Kate
~*~*~*~*~
"ANAK!"
"ANAK!"
"GISING!"
Ano ba namang ang aga aga tatay ko na agad 'yung naririnig ko. Parang ito tuloy 'yung alarm clock ko.
"Bunso! Gising na!"
Naririnig ko na si mama.
"Dali! May gwapo sa sala!"
Huh? Anong pinagsasasabi nun? Ako ba talaga ang kausap niya? O talagang matindi lang 'yung boses ng kapitbahay namin na umabot na sa amin 'yung tili niya?
Dahil nasa baba pa 'yung cr namin at wala pa akong bra, kinuha ko lang 'yung tuwalya ko at ipinantakip ko sa sando ko na medyo bumabakat pa ang aking toooooooooooot.
"Good morning Kate!"
Ay anak ka ng tinapa ka! Muntik na akong mahulog sa hagdan! HOMAYGAD! Nemen! I am using God's name in vain!
"Uh.. H-hi?" Nabubulol na ako. Anong ginagawa niya dito sa bahay namin? Nakakahiya!
"Yayaain sana kitang magsimba tsaka mag-mall. Pinagpaalam naman na kita sa mga magulang mo e."
Is it trulalu? Binibisita ako ni Poker face? UWAAAAAAAAAAAAH! Nakakahiya 'yung bahay namin!
"Anak, siya ba 'yung kasama mo nun nung nakidnap kayo?" Tanong ni Papa.
"O-opo." Na-stuck na ako sa gitna ng hagdan!
"Hindi naman sa nanghihimasok kami pero alam mo naman siguro ang nararamdaman namin ng mama mo. Hindi pa kami 100% na sure sa kaligtasan mo. Siyempre nagaalala lang naman kami. Kaya napagkasunduan na namin na sasama kami sa 'DATE' niyo ni Syfred."
"Pa! Hindi kami magdedate!"
"Okay sige. Pero sasama pa din kami."
Jusme, gusto niyo lang magdate ni mama e.
"Okay lang po 'yun Mr. and Mrs....uhm..." Saglit siyang tumigil at ng hindi mabanggit ang apilido ng mga magulang ko ay dinaan na lang niya sa ngiti.
Ahh... Those white teeth.
Eheh... Eheheheheh...
"Bagonggahasa." Seryosong singit ni mama.
Once again. nginitian lang ako ni Pokey.
Nginitian ko din siya. Tsaka ko lang naalala na hindi pa nga pala ako nakakapagsuklay at nakakapaghilamos ng mukha!
Nagmadali na akong maligo. May dalawang araw na din pala mula nung magkita kami sa mall. Nagalit pa 'yung mga magulang ko nung binigay ko sa kanila 'yung relo.
Kesyo kung saan daw ako nakakuha ng pera and so on.
Pero nung inexplain ko, tinanggap din naman nila.
Nakasakay na kami ngayon sa sasakyan ni Pokey, nagkakailangan kami. Hindi tuloy kami makapagusap ng maayos. Nasa likuran lang kasi namin sila mama.
Nagmagandang loob na siyang isabit sa akin 'yung seatbelt. Ayiiiieeee!
"Thank you!"
*ehem!*
Ano ba namang panira naman ng moment tong dalawang matandang nasa likod namin.
"Uhm...Kuya Syfred..." Sabi ko nung umaandar na 'yung sasakyan.
"Nakakailang naman na tinatawag mo akong kuya tsaka pino 'po' mo pa ako. Mas gusto kong tinatawag mo akong 'Pokey'."
BINABASA MO ANG
8 years older, or two years younger?
Romancekung ikaw ay papipiliin, isang lalaking walong taon ang agwat sayo? o isang lalaki na dalawang taon ang bata sa iyo? Join Kate and her friends in their adventures in jollytown! XD