truth or dare by s3perat3d (boyxboy) complete

7.4K 76 37
                                    

Truth or Dare

3:42am. January 2010

Nagriring ang cell phone ko. Sino na naman kaya ito? Pinilit kong dumilat para sipatin kung  

sino ang tumatawag. Si Trisha pala, tropa ko..

"Jensen, gising ka pa?" tanong ni Trish.

"Hindi, tulog na. Nananaginip lang ako, tae ka. Bakit?"

"Hahahaha! Sorry naman, gusto ko lang mag-Thank you sa greetings mo.."

"Greetings?"

"Tignan mo „to, sa FB. Anniversary namin di ba?"

"Ah, oo nga pala. Wala yun. Uhm, tapos?

"Yun lang..."

"Anak ng tokwa ka Trish, ginising mo ko para dun lang? Pwede namang magtext, try mo  

yun minsan.."

(Laughs out loud) "E mas gusto ko tumawag eh. Saka miss na kita. Miss ka na namen. Kita  

kita naman tayo.."

"Ako din naman e. Salamat. Sige pag usapan natin yan sa ibang araw. Uhm, Trish.."

"Oh?"

"Pwede matulog.."

"Ay, oo nga pala! Hahaha! Sorry!! Sya, sige na Jensen. Good night!"

Lintek na Trish „to. Nawala ata ang antok ko.

Nagsindi ako ng yosi, binuksan ang bintana at napatitig sa kawalan. Oo nga. 4th year wedding  

anniversary pala nila Trisha at Alfred. Apat na taon na pala ang nagdaan. Ang bilis. Parang  

kahapon lang sila kinasal. Ang kasal na „ni sa hinagap, di ko inaakalang magpapabago ng  

buhay ko....

~0~

 

June 2006

Nakakailang kanta na rin kame ng keyboardist ko na nare-rehearse. Pagod na ko. Next  

week na kasi ang kasal ng tropa ko na sina Trish at Alfred. Ang daming binigay na kanta na  

dapat siprahin. Napasubo ako ng sabihin kong regalo ko na lang ay „yung pagkanta ko sa  

kasal nila. Buset! Never heard pa naman „yung ibang mga kanta. Pero okay lang. anything  

for my childhood friend.

Dumadaloy na ang musika sa dugo ko. Bata pa lang daw ako, kinakitaan na ng talento sa  

musika, kwento ni ermats. Pagtuntong ko ng 7 taong gulang, in-enenroll ako ni ermats sa  

isang music school. Itinigil ko ang piano lessons after 2 months kasi namamalo ng kamay  

ang lintek kong piano teacher. Dun ako nagsimulang magself study ng piano, na nauwi sa  

keyboards.

"Ano, pare, kaya pa?" tanong ng kibordista ko.

"Pahinga muna tayo, tae, sakit na ng lalamunan ko.."

"Ayaw mo na ba ulet magbanda?"

"Gusto pa naman, kaya lang, mahirap isingit kasi sa trabaho ko.." napaisip kong sagot.

truth or dare by s3perat3d (boyxboy) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon