A/n: The title is actually a song. It's on Alice in Wonderland's official soundtrack. Painting Flowers is performed by All Time Low :)
~~
Hindi ko maipaliwanag kung ano ang mayroon sa painting at gustung-gusto ko ito. Kahit na iisa lang naman yung lagi kong pinapaint, flower fields.
"Wow. Ang ganda!" Sabi ng hindi pamilyar na boses kaya agad akong lumingon, sobrang lapit ng mukha ng lalaking bigla na lang sumulpot at nakatingin ng diretso sa'kin. Kanina pa ba siya? Hindi ko narinig ang paglapit niya.
"Salamat," sabi ko at nag iba ng tingin "mahilig talaga akong magpaint"
"Ah, oo nga no? Ganda ng painting mo. Pero mas maganda ka tapos naririnig at nakikita mo pa ako."
Nailang at nawirduhan ako sa sinabi niya kaya kinuha ko ang gamit ko at nag-akmang aalis na. Sabog yata si kuya
"Huy teka!" Sabi niya at hinawakan ako sa braso pero sa halip na mahawakan niya ako eh tumagos ang kamay niya sa braso ko.
Nanlaki ang mata ko at tumingin ako ulit sa lalaki, mukha siyang malungkot.
"Sige, takbo na. Alam kong matatakot ka." Sabi niya at ngumiti ng tipid.
Di ako naniniwala sa multo pero...
"Medyo tanga itong tanong ko, pero...multo ka ba?"
Tumawa siya at bumuntong-hininga
"Bakit di ka tumakbo? Di ka natakot?"
"Di mo ako nahahawakan, di mo ako masasaktan, di ako natatakot."
"Hmmm, hindi ako multo pero parang ganun na nga."
Feeling ko naman ay may malaking question mark na lumabas sa taas ng ulo ko
"Ewan kung maniniwala ka, pero buhay ako, comatosed lang. Nandun yung katawan ko." Tinuro niya yung ospital na malapit "nakita kita kaya sinundan kita."
Nanlaki ang mata ko. Alam kong dapat akong tumakbo o matakot pero di ko magawa at ang masama pa eh naniniwala ako sakanya. Stalker na semi-multo.
"So, semi-multo ka?" Tanong ko ulit na ikinatawa niya
Nagkibit balikat lang siya
"Di ko tatanungin ang pangalan mo ah. Gusto ko kapag nagising ako dun kita makilala. Promise, hahanapin kita."
Di pa rin ako makasagot kaya tumango ako na ikinangiti niya.
"Pwedeng ituloy mo ang pagpaint?"
Tinignan ko ang relo ko at umiling. Nalukot ang mukha niya kaya dinagdagan ko ng "Babalik ako bukas" at umalis ng walang paalam.
Kinabukasan nung bumalik ako sa flower field malapit sa ospital ay nandun siya sa pinuwestuhan ko kahapon. Nung makita niya ako tumayo siya. Di pa rin ako makapaniwala na naka-comatose itong taong ito.
"Bumalik ka nga." Sabi niya na nakangiti. Inayos ko ang gamit ko at nagsimulang i-paint ang isang bulaklak na pinakamalapit. Ito lang yung ipepaint ko ngayong araw para may dahilan akong bumalik bukas. Curious ako sakanya.
"Sinabi kong babalik ako di'ba?" Sabi ko at umabot yata sa tenga ang ngiti niya
Habang nagpa-paint ako ay nagkukwento siya ng mga bagay na nagpatawa, nagpaiyak at muntik na magpabaliw sa kanya.
Tulad ng kapag may namamatay sa ospital at maririnig niya ang basag na boses na umiiyak ng mga kamag-anak.
"Iniisip ko kung ako na ba ang susunod at natatakot ako." Sabi niya at sumibangot.