Chapter 16

96 2 0
                                    

Chapter 16:

Muli namang bumalik sa library si Cynthia. Doon na niya hihintayin ang ipinatawag na ginang.

Samantala, nasa servant's quarter pa rin si Aling Marietta. Umiiyak.

Nangingipuspos siya pero walang magawa. Ni hindi man lang niya magawang yakapin ang sariling anak!

"Aling Martha?"

Narinig ng ginang na parang may tumatawag sa labas.

"Aling Martha nariyan po ba kayo?"

"Sino iyan?"

"Si Tasing ho.."

"S-sandali." wika ng ginang na agad lumapit sa pinto.

"B-bakit?"

"Ipinapatawag ho kayo ni senyorita. May sasabihin raw po."

"G-ganoon ba? Nasaan ba siya?"

"Sa library. Hilig kasi ni ma'am ang magbasa kapag may libre siyang oras."

Tama! Naaalala nga niyang mahilig magbasa ang kanyang bunso. Tanda pa nga niya na ang laging request nito na pasalubong ay libro o kahit na anong babasahin.

"Aling Martha, puntahan n'yo na ho at baka mapagdiskitahan na naman kayo." paalala pa ng katulong. "Ewan ko ba naman kung bakit mainit ka kay senyorita e hindi naman siya mapangmata sa mga katulong."

Ngumiti na lamang ang ginang.

"Kung alam mo lamang ang tunay na rason, baka..." sa isip niya pero sa halip ay iba ang kanyang sinabi. "Sige, susunod na ako."

Iniwan na nga siya ng katulong para balikan ang naantalang gawain.

Ilang minuto ring naghihintay si Cynthia roon sa library nang marinig niya ang tatlong magkakasunod na katok. Alam niyang si Martha na iyon.

"Pasok."

Bumukas nga ang pintuan. Sumungaw mula roon ang mukha ni Aling Martha.

"Ipinapatawag n'yo raw ako senyorita?"

"Oo. Maupo ka."

"S-salamat."

Pagkaupo ng ginang noon naman nagsalita ang dalaga.

"Pupunta rito si Lawrence.."

Nanatili namang tahimik si Aling Martha. Hinintay na muna niya ang karugtong ng sasabihin ng kaharap.

"Ang gusto ko walang siyang mahahalatang anuman kaya wag kang magkakamaling magsumbong."

"O-oo. Nauunawaan ko. Wag kang mag-alala, wala siyang malalaman."

"Siguruhin mo lang." matigas na turan niya bago inutusan ang kausap na iwanan siya roon.


Pero kahit kanina pa tapos kausapin ang ginang ay di pa rin ito umaalis. At nang tingnan niya ito, laking gulat niyang umiiyak ang ginang pero nakangiti pa rin!

"A.. A-Aling.."

Doon naman parang natauhan ang matanda.

"A.. E.. P-pasensya ka na senyorita.." hinging paumanhin nito habang sige sa pagpapahid ng basang pisngi.

"Pasensya, pasensya! Lumayas ka na nga sa harap ko!"

"Pasensya na talaga. Patawarin mo ako.."

"Ano bang sinasabi mo ha?! Tigilan mo nga ang drama mo't naiirita ako sa'yo! Layas na!"

Sa halip na sundin ang sinabi, nilapitan pa't saka niyakap ni Aling Martha ang dalaga. Kahit paano, nabigla at medyo lumamlam ang anyo nito..

"Teka nga, sandali lang.. Ano bang--"

"Alam ko na ang totoo anak. Ikaw ang bunso kong si Luisa.. Patawarin mo ang inay. Alam ko na nagkamali ako sa inyo.."

"Paano mong nalaman?"

"Narinig ko kayo. Sa bibig mo mismo nanggaling. Hay, anak ko.. Kaytagal kitang hinanap. Pinanabikan ko ang--"

"Tumigil ka! Ano ang pinagsasabi mo? Hindi ako ang anak mo!" pilit siyang kumakawala sa mahigpit na yakap ng ginang.

"Hindi. Ikaw ang anak ko. Ikaw si Luisa.. Ako ang inay mo."

"Wala kang anak! Patay na! Ikaw ang dahilan ng lahat!"

"Anak.." umiiyak ng wika ni Aling Martha.

"Alam mo ba ang lahat ng pinagdaanan ko noon? Naisip mo ba na baka napapahamak na ako habang nagpapakasarap ka sa buhay?! Nagmakaawa ako noon pero sa halip na tanggapin, ipinagtabuyan mo pa akong parang baboy!"

"Pinagsisisihan ko na ang lahat anak. Maniwala ka, hinanap kita noon. Pinuntahan ko ang kapatid mo para sunduin ka pero wala ka na pala.."

"Dahil ipinagtabuyan rin ako ni ate noon! Ayaw niyang matulad ako sa kanya na nasira ang pangarap dahil sa kagagawan mo! Sa kakitiran ng utak mo! Makasarili ka, inay! Wala kang kuwenta!"

Dahil sa malakas na pagsigaw ni Cynthia, tarantang napalapit ang mga katulong sa mansyon. Gulat sila sa natuklasang magkadugo pala ang dalawa. Hindi lang basta magkadugo kundi mag-ina pa!

"Anak, unawain mo.. Nabulagan lang ako noon. Nalilito.. Kung maibabalik--"


Hindi na pinatapos pa ni Cynthia sa pagsasalita ang kanyang tunay na ina.

"Hindi na maibabalik ang nakaraan. Namatay na ang kapatid ko, nagdusa na siya sa kasalanang di naman niya ginustong gawin. At ako? Naranasan ko na ang lahat ng hirap. Kung hindi ko nakilala sina mommy, baka kung saang kangkungan na rin ako pinulot! Alam mo ba kung ano ang itinanim mo sa utak ko ha?! Akala mo ba na masaya ako kahit marami na akong pera ngayon?! Nagkakamali ka! Mas gusto ko pa rin iyong dati na kahit kapos, nandiyan kayo palagi.. Pero sinira mo ang pamilya natin! Pinabayaan mo kami! Sa tingin mo may kapatawaran pa rin ang ginawa mo?!"

"Anak, matanda na ako. Alam ko na mahirap kalimutan ang nangyari. Oo, kasalanan ko. Pero nakahanda naman akong bumawi. Magsimula tayong muli.."

"Hindi na. Huli na para diyan. Wala na kong natitira ni katiting na respeto sa'yo. Puro galit at intensyong makaganti na lang.."
Hindi na pinatapos pa ni Cynthia sa pagsasalita ang kanyang tunay na ina.

"Anak sabihin mo lang.. Handa akong gawin ang lahat.."

"Wala na kong panahon para makipaglokohan sa'yo. Lumayas ka na!"

"Pakiusap Luisa. Pakinggan mo na muna ako.."

"Ayaw mo? Kung ganoon, halika rito!" iglap lamang ay kinakaladkad na niya ang ginang sa buhok nito.

"Aray! N-nasasaktan ako.. Luisa.."

"Talagang masasaktan ka! Ginusto mo iyan. Pero kung tutuusin, kulang pa nga itong kabayaran e!" pang-uuyam pa ng dalaga na binalingan naman ang isa sa katulong. "Buksan mo ang gate. Bilis!"

Agad namang sumunod ang inutusan. Sige pa rin sa pagkaladkad si Cynthia sa noo'y nahihirapang ginang. Wala namang magawa ang mga katulong kundi ang magmasid na lang. Natatakot kasi silang mapagbalingan ng galit nito.

"Anak.. Pag-usapan natin ito.. Kahit ano, sabihin mo lang.."

"Lumayas ka na! Ayaw ko nang makita ang mukha mo, maliwanag?!"

"Luisa..."

"Isara n'yo na ang gate!" iyon lang at tumalikod na ang dalaga.

"Luisa, anak! Wag mo namang gawin ito! Patawarin mo na ako.. Pakiusap, hayaan mo akong punan ang mga pagkukulang ko.. Luisa!" umiiyak nitong wika.

Pero kahit ano pang pakiusap, nagmistulang bingi pa rin si Cynthia.

Awa naman ang mababakas sa mukha ng mga katulong lalo na kay Aling Azon. Pero hindi rin naman kasi niya masisisi ang alaga pagkat talagang nasaktan ito! Gayunpaman, di pa rin dapat kalimutan ni Cynthia na si Martha pa rin ang inang nagluwal sa kanya.

"Azon, tulungan mo naman ako. Pakiusapan mo naman siya.. M-matagal ko nang hinintay na makita siya e.."

"Sige. Tingnan ko kung may magagawa ako.. Sa ngayon umalis ka na muna. Madilim na ang langit. Tiyak na uulan.."

"Kung aalis ako lalo lamang siyang maghihinakit sa akin. Iisipin niyang muli ko siyang inabandona."

"Pero kapag umulan, siguradong mababasa ka. Baka magkasakit ka lang.."

"Hindi. Kaya ko. Titiisin ko lahat maipakita lang sa anak ko kung gaano ko pinagsisisihan ang kasalanan ko.." matatag na wika ni Aling Martha.

"Hindi sa kinampihan ko si Cynthia, Martha. Hindi kasi natin puwedeng isumbat na utang niya sa'yo ang buhay niya. Saksi ako sa mga pagdurusa niya noon lalo na nang mabigo siyang ilabas ang ate niya sa kulungan.."

"Alam ko iyon. Nauunawaan ko.. Handa akong maghintay kahit gaano katagal.. Kung kailan niya ako mapapatawad.."

"Hamo, susubukan kong payuhan siya."

"Salamat. Sige na, puntahan mo siya. Alagaan mo para sa akin.."

Nang tumango ang mayordoma, saka lamang napangiti ang ginang. Nagpasalamat siyang muli rito't sinabihan pang iwan na siya roon.

Nang makaalis si Azon, saka naman parang binuksang gripo ang mga mata ni Martha dahil sa walang tigil na paglandas ng kanyang luha. Kahit pa sinabihan siya ni Cynthia ng masasakit na salita, wala sa plano niyang lisanin ang tahanan nito. Isa, dalawa, apat na oras pa siyang naghintay nang magsimulang magdilim ang langit. May kaunting ambon pero di niya iyon inalintana. Mahalaga sa kanyang mapatawad na ng bunsong anak. Mayamaya pa, bumuhos na ng tuluyan ang malakas na ulan...

"Diyos ko! Basa na si Martha.." sadyang ipinarinig ni Manang Azon kay Cynthia ang sinabi.


Gaya ng inaasahan, walang kaimik-imik ang dalaga. Gayunpaman, nanatili siyang nakamasid sa labas partikular na sa direksyong kinatatayuan ng kanyang ina.

Samantala, nangingikig na sa tindi ng ginaw si Aling Martha. Pero hindi siya susuko. Alam niyang sa huli, mananaig pa rin ang damdaming anak kay Cynthia.

"Iha, tingnan mo.. Mukha namang nagsisisi siyang talaga. Halatang nais bumawi sa'yo ng nanay mo.. Papasukin na natin?"

"Hindi manang. Ayoko nang malinlang muli! Hayaan n'yo siya, pasasaan ba't magsasawa rin yan diyan." matigas niyang turan.

"Pero.. Magkakasakit siya kung di pa natin papapasukin."

"Wala akong pakialam! Iwan n'yo na ho muna ako. Gusto kong mapag-isa.."

Labag man sa loob, minabuti na rin ni Azon na sundin na lamang ang nais ng alaga. Sana nga lang, maliwanagan agad si Cynthia bago mahuli ang lahat!

-To be continued-

Kailan Dapat Magpatawad?~COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon