Kabanata 1
Fail
Victor,
Kumusta ka na? Masaya ka ba? I'm sorry hindi ako naka send ng sulat sa'yo last week. Busy kami dahil sa finals. Alam mo namang midterms na namin. Isang taon nalang at ga-graduate na ako.
Alam mo? Nagtatampo na ako sa'yo. Hindi ka man lang nagpapadala ng sulat sa akin. Samantalang ako, pang-ilang sulat ko na 'to sa'yo. May tanong ako sa'yo. May facebook ka ba? Twitter or Instagram? Para naman hindi na tayo mahirapan sa communication.
Alam mo ba? Palagi kong binabasted ang aking mga manliligaw? Hinihintay kasi kita. Alam kong hinihintay mo rin ako. Hindi ka naman siguro patay, diba? Joke lang. Sige, ingat ka.
-Julianna Ryleigh Almendras
Sinend ko na sa kanya. Mahirap at palagi ko nalang sini-send sa email niya ang gusto kong sabihin. Hindi ko kasi makita ang account niya sa lahat ng social medias. Hindi rin ako nakakasigurado na natanggap niya ang ini-email ko sa kanya. Baka, bago na ang email niya. Baka pinutol niya ang communication niya sa akin. Kaya hindi niya talaga mababasa.
"Tangina, Julianna! Hindi ka pa ba titigil diyan sa pagsesend ng letter sa lalaking 'yan?" tanong ni Lexi sa akin. Panay pa ang mura niya sa akin dahil daw kay Victor.
"Excuse me? May pangalan siya. Victor Timothy Lacson! Gets mo?"
Napa-irap naman siya sa sinabi ko. Against talaga siya sa amin ni Victor. Hindi pa man niya ito nakikita, ayaw na ayaw niya na dito. Pinapaasa lang daw ako. Masakit mang isipin pero parang unti-unti na rin ako naniniwala sa kanya.
"Oo nga! Gets ko! Gets ko na..." Hindi ko nalang siya pinansin at kinuha ko na ang libro ko para mag-aral.
Konti nalang, Victor, susuko na talaga ako sa'yo at hindi na ako aasa paghindi ka nagsend back sa akin. O kung hindi ka man magparamdam.
Niligpit ko ang laptop ko at nilagay iyon sa upuang katabi ko. Baka iyon pa ang mapagbuntungan ko ng galit.
"Jul, hindi ka ba napapagod?" tanong niya.
Napapagod? Saan? Sa ano? Kanino? Kay Victor? Probably. Hinding-hindi ako mapapagod sa paghihintay at sa pag-aasa. Naalala ko pa noon na palagi niya akong binibigyan ng rosas and I would always ignore him and punch him right in the face.
Ang babata pa kaya namin noon tapos binibigyan niya ako ng ganun? Kahit na hindi ko alam ang rason kung bakit niya ako binibigyan niya ako ng rosas noon, mas nangunguna sa isip ko na gusto niya ako kaya niya ako binibigyan ng rosas. Then, I was right. Hindi siya napagod sa akin noon sa pagbibigay ng rosas kahit na tinataboy ko siya. Give and take, ika nga. So, this is what I'm doing right now.
Even though the memories still hunt me down. Iniisip ko nalang na isang pagsusulit 'to. To test my love for him.
"Ayan ka na naman! Against ka nga sa akin ni Victor tapos siya pa ang palaging topic. Akala ko ba ayaw mo sa kanya?"
"Wow! Hindi naman 'yan ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin ay hindi ka ba napapagod sa mga ginagawa mo? Halos wala ka ng break, walang tulog. Aral ka ng aral tapos gumagawa ka pa ng stories eh wala namang relate sa course mo. Asa ka naman na tungkol sa pagbibigay mo ng letter kay Victoriosyo ang ibig kong sabihin." Binigyan niya ako ng matalim na tingin.
BINABASA MO ANG
To Forget
General FictionWould forgetting everything mean, healing all the wounds and starting over again? Is it still love despite all the sacrifices and bad things that happend? And when revenge is the archetype topic, would mercy still show? Magagawa mo ba talaga lahat n...