Siguro kapag naka 2k votes ako when the views reached 6k lalo akong sisipagin mag-update ng mabilisan sa book 2 XDDDD
Wala bang pupuri sa pagdedesign ko sa mga clan sigils ko hahahaha xDDDDD
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Mavis's POV
"Pinuno! Pinuno! Pinuno!"
Mula sa pinto ng isang malaking bahay na aming pansamantalang tinutuluyan ay may malakas na kumakatok. Binuksan ko ito't mabilis na pinapasok.
"Pinuno! Nakalabas na po ang mga team party na itinalaga ninyo sa Rank 2 Sogo Hotel Dungeon at sa Rank 2 WalterMart Dungeon!!"
"Good! Anong casuality?"kinakabahang tanong ko dito.
"Benteng mga retainer ang namatay at limang True Blood Crowe Members ang sugatan!" sagot nito sa akin.
Simula nang umalis ang founder para i-train ang sarili niyang grupo ay nag-meeting kami ni Lily for further plans hanggang sa bumalik ang founder.
Sinimulan naming libutin ang Makiling, Sto.Tomas, Tanauan City at Malvar. Sa aming paglilibot ay nadiskobre naming mayroong walong evacuation center at base sa mga bayan na ito. Marami din kaming na-encounter na dungeons sa pagtatanong mula dito. Hindi namin basta-basta pinapasok ito dahil hindi makakalabas sa dungeon ang mga pumasok if hindi pa natatalo ang dungeon boss.
Nagrecruit kami ng maraming tauhan at tinawag silang retainers. Sinusupplyan namin sila ng pagkain, sandata at skill book! In this way ay madali namin silang mamanipulate at macontrol.
Tinawag naming True Blood Crowe ang mga direct members ng Crowe Clan para madaling ma-distinguish ang pinagka-iba ng dalawang grupo.
Ang bawat team ay binubuo ng 100 retainer at 5 na True Blood!
"Bigyan ng supply ang mga nabuhay naretainers. Humingi ng tulong sa mga healers ng clan! Ano pa?"
"May foreigner na galing sa Italy! Nakausap namin siya mula sa Mavar Base! Nahingi siya ng oras upang kausapin ka pinuno. Isa daw siya Italian Ambassador?!"
"Sige, pagbalik natin sa main land ay sabihin mong pumunta siya doon at doon namin siya kakausapin ni Commander Lily."
"Yes Boss!"
Main land ang itinawag naming mga True Blood sa floating island dahil ito ang ito ang pinaka-main na lugar para sa amin. Ito ang tahanan namin.
Hindi namin kayang i-disappoint ang taong nagbigay sa amin ng kalayaan, tahanan at higit sa lahat pamilya. Simula't sapol ay hindi ko talaga gusto ang palakad ng Mayor pero tama ang founder sa panahon ngayon ay pamilya ang una.
Kailangan namin maging manhid sa iba para sa ikatatahimik ng aming pamilya. Sino pa ba ang aasahan namin at pagkakatwalaan namin lalo na sa panahong kaguluhan, patayan at sari-saring mga demonyo ang naglalabasan. Hindi lamang sa halimaw kundi sa mga tao ngayon. Marami ng mga demonyo ang pumapaligid.
Its either we kill or be killed.
.
.
.
.
Para sa pamilya ng Crowe.Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
JAMES CROWE'S POV
Sa wakas malapit ng matapos.
Dahan-dahan kong hinihiwa ang ulo ng bangkay sa katawan ng isang lalaki.
Marahan kong iniiwasang masira ng tuluyan ang mga ugat nito upang maging perfect ang gagawin ko.
Mausisa ko itong itinahi sa isang headless na hellhound.
.
.
.
.
Binuhusan ko ito ng tubig upang maalis ang dugo sa buong katawan nito. Matapos kong gawin ito ay isa-isa kong tinatanggal ang mga ngipin nito.
Pumunta ako sa isang gilid upang kuhanin ang bagay nakabalot sa isang tela.
Dinala ko ito sa isang lamesa at mabilis na inalwas mula sa pagkakabalot ang mga bagay na nasa loob ng tela.
Mga malilit na kutsilyo na kasing haba at taba ng hinlalaki ko na nagmula sa black smith shop ni Jenny.
Mahigit 20 lahat-lahat ito.
Marahan kong ikinabit ito sa bunganga sa ulo ng tao na ikinabit ko sa katawan ng hellhound.
Inabot ako ng dalawang oras upang matapos lang ito.
Kumuha ako ng towel na nakalagay sa isang tabi at pinunasan ang mga dugo at pawis sa mukha ko.
Sa may kama, kinuha ko ang isang pakpak na hiniwa ko't kinuha mula sa isang halimaw na napatay ng isang grupo ni Mavis.
Itinahi ko ito sa likod ng katawan nitong hellhound na may ulo ng tao at kutsilyong ngipin.
.
.
.
.
.
Napakabilis maglabasan ng pawis ko. Kinakabahan ako. Gagana kaya ito?
"Chimeranologist: Creation!!"
Lumiwanag ang bangkay na may halo-halong parte ng iba't ibang species.
Kitang kita ko ang mabilis na paggaling ng mga sugat at tahi nito. Nagdidikit ang mga iba't ibang parte na tila natural na parte ng katawan nito!
Kitang kita ko din ang marahan na paggalaw ng buntot nito!
Napangiti ako!
"Sa wakas! Na-uncover ko na ang kakayahan ng skill na Chimeranologist ng Novice Death Magus!!!!"
BINABASA MO ANG
Beast Mode: On
Fiksi IlmiahAng bawat isa sa atin ay may sari-sariling consciousness and inner thoughts, hindi mo pwedeng i-judge as a whole ang lahat ng tao dahil ang bawat isa sa mga ito ay magkakaiba, may uniqueness. Mabilis na tumatakbo ang oras pero sa iba ito'y mabagal n...