chapter2

28 0 0
                                    

Manghang mangha ako sa nakikita ko! Ang lalaking gusali at establismento. Ang daming tao
Ganito pala dito. Masyadong magulo at mausok. Nakakasulasok. Naglakad lakad ako dala ang bagkong naglalaman ng gamitko. Sisimulan ko ng maghanap ng trabaho kahit wala pa akong tulog. Bumili ako ng diyaryo para tignan kung anong trabaho ang aapplyan ko. Minarkahan ko ang mga pwede kong applyan. Nagtanong- tanong ako kung saan pasakay o ano ang sasakyan patungo sa mga lugar an aapplyan ko.

Ang dami kong inapplyan pero puro degree holder ang priority nilang kunin. Ang unfair! Pano kaming mahihirap na di makapagtapos ng pag aaral?

Tiis ganda tuloy ako!
Kaya ko to!

Andito ako ngayon sa  harap ng bangko, magwiwithraw ako ng pera!

De joke lang!

Naghahanap sila ng janitres o janitor. Nung makarating ako sa harap ng bangkong nangamgailangan ng janitres, bigla akong nadismaya sa nakapaskil na "atleast college graduate." Pati ba naman pagiging maintenance dapat college graduate? Tengene ! Sino pa aaply bilang janitor kung college graduate hinahanap!

Gusto kong sisihin ang sarili ko, ang hirap pala dito sa Maynila. Pano kung maubos tong pera ko na hindi pa ako nakahanap ng trabaho?

Binasa ko ulit yung diyaryo, may isa pang hotel na  nangangailangan ng mga chambermaid!

"LA ELLANA HOTEL"

Sobrang taas ng gusaling ito!
Ang yaman siguro ng may ari nitong hotel na'to,

Binati ko ang security guard bago ako pumasok.

Namangha ako sa loob ng hotel! Ang elegante tignan, nahiya pa yung suot ko. Mga furnitures na gawa sa kahoy, perpekto ang mga pagkakaukit. Ang ganda!

"Good afternoon po, naghahanap po daw kayo ng mga bagong chambermaid, mag aapply po sana ako." Tanong ko sa isang receptionist sa reception area.

"Yes miss, just follow that way tapos yung first door sa left yun yung office ng branch manager"
Sagot niya.

Pumasok ako sa sinabi ng receptionist. May isang mid 40s na babae at abalang nagbabasa ng mga papers.

"Uhh, Good afternoon po ma'am, mag aapply po sana ako."

"Good afternoon too, umm just take a sit miss."

"Eto po yung resume ko." Abot ko sa kanya yung resume ko at binasa nya ito.

"Ohh you are undergraduate, in experience and you are from a certain province. Paano mo masasabing kaya mong mag trabaho sa ganitong kalaking chain hotel?"

"Masipag po ako ma'am! Kahit ako po yung maglilinis ng buong building! Kaya ko po ma'am!"
pagmamalaki kong saad.

"We will just call you miss Domingo." Habang binabasa niya yung resume ko.

"Sige po ma'am, thank you po!"

Umalis na ko sa gusaling iyon. Gutom na gutom na'ko wala pa akong tanghalian. Wala pa akong matutuluyan! Maghahanap pa ako ng boarding house kahit bed spacer lang.

Alas sais na ng hapon nang makahanap ako ng apartment. Isang libo kada buwan iba pa yun kuryente at tubig. Ayos na to kaysa naman sa kalye ako matutulog. Php. 3000.00 pesos na lang ang natitirang pera ko. Pagkakasyahin ko to hnggat kaya ko.

Hindi ako sanay na mag isa, namimis ko na si anti. Ang hirap pala.

"Hello anti! Namimis na kita!"

"Oh Isay, namimis na rin kita, kahit isang araw pa lang tayong di nagkikita, ano okay  ka lang ba diyan?"

"Opo anti, nakakapagod pong maghanap ng trabaho.''

"Ganyan lang talaga diyan. Mag ingat ka huh? Wala ako diyan para alagaan ka."

" Oo na po anti, ingat din po kayo diyan, matutulog na po ako."

"Sige."

Tumawag ako kay anti Aning para kamustahin siya. Nakatulugan ko na ang pag iisip para bukas.

---
Pagkagising ko, sobrang sakit ng katawan ko, pero kakayanin ko, maghahanap ulit ako ng trabaho mamaya. Gusto kong matulog na lang pero ayokong magkulong lang dito, wala akong mapapala!

Habang nagkakape ako biglang nagring ang celphone ko.

"Hello this is Aicel Acoba from La Ellana Hotel. May  I talk to Miss Xyz Alesandra Domingo pls?"

"Ako po ito."

"You are hired Miss Domingo, you need to report tomorrow."

"Ayy ! Thank you po! "

Salamat sa diyos at natanggap na rin ako! Eto na yung simula sa pagbuo ng pangarap ko.

Taming Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon