Hinanakit

60 4 1
                                    


Pamilya. Family. The basic unit of the society.

Samu't saring klase ang mga pamilya. Nandyan yung konserbatibong pamilya, happy-go-lucky, mayaman, mahirap, may harmony, buong buo, wasak, sobrang magulo, at kung ano pa.

Sa pamilya madalas dyan nakasalalay kung paano na makikitungo sa ibang tao. Kung ano man yung pinapakita nila sayo. Kung anong environment man yung pinapaparanas nila sayo, you tend to interpret that with your own understanding and that's how your attitude and personality usually come about. Kumbaga, sila yung humuhulma sayo.

Growing up in a not so peaceful family, I'm quite fine. I mean, really. Hindi naman ako nags'smoke, nagiinom, kaliwaan ang boyfriends or severe things that comes along with the word 'rebellion'. I grew up quite fine.

But then, sometimes I hope na, sana di nalang ako lumaking okay lang. Don't get me wrong. Pero kasi it's really tiring. Na kasi lumaki akong naiintindihan ang mga bagay bagay they expect me to mature and to take it all in. Like duh, naiintindihan ko nga, I'm openly accepting, as if I have a choice or somethig, pero fifteen years old lang din naman ako. Bata pa din naman ako. I'm not yet at a legal age, for goodness sake, so can you please spare me of the heartaches? Spare me the nagging and such? Spare me for my imperfections, because maybe, don't you know that maybe, that was also the things that you failed to teach me while growing up?

Minsan feeling ko ang impokrita niyo ie, you expect me to be the perfect child and all, but then, kayo mismo, you failed to be the perfect parents.

Minsan ba, do you ever wonder if things were too much to handle for me? Ma, nahihirapan din naman ako. Ma, napapagod din naman ako. Minsan feeling ko nga, I'm at the verge of loosing my mind. Imagine, wala akong mapagsabihan ng mga bagay bagay. Siblings are too young to understand the world and I'm too afraid to share this to my friends, hindi dahil sa wala akong tiwala sakanila or something like that. Believe me when I say na, they are the reason why I'm still able to stand straight and face this world. Ewan ko lang, sigurodi pa talaga ako ready.

Pa, Bwisit na bwisit na din ako sa mga panunumbat mo samin na para bang ikaw, may ginagawa ka. Na para bang ikaw, kay galing mo. Eh sa lahat ata ng tao sa bahay, ikaw yung may pinaka'walang karapatan eh.

Pa, bakit? Ano bang ginawa mo para tratuhin kami ng ganyan? Well, aside sperm cell mo, to be honest, wala akong matandaan na nagawa mo para samin. Kaya please, shut up.

Ma, salamat. Salamat kasi, kahit wala si Papa, hindi ka sumuko, na kahit parati kang sinisita nina lola, hindi mo kami iniwan. Ang kaso, mej late ka eh. Kahit hindi sobra, mej parin.

I get it, na kasi si Lola yung kumopkop sakin, tapos busy rin kayo maghanap- buhay ni Papa. Pero Ma, kahit si Lola naman, parating wala din sa bahay, parati rin siyang nasa opisina. Tapos, may pagka strikto din siya. Parati din siyang galit sakin. Atsaka, Ma, alam mo ba na minsan na akong binato ni Lola ng can opener? Hindi noh? Kasi sinabi niyang wag mag sumbong. Pero wala din naman akong plano eh.

Ma, yun siguro, mej late ka siguro, kaya minsan di ko ring maiwasan na mainis sayo. Pero Ma, thank you pa din. Thank you kasi at least, may pinang kakapitan ako sa pamilya natin.

La, salamat din. Salamat kasi sinubukan mong tumayo bilang pangalawang magulang ko. Alam ko naman eh, na mahal mo kami. Na di ka lang talaga marunong mag show kung paano. Kaso, minsan masakit na talaga. Minsan sobrang nakakaiinis na. Konting konti lang, mali na. Parati nalang ba yung mga malaki napapansin mo? Wala na nga ba talaga akong ginawang tama? Ang hirap naman neto eh, linalait ka na sa labas, sa loob din ganun? Musta naman self-esteem ko neto? Oh edi lugmok na?

Sa Pamilya ko, sa mga hindi ko nabanggit dito, alam kong mahirap. Alam kong magulo. Na ang fucked up ng sistema ng pamamalakad natin. Pero alam ko naman na mej maswerte pa rin ako. Kasi kahit papano, may mga magulang ako. Pero wala eh.  Sorry, kasi ganito ang pag iisip ko. Sorry kasi, I'm an ungrateful bitch. But say what? I just have to let this all out. Thank you and damn you.

FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon