Nine

39.8K 1.2K 43
                                    

"Ang yabang niya! Dream of my kiss? Huh! In his dreams! Tapos may kung anu-ano pa pinagpopopost sa Facebook! Nakakainis! Ninakawan niya ako ng halik!" naiimbyerna na sabi ni Ailee habang inaayusan siya ng make-up artist na hinire nila ni Michelle at Elisha.

Today is their graduation day. Nagkataon naman na magkasama ang colleges nila sa isang ceremony na gaganapin sa PICC.

Natawa si Michelle sa tabi niya. Inaayusan na kasi ito ng buhok habang siya ay minemake-up-an pa. Si Elisha naman ay nakaupo sa tabi at binubuklat ang isang magazine.

"Ano'ng problema mo? It's not like he stole your virginity." sabi ni Michelle na ikinatawa rin naman ng dalawang bading na nag-aayos sakanila.

She rolled her eyes. "Hinalikan niya ako ng walang permiso!"

"He's not your first kiss din naman. So what are you angry about?" sabi ni Elisha. Lumapit na ito sa kanila at humilig sa upuan niya. They looked at each other through the mirror.

Humilig sa gilid si Michelle at tinignan siya. "Don't deny, Ailee. You have hots for Vaughn Hebrew Versoza." She wiggled her eyebrows at her. Umupo na ito ng maayos dahil hindi siya maayusan ng mabuti ng bading.

"I can't blame you, though. He's a Versoza." kibit-balikat na saad ni Elisha.

Kumunot ang noo niya. Hindi siya kaagad nakapagsalita dahil nilagyan siya ng lipstick. Pagkatapos nun ay pinatayo na siya at pumalit sakanya si Elisha. She pulled a chair and settled it between her friends.

"Ano ba meron sa mga Versoza?" takang tanong niya. Actually, she's curious not just about Vaughn but also to Riley, Brent and Lukas.

Last week pa nangyari ang pagnanakaw ng halik ni Vaughn, pero ngayon lang niya nakwento sa mga kaibigan niya. She tried to research about Vaughn and his friends pero she got busy in school. Clearance signing na kasi.

Tumayo na si Michelle dahil tapos na itong ayusan ng buhok at siya naman ang pumalit. Mermaid curls ang sinabi niya na gusto niyang gawin sa buhok niya.

"Bakit? Curious ka kay Vaughn?" malisyosong sabi sakanya ni Michelle.

Ngumisi siya pero hindi niya sinagot iyon. Alam naman niya na alam na ng mga kaibigan niya ang sagot.

"I asked Papa about the Versoza's. Marami silang mga business. Ang iba, major stockholders sila. Nag-iisang anak si Vaughn." kwento ni Elisha habang nilalagyan ito ng eye shadow.

"He's the sole heir of the shipping magnate na si Mr. Victorino Versoza. They own several cargo ships, cruise ships, yachts, and they even build their own ships at binibili ito ng iba't ibang bansa. He will literally rule an empire!" gagap ni Michelle.

Her mouth was hanging open when Michelle and Elisha shared those information to her. Akala niya mayaman talaga sina Vaughn, pero shit, pwede na itong maging prinsipe sa sobrang yaman!

"Ang RK pala talaga niya." mahinang usal niya. "Pero bakit pa sila nagbabanda?"

"Baka naman past time lang nila iyon." sabi nalang ni Elisha.

Humugot siya ng hininga at napailing nalang. Kung ganoon, she was just kissed by a Shipping Heir! Shit na malagkit!

---

Malalaki ang ngiti ang ipinukol nina Ailee, Elisha at Michelle habang magkaka-akbay na nag-pose sa harap ng camera. Her brother, Marky is holding her phone to take a picture of her. Ipopost niya kasi mamaya sa social media accounts niya.

"Congratulations, girls!" masayang bati ni Adam sakanila. Binigyan silang tatlo nito ng tig-iisang bungkos ng bulaklak na galing sa barkada.

Sabay-sabay silang nagpicture-picture. Pati sa mga kaklase niya ay nagpapicture siya, lalo na kela Buwi at Josie. Ang walanghiyang baklush, pinakiusapan pa siya na gusto nito magpapicture sa kapatid niyang si Marky at kay Isaac na pinaunlakan naman ng dalawang lalaki.

All or Nothing [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon