Chapter 3

152 6 0
                                    

Chapter 3:

Matapos makuha ang mga impormasyong kanyang kailangan, muli nang itinuon ni Cynthia ang kanyang pansin sa naantalang trabaho.

Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa sa mga dokumento. Ang mga papeles na nangangailangan ng kanyang pirma at mga proposals na kailangan ng kanyang approval. Kung di pa tumawag ang kanyang nobyo, di mapapansin ng dalaga na alas dos na ng hapon. Lagpas na ang oras ng pananghalian!

"Sweetie naman, pinababayaan mo ang iyong sarili.."

Napangiti si Cynthia sa pag-aalala ng nobyo sa kanya.

"Hindi naman. I was about to take my lunch na nga when you called e."

"Hmm.. Parang di kita kilala. Ang sabihin mo, kung di pa ako tumawag di mo malalamang lagpas tanghalian na dahil masyado kang focus sa trabaho.."

Isang mahinang tawa ang pinawalan ni Cynthia.

"Oo na. Okay, sige. Kakain na po.."

"Hey, wag na masyadong marami. Sisikmurain ka lang.."

"Opo. Para ka namang sina daddy." kunwa'y reklamo niya.

"Oy, ibahin mo ito. Kapag ikinasal na tayo, ako na ang magiging tagapagpaalala mo.."

"Hmm.. Para tuloy natatakot akong tanggapin ang alok mo e."

"Cynthia!"

"Joke lang po. Siyempre, gusto ko na ring ikasal tayo. Pero konting tiis pa ha?"

"Ipakidnap na lang kaya kita tapos takutin para maikasal na tayo agad?"

"Kahit gawin mo, di pa rin ako papayag ano? Wag kang mag-alala, mas mapapadali ang paghihiganti ko.."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Magaling ang inupahan ko. Nalaman ko agad ang mga impormasyong kakailanganin ko. Siguro bago matapos ang taon, makikilala na nila si Cynthia Salgado.."

"Whatever. O, siya. Kumain ka na ha? I'll call you mamaya before ako mag-off duty."

"Okay. Ingat ka."

"You, too."

Mismong si Ralf na ang tumapos ng tawag. Inilapag naman ni Cynthia ang cellphone sa kanyang mesa at tinawag ang kanyang sekretarya.

"Miss Torres, tumawag ka sa North Park. I-order mo ako ng pagkain.."

"Ano po bang gusto ninyo?"

"Iyong gaya na lang dati.."

"Okay. May iba pa po ba kayong ipagagawa, ma'am?"

"Wala na. Thank you.."

Iniwan na nga ni Miss Torres ang amo. Pagkalabas ng opisina nito, diretso na siya sa sariling mesa. Tumawag siya sa restaurant upang umorder ng pagkain ng amo. Tantiya niya, fifteen minutes bago madeliver doon ang mga pagkain.

Pagkatapos naman niyang gawin ang utos ng amo, muli na rin niyang ipinagpatuloy ang ginagawa. Halos patapos na siya nang dumating ang delivery boy. Sinamahan na niya ito sa loob ng opisina ni Cynthia.

"Ma'am, narito na po ang mga pagkain.."

"Pakilapag na lang diyan. Salamat."

Matapos mailapag ang mga pagkain, binayaran ni Cynthia ang delivery boy. Pagkatapos, sabay na ring lumabas ang lalaki at ang kanyang sekretarya. Naupo naman siya saka sinimulang buklatin ang mga styrofor.

Sumigid sa pang-amoy ni Cynthia ang aroma ng mga pagkain. Kasabay niyon, naramdaman niya ang pagkalam ng sikmura hudyat na gutom na nga siya. Ganoon talaga siya kapag masyadong focus sa ginagawa. Di namamalayan ang paglipas ng oras. Dati, noong nasa States pa siya, ang kanyang adopted parents ang laging nagpapaalala sa kanya. At kanina, si Ralf naman ang gumawa niyon. Ganoon siya kamahal ng kanyang bagong pamilya.

Kailan Dapat Magpatawad?~COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon