Chapter 6

2.4K 40 3
                                    

CAITLYN'S POV

I immediately opened my eyes and looked around, nasa hospital kami at nadatnan kong natutulog sa tabi ko sina Joshua. Marahan kong hinawakan yung buhok niya, inangat naman niya yung ulo niya. 

Nanlaki ang mata niya nang makita niya ako, hinawakan niya ang braso ko. "Heidianne, are you okay?" Naga-alalang tanong niya. 

Hindi ako nakasagot, napatingin ako sa pwesto ni Joseph dahil bigla siyang bumangon at lumapit sakin. "Ate Heidi, you're awake! Alin ang masakit sayo?" Tanong niya rin. 

Nag-thumbs up naman ako at ngumiti. "I'm good!" Sagot ko. 

"Damn, Heidianne! Gising ka na!" Rinig kong sigaw ni Benjamin, kararating lang at may mga dalang pagkain. 

"The Doctor said you'll be staying here for a few days. We're glad na okay ka na." Sabi ni Joshua. 

Bumangon ako at sumandal sa headboard ng hinihigaan ko. "Under observation ako, right?" Tanong ko. 

Tumango naman si Joshua. "Ang masaklap pa, ikaw ang magbabayad ng hospital bills mo." Sagot niya. 

Napabuga ako ng hangin. "Edi ako! Umalis na nga kayo." Pagtataboy ko.

"Hindi niyo manlang ako ipagtatanggol? Inaaway ako ng kapatid niyo?" Tanong ko sa dalawa. 

"Masanay ka na!" Sagot ni Benjamin, binato ko nga ng unan.

"Sorry!"

Napangiti ako. "Since nags-sorry ka naman na, pwede bilhan niyo ko ng ice cream?" Tanong ko. 

Binato naman pabalik ni Benjamin yung unan na binato ko sa kanya. "No way! Ice cream lang ipapabili mo? Para kang bata!" Reklamo ni Joshua. 

Napasimangot naman ako. Nilapitan naman ako ni Joseph at kinurot ang pisngi ko, napadaing ako. "Ang cute naman." Panga-asar niya. 

Sinabunutan ko siya. "Mukha ba akong hayop sa paningin mo!" Sigaw ko. 

"Hindi halatang may sakit ka pa, amazona ka pa rin." Sabi ni Benjamin. 

Ginulo naman ni Joshua yung buhok ko, sinamaan ko siya ng tingin. "Isa ka pa! Bakit mo naman ginulo yung buhok ko? Type mo hair ko?" Inis kong tanong. 

Tinawanan naman niya ako. "Sige na nga, bibilhan na kita ng ice cream. Anong flavor gusto mo?" Tanong niya. 

"It's either cookies and cream or chocolate. Thanks in advance, Joss!" Masayang sagot ko. 

Napatingin naman ako nang tumunog ang phone ni Benjamin, sinagot niya ito. "Dad!" Bati niya habang iniikot yung phone niya. 

"Are you doing well? I've heard that you're in a hospital because Caitlyn's sick." Rinig kong sabi ng Dad nila. 

Tinignan naman ako ni Benjamin at pinakita ako sa tatay nila, nagulat ako nang kasama rin pala nila parents ko. "Hi, dad! Hi, mom!" Bati ko. 

"Hi, sweetie. Are you doing well? Kumain ka ng marami para gumaling ka kaagad, okay?" Sabi ni Mom. 

Tumango ako at nag-thumbs up. "Yes po!"

"Kids, take care of yourselves okay? We'll hang up, we have a meeting in a few minutes." Paalam nila. 

Nag-wave naman kami as sign of goodbye, gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko nang makausap ko ang parents ko. 

JOSHUA'S POV

Nang makarating ako sa pinakamalapit na convenience store, naging center of attraction agad ako sa paningin ng mga babae. Habang naglalakad ako papunta sa ice cream section, naririnig kong nagbubulungan ang mga babae tungkol sakin. 

Napailing na lang ako, kahit saan talaga napakalakas ng sex appeal ko. ako na 'to oh!

Kumuha na agad ako ng isang tub ng ice cream at pumunta sa counter para magbayad. Nilabas ko ang pitaka ko at nagbigay ng cash. 

Tinignan naman ako ng babae sa cashier. "250 na lang yung ice cream, just for you." Malanding sabi niya. 

Umiling ako at napangiwi. "Keep the change na lang, baka need mo." Sabi ko at umalis. 

___

Hinawi ni Heidianne yung kumot at tumayo. "Ice cream, yes!" Masayang sabi niya. 

Pinigilan naman siya ni Joseph, pinabalik siya sa higaan niya. "Si Kuya na lalapit sayo, baka mapano ka." Paalala niya. 

"Kuya, tumawag pala parents natin para kamustahin tayo. Saglit nga lang nagkausap dahil may meeting daw sila." Sabi ni Benjamin. 

Tumango naman ako at nilapitan sila Heidianne. "Nagsabi kasi ako na tumawag sila para kahit papaano malaman nila yung kalagayan nating lahat." Sabi ko. 

Binigay ko yung sinandok kong ice cream kay Heidianne. Nang kinuha niya ito ay kinurot ko siya sa pisngi.  "Ang cute mo talaga, isip bata pa!" Gigil kong sabi.

Napairap siya. "Excuse me? Maganda lang ang tinatanggap kong compliment!" Reklamo niya. 

"Parang same lang naman ata 'yon." Sabi ni Benjamin. 

"Ha?! Paano naging magkaparehas 'yon? Isa pa, kayo lang nagsasabi na isip bata ako, hindi naman ako ganon!" Sabi niya pa. 

Tumawa naman si Joseph. "Ganon lang rin naman 'yon, Ate Heidi." Sabi niya habang nagbabalat ng mga prutas. 

"Ganyan ka na lang, mas okay pa 'yan kaysa maging amazona ka." Sabi ko. 

Tinaasan niya ako ng kilay. "I was born with this attitude, late niyo nga lang nakita." Proud niya pang sabi. 

Binigay ni Joseph yung mga nabalatang prutas kay Heidianne. "After mong mag-ice cream, kumain ka ng fruits para lumakas ka." Sabi niya. 

Napalingon kaming lahat sa pinto nang may marinig kaming katok. Tinignan ko naman yung tatlo. "May naimbita ba kayo dito?" Tanong ko. 

Umiling naman sila. Tinignan ko si Heidianne. "Wala akong pinagsabihan na nasa hospital ako." Sagot niya. 

"What if multo 'yan? Tapos may dalang baril?" Panga-asar ni Benjamin. 

"Naniniwala ka pa doon, bulok naman nito!" Sabi ni Joseph. 

Tumayo ako at pinagbuksan ang taong 'yon. Parang sumama bigla ang ihip ng hangin nang makita ko ang taong 'to, pumasok siya bigla at binati kami. 

Napatayo naman yung dalawa sa gulat. "Tristan? Anong ginagawa mo dito?" Tanong nila. 

Napataas naman ang kilay ni Heidianne habang tinitignan niya kami. "Kilala niyo ba 'yan?" Tanong niya. 

"Hi, brothers! Long time no see sa inyong lahat!" Bati niya. 

Hinarangan ko siya. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. 

Pinasadahan niya ng tingin si Caitlyn. "Nandito ako para magpa-impress lang naman sa dapat akin lang." Sagot niya. 

Napatawa ako bigla. "Baka hindi ka aware, hindi ka naman niya kilala. Baka isipin ka pa niyang stalker ka." Sabi ko. 

Tinignan niya si Caitlyn at ngumiti. "Hi there, i'll introduce myself clearly next time. We'll see each other often, don't worry." Sabi niya at lumabas.

Destined to ReuniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon