Napapaisip ako kung bakit babae na lang ang laging nag mamahal. Bakit ang mga lalaki walang pake sa babae.. Unless mamatay yung babae o iwan sila nito.
Nasa rooftop ako ngayon kaharap ang laptop ko. Tinignan ko yung paligid, babae na gumagawa ng bahay, babae na nag tatrabaho, babaeng may hawak ng bata at babaeng nadulas pero nakita ito ng isang lalaki pero hindi sya tinulungan. Ganon na lang ba talaga? Kahit minsan mag pa ka Gentleman naman kayo.
Humarap uli ako sa laptop ko at gagawa ako ng website na ang pamagat ay 'MatchMaker.com' Hindi ko masasabi na ang Match maker na gagawin ko ay perfect. Malalaman natin yan pag nagkaroon ng reunion ang website ko. Kung ilang tao ba ang natulungan ko.
Kassandra Lara's
"Bebs! Pinalayas ako ni mama. Wala daw ako ginagawa sa bahay! Dito muna ako sa inyo ha?" Nag mamakaawa na ako dito sa bruhang to. Si mama kase may nalalaman pang lumayas ako jeez.
"Tsk! Ikaw kase napaka tamad mo! Tignan mo pati mama mo sinukuan ka. Hindi ka pwede dito andito yung tita ko ayaw non sa tamad." Grabe naman sakin to! Bestfriend ko ba to? Tsk.
"K. Dun na lang ako sa condo mo. Peram ako ng susi." Binigay nya naman sakin agad. Alam ko namang di ako matitiis nito e.
Nag lalakad lakad ako. Puro couples na lang ang nasa labas. Ang lamig lamig sa labas sana lamukin kayo mga hayop! Walang forever pare parehas lang kayong mga lalaki ha? Walang kwenta.
Hindi ko namalayan nasa tapat na ako ng condo ni Bebs. Binuksan ko na to at nag bukas naman agad. Hinanap ko agad yung kama at humiga. Ang sarang talagang humiga s---
*ting~*
Tinignan ko kung saan nanggaling yung tunog. Sa laptop lang pala ni Bebs. Naiwan nya itong nakabukas. Tsk sya ata yung tamad samin pag sara lang ng laptop hindi magawa. Tinignan ko kung ano yung tumunog, isang website na ang pamagat ata ay 'MatchMaker.com' anong katangahan to? Ang daming alam ha? Pero itatry ko malay mo naman diba?
Pinindot ko na yung nakalagay na 'Game?' May lumabas na mga tanong tsk. Dami talagang alam haha.
MatchMaker.com
Looking for love? Sagutin lamang ang mga tanong at hintayin ang resulta. [Putangina mo ang daming alam.]
Sex: Female [Virgin pa ako! Jusko po.]
Interested: Boys.Ikaw ba ay isang babaeng iniwan?
Answer: Oo tangina mga letche yang lalaki e.Ikaw ba ay desperada ng magkaboyfriend?
Answe: maybe..Anong gusto mo sa isang lalaki:
Buhok: Bagsak na buhok lang na kulay black.
Ilong: syempre matangos jeez..
Mata: Mahabang pilik mata at cold eyes!
Labi: Mapula at malambot.
Kulay ng balat: Maputi.Ilan taon ka na?
Answer: 19HINTAYIN ANG RESULTA..
5..
4..
3..
2..
1..
NAKAHANAP NA KAME NG IYONG KAPARTNER! MAGKITA KAYO SA PARK NG JINSHIVILLE, BUKAS. ORAS NA 4:00 PM. THANK YOU!
at anong nangyari? Baka isa lang tong prank pero parang totoo. Wala namang masama kung hindi ko susubukan diba? Jeez! Excited na ako.
Louise Dy's
Bakit magkasama tong dalawa? Andito ako ngayon sa likod nila at para akong nanonood ng movie. Isang romantic movie na akong kontrabida. Jeez. Bakit ginawa to ng dalawang pinakamamahal ko? Ang bestfriend ko at ng boyfriend ko. Shit. Matext nga ang loko.
To: Babe ♡
Hi. Asan ka babe?*send*
Nag hintay ako ng ilang segundo at nakita kong kinuha nya ang phone nya at nag tatype sya, nakikisilip pa ang bruha.
"Hey Tysone.. Wag mo na intindihin ang babaeng yan. Hindi sya kagandahan at pinaglaruan lang natin sya." Jeez pinaglaruan? Akala nya kung sino syang maganda ang panget naman hmm!
Narinig ko namang tumunog yung phone ko at binasa ko naman ang msg ng loko kong ex boyfriend.
From: Babe ♡
Nasa bahay ako babe.. may sakit ako e.Napayukom na lang ako. Hindi naman ako masamang babae kaya naman hahayaan ko na muna sila jan.. pero one more thing nakita ko ang pinakamamahal nyang kotse. Jeez? Puro kalat ang kotse nya kalalaking tao burara. Zzz
Kinuha ko yung 6 inches na heels ko at ginamit ko yung takong nito pang sulat dun sa kanyang salamin. Hmm ano kaya? Ah isusulat ko ay ' Babaero ang may ari nito. Maliit ang titi. ' yon tapos na din. Hmm. Syempre di pa ako nakontento binasag ko muna yung salamin at hinampas hampas ng 6 inches na heels ko.. aalis na ako.
Nagulat ako nung nakatingin na pala sakin yung dalawang malandi at ibang tao. Lumapit ako sa kanila at ngumiti. Tumingin ako kay Tysone.
"Gusto mo ng laro? Pag bibigyan kita." Sabay kindat at ngumiti ng nakakaloko.
Tumingin naman ako sa bruha kong bestfriend hmm sinong panget samin. "Hi Besssssss, hindi ko alam na ang ahas pala ay nag pupunta ng City? Siguro fieldtrip nyo?"
*Boogshh*
Hinampas ko sa kanya yung 6 inches na heels ko. Scars sa mukha pero kulang pa..
"Babe, wait a second." Sinipa ko yung bayag nya. Akala mo tapos na ako? Shit kayo. "Bye Bes and ex boyfriend. See you soon." Tapos umalis na ako at pumunta ng kotse saka lang tumulo ang luha ko. Ang sakit kase e.. ang sakit sakit.
*ting~*
Nakita ko yung cellphone ko na tumunog at umilaw. Oo nga pala naka online ako. Papatayin ko sana ng nakakita ako ng website 'MatchMaker.com' pinunasan ko muna ang luha ko at may mga tanong sinagutan ko naman lahat ng ito at ang lumabas ay...
NAKAHANAP NA KAME NG IYONG KAPARTNER! MAGKITA KAYO SA SMB, BUKAS. ORAS NA 4:30 PM. THANK YOU!
Pupunta o pupunta? Baka paasahin nanaman ako. Ako nanaman masasaktan nito. Pero sige pupunta ako, sayang e.
*****
Hi readers! Enjoy lang.