*Goodbye*
Sophie
"Po-po? Ba-bakit po nyo ko gustong su-sumama sa-sainyo?" tanong ko.
Ano kayang dahilan ni Miss Millicents at pinapasama nya ko sa Paris?
"Kasi gusto kitang pag aralin sa isang school sa Paris" sabi nya habang nakangiti sakin.
"Eh pa-pano po ang pag aaral ko dito?" tanong ko sa kanya.
"Wala ng problema dun ipinaalam na kita sa Principal nyo... yun ay kung gusto mo lang naman" sabi nya.
"Eh ang mama ko po baka di nya po ako payagan" sabi ko habang nakayuko.
"No worries. Naipaalam ko na ito sa mama mo pati sa lolo at lola mo" sagot nya habang nakangiti.
"Ta-talaga po?" tanong ko.
"Oo" sabi nya.
"Eh kaya lang po wala pong kasama yung lolo at lola ko sa bahay, at saka yun pong allowance ko na ipinapadala ni papa eh kailangan ko pa pong kunin... baka po magtaka si papa kapag di po ako ang kumuha nun sa bangko" sagot ko.
"No need to worry lahat okay na settled na lahat" sagot nya habang nakangiti pa rin.
"Pano nyo pong naayos lahat ito ng minsanan? At saka pano nyo po nasisigurado na sasama po ako sainyo?" tanong ko.
"Simula pa lang kasi nung una kitang nakita sa banner na ginawa mo at yung members mo may naramdaman na ko sayong kakaiba yung para bang may especial sayo na itinatago mo lang. Yun namang sa pag aayos planado ko na yun lahat" sagot nya ulit ng nakangiti.
"Kung ganun po... mag papaalam lang po ako sa mga kaibigan ko at members ng Organization ko. Pati po sa mga teachers ko" sagot ko.
"Okay. Masaya ko at pumayag ka" sabi nya habang nakangiti. "Hihintayin kita sa airport bukas" pag papatuloy nya.
"Bu-bukas na po agad agad?!" gulat na gulat kong tanong.
"Oo kasi may aayusin pa kong importanteng bagay sa Fashion House ko pupunta ulit kasi dun si Barbie alam mo na yung pamangkin ko" sabi nya at kumindat pa.
"O-okay po" sagot ko.
"Sige mauna na ko" paalam nya sakin.
"Si-sige po ingat po kayo" sagot ko.
"Salamat" sabi nya sabay alis na at sakay sa lumisin nya.
Wow di ko expected yung sinabi nyang yun ah talagang sa Paris nya talaga ko pag aaralin. Mukhang magiging masaya to pero kailangan ko munang mag paalam kay Natalie at Gel pati na rin kay Brian? Okay lang yun kung sabagay naging kaibigan ko rin naman sya.
Habang nag lalakad ako sa hallway nakita ko agad si Natalie.
"Natalie! Natalie Pig!" sigaw ko habang kumakaway.
"Uy book girl!" sigaw nya pabalik habang kumakaway din.
Tumakbo sya palapit sakin ng makarating na sya malapit sakin.
BINABASA MO ANG
The Heart Breakers and I
FantasyMy isang babaeng simple, bookworm, walang hilig sa fashion kahit nga mag ayos ng buhok ayaw eh basta natural lang. Sya si Sophie isang babaeng nangarap na maging isang professional balang araw. Hanggang sa nakilala nya ang sikat na sikat na grupo ng...