Unexpected Ending..

48 2 2
                                    

Ako si Alex, isang 4th year highschool student...

ALEXANDER DELA VEGA ang totoo kong pangalan...

Enrollment na ngayon at kailangan ko ng maghanda para sa 1st day of school.

Ligo..

Ligo..

Ligo..

After 20 minutes, natapos na ako, nagdrive papuntang school at hinanap ang room ko kung saan nakalista ang pangalan ko, at yon! (5. Alexander dela Vega). Pumasok na ako sa room kung saan nakita ko ang aking pangalan, nang biglang BUUGGGGG! "Aray!" may nabangga ako. Tinignan ko siya, isang napakagandang babae ang nakita ko.

"Uhm, So-oOryy" Sabi ko.

Bigla nalang siyang umalis ng walang manlang tugon sa sinabi ko, itinuloy ko na ang pagpasok sa kwarto at nakita ko siya, magkaklase kami! Tumingin tingin ako sa mga upuan, pero lahat ay mayroon ng nakaupo, PWERA lang sa tabi ng babaeng nakabanggaan ko sa harap ng classroom namin. Umupo ako at nagpakilala sa kanya,\

"Uhh, Alexander dela Vega nga pala, ako yung nakabanggaan mo kanina sa harapan ng classroom natin", AKO

"Ah, ikaw ba yon, Sorry hah :)) Uhm, Aliyah Evangilista :))" SIYA

(Sabay shakehands)

Mayroon na kaming teacher at sabi niya,

"Okay Class I'm you' adviser, just call me Ma'am Jenisa, Sorry, hindi muna magtuturo ang mga teachers ngayon at bukas dahil marami pang nagpapa'enroll ngayon, kung may tanong kayo, magtungo lamang kayo sa office ko sa may 2nd floor para masagot ko ang mga ito, maliwanag ba?" Ma'am Jenisa

"Yes Ma'am" LAHAT KAMI.

"Okay, You may go" Ma'am Jenisa

Agad agad kaming lumabas ng classroom para mamasyal, transferee ako kaya hindi ko pa masyadong kabisado ang buong academy, ng biglang may kumalabit sakin,

"huyyy! tranferee ka no? para kang nawawala, tara! meryenda tayo!" ALIYAH

"Cgee, tara! Nasan ba dito yung Canteen..............Blalabla!" AKO

Walang tigil na daldalan at kwentuhan lang ang ginawa namin sa loob ng dalawang araw, ang saya saya, ang bait niya, ang ganda niya, unang beses ko palang siya nakita ay tumibok na agad ang puso, tila iba ang nararamdaman ko para sa kanya, hindi tulad ng mga nakaraan na mga naging kasintahan ko. Simula non, lagi na kaming magkasama. May gusto na ako sa kanya, gusto ko sanang sabihin sa kanya pero, natatakot ako baka biglang magbago ang lahat ng pinagsamahan namin. Pero hindi naman siguro masamang magtapat hindi ba? Kaya sinubukan ko.

Maaga akong pumasok at habang wala pa siya ay, Nag'ipit ako ng maliit na papel sa libro niya na nasa ibabaw ng desk niya. At biglang dumating na siya, buti nalang hindi niya nakita. At nagsimula na ang klase, After 4hours na klase, nagLunch na kami at walang pasok mamayang hapon. Sabay kaming naglunch, at sabay rin kaming umuwi. Pag'uwi ko wala akong ibang inisip kundi,

"Sana hindi siya magalit 'pag nabasa niya yun!" AKO

Ang nakalagay doon ay,

"ALIYAH, SANA WAG KANG MAGALIT PERO MAHAL NA KITA NOON PA, PERO NGAYON LANG AKO NAGKAROON NG LAKAS NG LOOB PARA IPAALAM SAYO, SANA PAG NABASA MO ITO, WALANG MAGBABAGO

ALEX"

Sa kakaisip ko don, hindi ko na namalayan, nakatulog na pala ako :> Naligo na ako at nagbihis para pumasok. Nakarating na ako sa school at nakita ko siya sa harap ng room namin kausap ang adviser namin, at nang umalis na ang adviser namin, tinawag ko siya.

"ALIYAH!!!" AKO

Pero...

Ba't ganoon, hindi niya ako pinapansin, eto na nga ba sinasabi ko, magbabago siya :"<

Buong araw kaming hindi magkasama, umuwi na ako dahil wala akong ganang makipag'Jam sa mga kaibigan ko. Habang binubuklat ko ang mga libro at notebook ko para tignan kung meron kaming assignment, biglang mayroong maliit na papel ang nahulog, pinulot ko ito at binasa,

"Pumunta ka sa harap ng bahay namin, sa may daanan paloob, alam mo kung saan 'yon di'ba? Pumunta ka ng 6PM, may handaan na magaganap.

ALIYAH"

Agad akong nagbihis at tinignan ang oras 5:25PM na pala, nagmadali ako at agad akonbg nakarating doon, nakita ko siya, nakasuot ng puti at tila may kakaiba sa kanya, OO! meron! naging dilaw ang kanyang buhok, ewan ko kung nagpakulay lang pero bagay sa kanya dahil maputi naman siya, nakasakay siya sa isang kalesa at inabot niya ang kamay niya sa akin para sumakay, hindi siya kumikibo, pasulya-sulyap nalang ako sa kanya...

Nakarating na kami sa kanila, medyo malayo pala at maloob ang bahay nila, marami-rami sila at iba ang itsura nila, parang dugong bughaw at dilaw rin ang kanilang mga buhok kagaya ni Aliyah, uso ba kulay sa lugar nila? Nevermind... Itinuring nila akong parang katulad rin nila, parang isang Fiesta ang nangyayari, habang nagsasaya bigla nalang nawala ang lahat na parang bula, kasama na dito si Aliyah, at mayroon nahulog na maliit na papel mula sa itaan ng puno at binasa ko ito ngunit...

..

..

..

..

..

..

..

..

*Tut tut tut*

*Tut tut tut*

*Tut tut tut*

May narinig akong beses at tila ba pamilyar ito...

"Anak! Dios ko, salamat gising kana!"

Maluha-luha niya itong sinasabi, at nang gising na ako ay ikinuwento niya lahat ng nangyari sakin, sinabi niya na na'nuno ako sa harap ng bahay namin, kung saan ay magroong engkanto sa puno ng akasya na nasa harap ng bahay namin, nangyari raw ito nung naghagis ako ng balat ng saging doon, at bigla nalang raw akong nahimatay at sinugod raw nila ako sa hospital, 5Days raw akong na'Coma at tulog,

Matapos niya itong ikwento ay mayroong pumasok sa Room kung saan ako naka'Confine , ang bunso kong kapatid, may ini'abot siya sa aking Maliit na papel,Pero bago ko ito basahin ay Naalala ko sa panaginip kong mayroon akong hawak na maliit na papel ngunit hindi ko ito nabasa, inisip ko na ('Eto siguro 'yon") kaya binasa ko na ito at ang nakasulat,

...

"KAMI MAN AY MARUNONG DING MAGMAHAL...

ALIYAH"

...

WAKAS~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected Ending..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon