Dylan
Mga tatlong oras siguro akong nasa labas, baka biglang dumating si Roxanne eh, tsaka baka maabutan siya ni Elaine, tyak, magseselos nanaman yun. Yun pa -____-
Naglalakad lakad ako sa shore..nang biglang..
"DYLAN MARTIN SANTIAGO!"
Napalingon ako at nakita ko si Roxanne na nakangiti. Tumakbo siya papunta sa akin tapos ay niyakap ako ng mahigpit, "I miss you!"
"Uhh.. di ako makahinga Roxanne.."
"Ay, sorry. Hehe, namiss talaga kita. Kasi naman si Mommy eh, pinag-migrate pa kami. Haha, anyway, kamusta na?"
"Ayos lang naman.."
"Ay, ang tipid sumagot ah!"
"Ms. Roxanne, we need to talk." narinig kong sinabi nung isa niyang bodyguard. Tumayo muna siya, "Sandali lang ah, wag kang aalis! May pupuntahan tayo pag balik ko. Hehe." sabi niya at umalis na.
I just smiled and continued on throwing rocks to the water.
Sana naman walang masamang mangyari sa bakasyong 'to..
Mga 30 minutes lang akong naghintay.. anong oras na ba?
Ay, 10:00 na pala.. Di ko namalayan ang oras.. hmm..
"Martin, tara na." narinig ko si Roxanne, hinila niya ako patayo, napalingon ako sa kaliwa ko.. si Elaine.. O____O
Tumalikod siya papunta sa beach house, "ELAINE!!"
Hindi niya ako nilingon at dumerecho siya sa... teka, hindi papunta beach house yun ah?! Saan niya ba balak pumunta?!
"Who's that girl?" tanong ni Roxanne, ay, andyan nga pala siya. Nakalimutan ko -___-
"Elaine.. my girlfriend.." sabi ko.
"May girlfriend ka na?!"
"Kakasabi ko lang.."
"Kelan pa??"
"We're actually turning one year.."
"Well, I don't care if you're turning one year, I said, kelan pa? Since umalis ako?"
"Hindi.. lately na lang.. Anyway, mamaya na tayo mag-usap. I need to follow her."
"Tss, no. You're not going anywhere. Ngayon na nga lang tayo ulit nagka-usap, uunahin mo pa yung babaeng yun?"
"Pero---"
"Tara na, naghihintay na si Kuya Stephen."
Bestfriend ko din yung si Stephen, hay.. How could I say no? Naman oh!
Elaine
Nakakainis! Dere-derecho lang ako sa paglalakad, ni hindi ko na nga tinitignan ang dinadaanan ko. Ang dami niya pa palang tinatago sa akin.. Akala ko kilala ko na siya..
Nasaan na ba ako?
Napatingin ako sa lugar na napuntahan ko..
Madaming puno at halaman, at tahimik..
*Krooo* *Kroooo*
"Ano yun?!" tanong ko. Para namang may makakarinig sa akin dito.. Teka, saan na nga ba ako napunta?
Lakad lang ako ng lakad.. Sobrang dilim pa naman, anong oras na ba? Siguro 11:00 na. Waaah, natatakot ako. TT3TT
Ang tanga ko talaga, bakit kasi umasa pa akong susundan ako nung Dylan na yun? Eh may kasama nga siya diba? -_____-
BINABASA MO ANG
[JTBILF: Book II] Bittersweet Love (completed)
AcakCan we really survive this kind of relationship? Paano kung may humadlang sa aming dalawa? Si Dylan, bitter at sweet. Malakas ang moodswings niyan. Kapag tinamaan ng selos, nakupo, ang hirap makipagbati. Pero kahit ganyan, mahal ko yan. >3< --- Endi...