Prologue

21 1 0
                                    


Pano ko ba sisimulan ang pagkwento ng buhay, sa totoo lang di naman talga ako writer na marunong magsulat at di rin ako marunong magkwento pero try ko lang kwento sa inyo ang talambuhay ko. Well ako ay isang normal na tao oo normal kung baga average, average sa lahat ng bagay tipong hindi nageexcel sa kahit anong field sa tagalog larangan an lalim diba. Hindi ako magaling kumanta, umarte, sumayaw at magluto well medyo tamad kasi ako magluto eh, sa kahit anong bagay ... sakto lang hindi kamangha mangha. Walang special talent or abilidad,pagdating sa eskwela sakto lang din, average ang grade(konti konti na lang babagsak na) hindi popular (wala nga atang nakakakilala sa akin eh).Ordinaryong babae di naman kagandahan di rin kachakahan, simple lang di masyadong mahilig mag ayos ng sarili gusto ko kasi komportable lang pa lagi, ito na siguro ang pinaka dahilan kung bakit walang special na nangyayari sa buhay ko. Ayaw ko kasi ng nahihirapan, gusto ko laging komportable  kaya ang resulta plangak boring ng buhay ko. Sa dinami dami dumaan na mga araw eh pare parehas lang ang nangyayari sa mundo ko walang pinagbago.

Ah siya nga pala bago ko makalimutan mag papakilala muna ako, nga pala si Marikit Fajardo, Maki for short 2nd year College sa St.Claire University Engineering Department. Well iniisip ninyo magaling ako sa math no, hindi rin katunayan kamuntikan ko pa nga ibagsak ang Calculus last semester as in konting konti na bagsak na. 

Wala naman na dapat ako ireklamo sa buhay ko, kasi kahit papaano naman nagagawa ko ang gusto ko, nabibigay naman ng magulang ko ang mga pangangailangan ko, kaso lang parang may kulang hindi ko parin masabing masaya ang buhay ko parang may something nakulang. Basta hindi ko maintindihan parang hindi kumpleto ang buhay ko.

Ang Pagdadalaga ni Maki(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon