Chapter 8:
Kaiba sa mga araw na nagdaan, sinamantala na ni Veronica na kasama pa ang kapatid dahil alam niyang iba na ang mangyayari pagkatapos ng gagawin niya. Tiyak na kamumuhian at isusumpa na siya ng kapatid niya. Magagalit na ito sa kanya. At masakit man para sa isang gaya niya, alam niyang mas mapapabuti si Luisa kung kalilimutan na siya nito. Isang bilanggo at wala nang pag-asa..
Ang hepe naman, sa tuwina'y nakamasid lamang sa malayo. Nakikiramdam. At isang araw....
"Ate, may problema ka ba? May masakit ba sa'yo?" si Luisa.
Tanghaling tapat iyon nang magkausap ang magkapatid. Naisipang magtanong ng bata dahil napansin niyang may kakaiba sa kilos ng kapatid pero di naman niya batid kung ano.
"W-wala. Di lang maganda ang araw ko."
"Bakit, di ka ba nakatulog ng maayos. Hamo, papaypayan kita mamaya.." nakangiting saad ni Luisa. "Siyanga pala ate, nakita ko si kuya Damien.. Kinukumusta ka?"
Si Damien ay kalaro ng kanyang ate. Alam niyang matutuwa ang kapatid sa kanyang ibinalita pero di iyon ang nangyari. Sa halip, iniwan siya roong mag-isa!
"Ate, teka lang!"
Habol naman ni Luisa at nang abutan ang kapatid...
"Ate naman.. Bakit mo ko iniwan? Ang daya mo ha.."
"Puwede ba Luisa?! Tigilan mo na nga ako!"
"A-ate Veronica..." mangiyak-ngiyak namang wika ng bata.
"O ano?! Sinabi ko nang wag mo akong kulitin, di ba? Tigilan mo nga ang pagdadrama!"
"Di naman ako nagdadrama ate, e."
"Makinig kang mabuti sa akin. Simula ngayon, kalimutan mo na ako. Mamuhay kang mag-isa. Iyong malayo rito. O di kaya bumalik ka kay inay at humingi ng tawad.."
Habang sinasabi iyon ay panay naman ang matinding iling na ginagawa ni Luisa.
"Luisa, wala ka nang aasahan sa akin. Bilanggo na ako ngayon at di kita mabibigyan ng magandang buhay. Kung kay inay, mapagtatapos ka niya..."
"Ayoko ate! Gusto ko sa'yo.. Pag iniwan kita, mas lalo kang kawawa.."
"Hindi. Kaya ko.. Kailangan kong pagbayaran ang pagpatay kay Mang Dencio. Sige na, mabait ka naman di ba?"
"Pasensya na pero ayoko.."
"Luisa..."
"Ate, di ko gagawin yun. Mahal kita. Isa pa, nangako tayo sa isa't isa di ba? Walang iwanan. Kaya bakit?"
"Iba na ang sitwasyon ko. Noon may pag-asa pang mabigyan ng magandang kinabukasan. Ngayon, bilanggo na ako. Wala nang maaasahan sa akin.."
"Kaya ko namang maghirap ate e. Kaya kong tiisin basta kasama kita. Ako rin naman ang dahilan kung bakit ka nakulong."
"Hindi Luisa. Makinig kang mabuti. Di ka dapat naririto dahil tutuksuhin ka lamang ng mga tao--"
"Wala akong pakialam! Hanggang dun lang naman talaga ang kaya nilang gawin, ang manghusga! Mangutya na parang akala mo, di sila nagkakasala.."
"Luisa..."
"A, basta. Dito lang ako sa tabi mo ate. Di ko ipagpapalit ang samahan nating magkapatid sa kahit anong magandang bagay.. Pangako 'yan!" determinadong saad ng bata.
Iyon din naman ang gusto niya, ang palaging kasama ang kapatid. Mahal niya ito kaya nga niya ginagawa ang lahat! Pumatay siya, para lang maprotektahan ito. At ngayon, inuutusan niya itong lumayo at magsimulang muli pero sadyang matindi ang paninindigan nitong manatili sa tabi niya. At anumang sandali'y siya na ang susuko!
Hindi! Kailangan niyang makumbinsi ang bata bago pa siyang tuluyang bumigay!
"Luisa, hindi mo ba talaga maintindihan?! Akala ko ba matalino ka?! Mahirap bang intindihin na pinapaalis na kita? Na di na kita kailangan?!"
"Oy, Veronica.. Wag mo namang tratuhin ng ganyan ang kapatid mo. Maawa ka naman sa bata!" wika ng isa sa kanyang kakosa.
"Wag ka nang makialam sa amin!" si Veronica na binalingan ang kapatid. "Ano? Siguro naman aalis ka na ngayon?!"
"A-ate.."
"Ano?! Alis na! Wag ka nang babalik, maglimutan na tayo!" saka itinulak ang bata ng di pa rin ito tuminag.
Akmang maglalakad na siya nang biglang yakapin ni Luisa ang mga binti niya.
"Ate, naiintindihan kita. Alam ko na mahirap rin sa'yo ito pero kahit na masakit, gagawin ko. Aalis ako rito pero di ibig sabihin na tatalikuran na kita.. Mahal kita ate. At gagawin ko lahat ng paraan para makalaya kang muli, pangako iyan."
"U... U-umalis ka na.."
"Babalikan kita kahit na anong mangyari. Ilalabas kita rito, pangako."
Saka kusang bumitaw ang bata at nilapitan ang mga kakosa ng kanyang kapatid.
"Bantayan n'yo ho ang ate ko ha? Alagaan n'yo at wag pababayaan. Mahal na mahal ko po 'yan at matatagalan pa siguro bago kami magkasama ulit kaya aasahan ko kayong tumingin sa kanya.."
"Wag kang mag-alala, kaming bahala sa ate mo. Mag-ingat ka at salamat.."
"Pagbalik ko, kwentuhan ulit ha?" wika niya bago muling lumapit sa kapatid.
"Mahal na mahal kita ate. At wag kang mag-alala, di kita kamumuhian. Nauunawaan ko kung bakit mo ito ginawa. At kung ako ang nasa lagay mo, gagawin ko rin ang pagsasakripisyong ginawa mo. Wag mong pababayaan ang sarili mo rito. Iiwan kita ngayon pero di ibig sabihin na tinalikuran na kita. Lagi mo lang tandaan na mahal kita at tanggap kita.."
Niyakap ni Luisa ng mahigpit ang kapatid. At kahit gustong gantihan iyon ni Veronica ng kapwa higpit, di na niya ginawa. Nagkasya na lamang siyang namnamin at dalhin sa alaala niya ang lahat ng iyon.
"Paalam sa ngayon ate. Hanggang sa muli nating pagkikita..."
"Umalis ka na lang. Gaya ng sinabi ko, mas mabuti kung kalilimutan mo na ako ngayon pa lang."
Hindi na lamang sumagot ang bata pero sa isip at puso niya, naroon ang pag-asam na sana'y pigilan siya nito. Pero wala. Sadyang tiniis ni Veronica ang lahat. Pinili niyang iyakan ng lihim ang nangyari dahil ang totoo, at kung wala siya sa sitwasyong ganito, di niya tatalikuran ang nag-iisang kapatid.
Ilang oras na mula nang umalis si Luisa pero di pa rin maampat ang mga luha ni Veronica. Ipinasya na ni hepe na lapitan ang dalagita upang aluin.
"Iha..."
"H.. H-hepe. Kayo pala.." pinunasan naman ng dalaga ang magkabilang pisngi.
"Ayos ka lang ba?"
"Wag ho kayong mag-alala, okay lang ako. Pero ang kapatid ko..."
"Nakita ko. Narinig ko rin lahat. Di na kita tatanungin pero--"
"Masama akong kapatid. Ipinagtabuyan ko siya! Makasarili ako dahil tinalikuran ko siya sa kabila ng lahat.. Wala akong kuwenta!"
"Wag mong isipin 'yan. Ginawa mo lang ang sa tingin mo'y tama. Ipagdasal mo na lamang na maging okay siya."
"Iyon na nga lang ho siguro ang pinakamagandang magagawa ko para sa kanya.."
"Tama. Mabait ang Diyos. Humiling ka lang at kanya iyong diringgin kung nararapat bang makamtan.."
"Siya lang naman ho kasi talaga ang kakampi namin ni Luisa sa mga pagkakataong gaya nito, e."
Nginitian ng hepe ang dalagita na ginantihan rin niya ng ngiti. Pasalamat na lamang siya na mabait ito sa kanilang magkapatid.
"Hepe?"
"O, bakit?"
"Wag n'yo hong mamasamain ang itatanong ko. Nagtataka lang po kasi ako e.. Bakit ho ang bait ninyo sa amin? Di n'yo naman po kami kaanu-ano para pagmalasakitan.. Kung sarili ko ngang ina, nagawa akong isumpa.."
"Di naman kailangang kadugo ang isang tao bago mo pagmalasakitan iha. Maniniwala ka bang itinuring ko na kayo ng kapatid mo bilang mga anak ko?"
"Pero bakit?"
"Magaan ang loob ko sa inyo. Naaawa ako dahil ang bata n'yo pa para makaranas ng matinding pagsubok gaya nito. At isa pa, pinahanga n'yo kasi ako.."
"P-pinahanga po? Paano?"
"Basta. Pinahanga ninyo ako. Alam ko na makakaya n'yong lagpasan ito. Wag ka lang mawawalan ng pag-asa iha.."
"Alam n'yo po, para kayong si itay. Sayang nga lang dahil maaga siyang nawala.."
"Iha, lahat ng nangyayari sa ating buhay ay may dahilan. Hindi magbibigay ng pagsubok ang Panginoon kung alam niyang di natin kakayanin.. Tandaan mo lang na marami man ang humusga sa iyo, may mga tao pa ring handang maniwala sa'yo at tanggapin ka. Di dahil sa kung ano ang kaya mong ibigay kundi dahil iyon ay ikaw."
"Hindi ko po kayo gaanong maunawaan pero maraming salamat po."
Nginitian lamang ng hepe ang dalagita. Mayamaya pa...
"Hepe, maraming salamat po ulit."
"Walang anuman iha. Ang hiling ko lang, wag na wag kang susuko sa mga pagsubok pang darating.."
Tumango ang dalagita pagkuwa'y iniwan na siyang muli ng hepe.
Unang gabing magkahiwalay ang magkapatid. Walang kamalay-malay si Veronica na nasa lansangan lang ang kapatid at palaboy-laboy lamang.
Samantalang kanina pa kumakalam ang sikmura ng bata. Gutom na siya pero wala namang pera na pambili ng pagkain. Sinubukan niyang makiusap sa kanilang ina pero...
"Lumayas ka! Wala kang mahihita sa akin maski singko sentimo! Alis na't wag ka nang magpapakita!"
"Inay, maawa po kayo sa akin. Wala na akong mapupuntahan. Kayo na lang ang maaasahan ko e.."
"Hindi! Wala akong mga anak! Matagal nang patay, kaya ikaw lumayas ka rito! Hindi kita kailangan! At wala na akong pakialam maski pa mamalimos ka kung kanino..."
"Parang awa na ninyo. Gutom na ho talaga ako.. Kahit ngayong gabi lang inay. Pangako, bukas di ko na kayo gagambalain.."
"Makulit kang talaga ano?! Sinabi ko nang wala kang mapapala sa akin! Wala akong ibibigay kaya lumayas ka na!" sigaw nito na ipinagtukan pa ng husto ang bata. Di pa nagkasya, sinabunutan pa't minura.
Ang kaawa-awang si Luisa ay walang magawa kundi habulin na lamang ng tingin ang papalayong ginang. Hawak ang kumakalam na sikmura, tinalunton niya ang daan patungo sa bayan. Iniisip kung babalik pa ba siya sa kulungan. Pero kung ganun ang gagawin niya, mahahalata ng kanyang kapatid na niloko niya ito. Lalo lang magagalit sa kanya ang kanyang ate Veronica. Iyon ang ayaw niyang mangyari. Kaya kahit gusto niyang bumalik na lang ng kulungan, hindi pa rin puwede.
Nagpatuloy siya sa paglalakad. Hanggang sa makita niya ang gusgusing mga bata na pinaghahatian ang isang tira ng chicken joy. Natakam siya at ninais rin niyang makisalo subalit sininghalan pa siya ng isa sa mga pulubi.
"Hoy, umalis ka nga! Di ka namin bibigyan, ano?! Tsupi!"
Walang nagawa ang bata kundi lumayo. Natanawan niya ang supot ng pagkaing nasa malaking basurahan. Nagmamadali siyang lumapit at kinuha ang supot. No choice na siya sa gabing iyon dahil gutom na talaga siya. At kahit na nangangamoy panis na, pinagtiyagaan pa rin iyong kainin ni Luisa.
Di nagtagal, kinasanayan rin niya ang ganung pamumuhay. Kasabay niyon ang pagbangon ng matinding galit para sa ina. Hanggang sa makilala niya ang mag-asawang Salgado.-To be continued-
BINABASA MO ANG
Kailan Dapat Magpatawad?~COMPLETED
Romance[COMPLETED] Si Luisa ay ang bunsong anak ni Aling Martha na muling nagbabalik sa bansa bilang Cynthia. Ang dahilan ng kanyang pagbabalik? Nais niyang maningil..gusto niyang gantihan ang lahat ng tao na nagkaroon ng kasalanan sa kanya. Pero sa kanyan...