GITARA (OneShot)

448 10 9
                                    

Alison’s POV

Umagang umaga pa lang ang ingay inay na ng kapatid ko. Paano kasi, nakita na naman niya sa tv yung idol niya. Psh. Ang aga aga. At nagising ako sa kaingayan niya.

-__-

Nga pala, ako si Taylor Alison Hernandez. Ang ganda po ng pangalan ko. Kasing ganda ko ho. Ang umangal panget. Nehhh.

“OMG! OMG! Ang gwapo mo talaga Zander! Gosh! Gosh!” oh. Kapatid ko yan. Haha! Lumapit siya sa tv at hinalik halikan ang screen.

Di masyadong aadik yun eh. Haha!

Fangirl siya. Okay lang rin naman sa parents namin yun.

 

“Umagang umaga, nambubulabog ka Jess ah. Tadyakan ko yang tv na yan para matahimik ka. Ginising mo ako. Ganda ganda pa naman ng panaginip ko.” Sabi ko habang nagtitimpla ng coffee na may cream. Naks.

 

“Eh kasi ate! Ang gwapo gwapo niya talaga!! Kyaaaaaahh!” sigaw ng kapatid ko.

 

“Gwapo? Eh? Haha! Maawa ka nga sa mga kapitbahay natin. Alas otso pa lang ng umaga nambubulabog ka na. Para kang nakalunok ng microphone dyan. Tumigil ka nga. Sina mama at papa pala?”

Umupo ako sa upuan at humigop ng kape.

Yung kapatid ko naman kumuha ng tinapay tapos naglagay ng palaman.

Pasensya na ho tagalog ko. Ramdam ko po eh.

“Maaga silang umalis ate eh. Alam mo naman sina mama at papa, palaging busy.”

“Hmm. Sabagay.”

“Ateeeeeee?”

I took a bite of my sandwich. Char lang.

Hmm. Mukhang may hihingin to eh.

“Oh? Ano naman yun?”

“Ano kasi.” Nagkamot ng ulo.

“ Ang tagal ah.”

Hmm. Mukhang di maganda to.

“Nagpaalam kasi ako kina Mama at Papa na magpunta mamaya sa mallshow. Sabi naman nila, payag daw pero kailangan daw na kasama ka.” Sabi niya.

Sabi ko na nga ba eh.

Gagawin na naman akong babysitter neto. Psh.

GITARA (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon