Naranasan niyo na yung mabully? Nakakairita. Puro panlalait yung naririnig ko buong araw. Hindi ako tinantanan. Kaunting kilos ko lang, bilang na nila. Kaunting galaw ko lang, husga na sila. Wala ba akong karapatang maging malaya? Pati yung mga tunay kong kaibigan, kundi ako ibu-bully, dino-down naman ako. Kaibigan ba ang maituturing dun? Nyemas. Nakakapagod. Tapos sa bahay puro sermon yung maririnig ko. Aba matinde! Pakamatay na lang kaya ako?
Pero sa mundong ginagalawan ko, mabully ka man o hindi, wala kang magagawa kundi manahimik at ikimkim ang lahat sa puso mo. Ipunin mo hanggang sa mapuno ka. Ipunin mo hanggang sa alam mo na kung paano lumaban dahil walang mangyayari kung magmamaktol ka sa isang tabi, para ka lang isang pusa na naipit sa isang butas at hindi makaalis. Katulad na lang nyan.
"Such a loser! Kaya ka walang kaibigan e. Wake up!"
"Ano ba yang kaibigan mo Kesha. Di pa ba lalaban yan? Puro pambubully na yung ginawa sakanya tapos tahimik pa rin siya? May gad. Be with us, Madison."
"NO." yun na lang ang tanging naisagot niya.
"Hindi ka naman pangit, hindi ka rin maganda. Mabait ka naman pero bakit binubully ka nila? Aha! Natatakot kasi silang makipagkaibigan sayo. Hahahaha!"
"Gag* ka ba? Hindi ka ba titigil?" Napatingin sila sa isang table na napapalibutan ng mga magagarang babae at mga basagulerong lalaki. Kinaladkad palabas ng lalaki yung kawawang lalaki.
***
"Anong sinabi ko sa grupo niyo? Tantanan niyo ko diba!?"
"Siraulo ka pala e." sinuntok nung kawawang lalaki yung lalaking kumaladkad sakanya.
"Hindi ako marunong lumaban pero inumpisahan mo ko." Sunod-sunod ang suntok na natanggap ng kawawang lalaki.
"Wala ka naman palang bintabat. Tss." Pagkatapos niyang bugbugin yung kawawang lalaki, umalis na siya.
Sa paglalakad niya sa campus, nakasalubong siya ng isang babae.
"Wala kang kwenta. Ang sakit mo sa mata. Umalis ka sa daan. Baka mapuno pa ng itim ang kapaligiran."saad niya dito.
BINABASA MO ANG
Loser
AdventureYung taong laging binubully, tanga, kulang sa atensyon at pagmamahal, hindi nakakaramdam ng suporta, walang may pakialam, tahimik, kinikimkim na lang yung galit, iilan lang ang gustong lumapit, maraming may inggit at galit, loner.. IKAW BA YUN?