Pagpasok ko kanina, sobrang laki ng bahay namangha ako sa loob kase, yung parang nakakatakot sa loob but I was wrong, this house screams the word elegant. Mga mwebles na antigo, may may isang malaking larawan ng isang mag asawa. Na kuha pa ata noon. Sa gilid nito ay may mga larawang gawa ng mag sikat na pintor.
This house was built hundred years ago during spanish regime, A courtesy of the caretaker. Habang nililibot ko ang buong bahay hindi ko maiwasang mamangha.
"This house is my comfort zone." Biglang saad sakin ni sir Zeph. Sino ba naman ang ayaw tumira sa ganitong katahimik at preskong lugar.
"Ang ganda dito sir! Ang sarap tumira" manghang sagot ko.
" Dito ako lumaki with my dad and may grandparents." He sighed.
Nakikita ko sa mga mata niya ng lungkot na parang may dinadala siyang mabigat.
"By the way. Gusto mo bang mamasyal sa buong hacienda?"
Biglang tanong niya."Sige po."
Pinasyalan namin ang manggahan, sa taniman ng palay at sa burol na kanilang pag aari.
Nakakapagod maglakad lakad sa ganito kalaking lupain pero sobrang presko.
Habang nakaupo kami sa ilalim ng punong mangga.
" Sir, asan po mommy niyo?"
Bigla kong tanong sa kanya"I really dont know where my mom is, she left us when I was a pre- schooler." Tanging sagot niya na may galit sa mga mata.
Alam ko kung gaano kahirap mawalan ng magulang lalo na ang ina.
"Sorry po sir kung naitanong ko po sa inyo." Natatakot ako na baka magalit siya sa akin ng dahil lang sa tanong ko sa kanya.
"It's okay, no pressure. Let's go? malawak pa iyong papasyalin natin."
Ngumiti siya sa akin at nauna siyang naglakad kaya sinundan ko na lang siya.Gumagabi na nung nakauwi kami sa ancestral house nila. Hindi ko alam ma mabait pala siya, ibang iba ang pakikitungo niya sa mga namamahala sa palayan at manggahan nila. Tumulong siyang magtanim ng palay na parang ordinaryong tao. Pinakilala niya ako sa mga taga dito, mainit nila akong tinanggap kahit isa din akong trabahante niya. May mga dalaga din na nagtratrabaho sa palayan na tila may gusto sa kanya.
"Magpahinga ka muna. I will just call you when our dinner is ready, your room is in the first door upstairs. " Tumalikod na siya patungong kusina.
Simula kaninang tinanong ko siya about sa mommy niya aloof na siya sa akin. Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin ang malawak na kwarto, para sa prinsesa ang ganitong kwarto at mas malaki pa ito kaysa sa bahay namin sa Ilocos. Maliligo na sana ako kaso wala akong dalang pamalit. Anong isusuot ko? Paglabas ko nang CR, hinihintay ako ni Manang Sita, siya ang care taker ng bahay nila.
"Xyz, nakalimutan kong sabihin na may mga damit diyan sa walk in closet na hindi pa nagagamit. Baba na kayo mamaya para kumain at makapagpahinga na kayo."
"Opo manang, maraming salamat po." Mabait si manang Sita, nalaman kong matagal na pala siyang naninilbihan kina Zeph, naikwento niya rin sa akin kanina na mabait na bata daw si sir Zeph.
Habang kumakain kaming dalawa, wala ni isa sa amin ang nagsasalita.
"Early in the morning, we will go back to Manila."
Nagulat ako sa biglaang pagsasalita niya."Uh, opo sir." Hindi ko alam kung paano ko siya iaaproach, wala akong alam tungkol sa pamilya nya kaya ayoko nang magtnong pa.
"Im sorry for ignoring you Iately, I just can't control myself if it is about my mother." Paumanhin niya.
"Okay lang po yun sir, sorry din po." Ngumiti siya sa akin at niyaya na nya akong umakyat para makapagpahinga na.
"Good night Aless." Bago siya pumasok sa kwarto niya.
"Good night Sir Zeph." Bulong ko sa sarili ko.