINABASA MO ANG
The Rebound
Teen FictionFirst but not last. Ang gulo diba! Ganyan kagulo yung maramdaman mo pag dumamoves si MVP sayo. Tungkol ito sa kwentong BOLA,REBOUND at STEAL. Ako yung referee ng puso mo! Kasi kapag sinaktan nila yan isang pito ko lang... Papatawan ko na sila agad n...