Alasdos na nang hapon ng makarating kami dito sa Maynila. Maga da ang gising nya kaninang umaga dahil daldal siya ng daldal habang kami ay nasa byahe. Sinabi pa nya sa akin kung bakit daw ako nag apply bilang chambermaid e pwede naman daw akong mag apply bilang girlfriend niya.
"Thank you for accompanying me Aless" Nasa loob pa ako ng kotse nya.
"Wala po yun sir, salamat din po, mauna na ho ako sainyo." Tugon ko at bababa na sana ako.
"Stop calling me sir and drop the po unless you want me to kiss you". He said in a serious tone.
"Oo na, sige bababa na ako mahal na hari, ingat."
Hindi na siya nagsalita at hinintay niya lang akong makaakyat sa tinitirahannko bago niya pinaharurot ang kotse. Umabsent na ko ngayong araw, parang pagod ang katawan ko kakaupo habang bumabyahe.
"Bakit wala ka kahapon?" tanong sa akin ni Brett habang kumakain kami dito sa cafeteria.
"May inasikaso lang akong importante." Sagot ko sa kanya."Saan ka pala tumutuloy? Diba galing kang probinsya? " Tanong ni Brett.
"Ah oo malapit lang dito para hindi nako gagastos para sa pamasahe." Sagot ko.
Masarap kausap sinBrett. Makwela ito at galing din ito sa mayamang pamilya. Gusto nya lang daw mag intern sa ibang kompanya para maranasan daw niya amg magsimula sa mababang pwesto."Sige mauna nako, kailangan pa ako sa 30th floor." Nagpaalam nako kasi kailangan ko pang linisin ang room 303. Kachecheck out lang kase ang mag asawang hapon na shareholders ng La Ellana Hotel.
Hindi ko pa nakikita si Zeph simula kaninang umaga. Pumunta na lang ako sa unit nya para maglinis. Hindi naman masyadong magulo ngayon halatang hindi pa sya pumunta dito. Magulo lang ang bedsheet ng kama kaya tinanggal ko na lang at pinalitan ng bago.
Paglabas ko ng kwarto nakita ko siyang nakaupo at may kaisap sa telepono.
"Yeah, kararating ko lang. I know, she's gorgeous yet so innocence." Sagot niya sa kausap at tumawa siya.
" 100k for a month? Deal! She will be mine, just prepare the check dude." Humalakhak pa siya na. Sino kaya ang pinag uusapan nila?
"Good afternoon sir." Nagulat siya dahil hindi niya alam na nandito alo sa unit niya.
"Call you some other time. Bye." Nagpaalam na siya sa kausap,"Kanina ka pa nandito?"
"Oo, nilinisan ko itong unit mo kase schedule ko ngayong araw." Sagot ko sa kanya.
Hindi ko alam kung may muta ba ako, titig na titig siya sa akin. "uh, bakit parang nakakita ka ng multo sa mukha ko?"
"Oh! Nothing, by the way, how is your day Aless?"
"Okay lang,"
"That's good! have you missed me?" Hindi ko na sinagot.
"sige mauna nako may lilinisan pa ako sa 28th floor." Lumabas na ako sa unit nya, may nakasalubong pa akong isang babaeng matangkad, maputi at chinita."Miss whoever you are, have you seen Eevo?"
Magsasalita na sana ako, kaso biglang lumabas si Sir Zeph oara salubungin siya."Janelle! Why are you here? we already talked last night!"
" You left at the hotel kaninang umaga! How dare you! hindi Janelle ang name ko, its Jamie." Mukhang iiyak na ang babae dahil daw sa pag iwan ni sir Zeph.
"Oh sorry Jamie."Maid, Why are you eavesdropping? " Bigla niyang saad sakin.
"Hindi siya maid, she is ny girlfriend, oh I almost forgot, baby, let's have lunch later." Ginawa pa akong baby, nagulat ako sa biglaan paghalik niya sa akin.
"Okay, tapusin ko langvyung trabaho ko." Sagot ko din sa kanya.
"Ahhhh! You are an asshole! you will ginna pay with this!" Biglang nag walk out yung babae.
Ibang babae na naman yun, hindi ba niya kayang makontento sa isa? What if magka HIV siya edi mahahawaan ako sa sakit niya?!
"Hey, what are you thinking?
Wala akong sakit! I am 100% clean." Psychologist ba to? nakakabasa ba ng utak itong lalaking ito? "I can prove it to you, you wanna try?""Bakit ba puro kahalayan
yang nasa isip mo? " Ang manyak grabe!Tumawa siya ng malakas," you took all my jokes seriously, it makes you look sexier and more beautiful."
"Bahala ka na nga diyan, maglilinis pa ako sa kabilang suites." Alam ko bolero siya pero di ko maiwasan kiligin sa mga sinasabi niya.
"Let us have lunch later baby, just be ready." Sigaw niya, diyosko paano pag may nakarinig. Baka pagchichismisan ako nito.