Chapter 3: The Black Dove Ascending To Heaven XV

983 63 3
                                    


JYX's POV


Sunod-sunod ang ginagawa ng halimaw na turtle! Dahil habang tumatagal ay nagiging proficient at mas powerful ang attack ng mga clansmen ko.

Hindi na din ako masyadong nasusugatan at madalas ay gasgas na lang din ang mga natatamo ko mula dito.

Ika-28 days namin dito ng nagrank-up ang aking Rank 3 Agate Skin into Rank 4 Quartz Skin.


<Rank 4 Quartz Skin (PASSIVE)

A transparent colored skin that is harder than Iron into fourfold in hardness.

(+) 500% Vitality
(+) 400% Strength>


Akala ko matahimik na matatapos ang training namin pero akala ko lang pala iyon!

Sinubukan pa naming magikot-ikot upang makita ang mga nasa paligid ngunit hindi namin inaasahan na makakalabas kami sa kagubatan ng mga matatarik na bato.

Sa labas nito ay may maliit na bayan!

Napansin ko na may limang lalaki ang nakapuwesto sa gilid ng entrance nang matatarik na malalaking bato.

Sumigaw ito!

"sadsdvquwvd! Basjd viha sbjc abskjaksdk sdascbkw mvkkcxjnz!!"

<The host is unable to process the language... translation.. in .. 3.2.1>

"SINO KAYO MGA LAPASTANGAN!! SINO ANG NAGPAHINTULOT NA PUMASOK KAYO SA BANAL NA LUGAR!!"

"Kaibigan nagkakamali ka!" sagot ko dito habang nilalapitan ko ito.

Pero bago pa ako makalapit ay mabilis na naging mahabang ispada ang kanyang kanang braso. Inataki ako nito sa harap ko.

Sumipa ako sa lupa upang makaadvance ng malawak sa pag-dash ko. Binuwelo ko ang kanang kamay ko at isinuntok ito sa ispadang braso ng kalaban!

Pagdampi na pagdampi ng kamao ko sa ispadang braso nito ay nadurog agad ito na parang isang babasagin na basong nahulog mula sa mesa.

Hindi ko pa binawi ang kamao ko dahil ng madurog nito ang ispadang braso ay idiniretso ko ito sa mukha ng lalaki!

BANG!

Sa sobrang lakas ng impact sa suntok ko ay lumipad ang ulo nito ngunit nanatili ang katawan nito sa harap ko!

INSTANT KILL!

Ang mga tao ngayon ay double or triple ang lakas kung iko-compare sa pinakamalakas na body builder na tao dati! Ito'y dahil sa mga enhancement na nakukuha sa pagpatay ng mga halimaw.

Pero kahit gaano kalaki ang mga enhancement na nakuha o na-accumulate nila ay wala pa rin itong itatapat sa RANK 4 na Quartz Skin ko!

Kasing tigas ng dyamanteng Quartz ang kamao ko. Hindi lang kamao! Kung hindi buong katawan ko! Pati Buhok ko!!

"Sabi sayo, nagkakamali ka kaibigan." Sinabi ko ito habang nakatingin sa pinagtalsikan ng ulo.

Napangiti na lamang ako't napailing habang ibinalik ko ang pagtingin ko sa mga natirang mga gwardiya sa sinasabi nilang banal na lugar.

Kitang kita ang takot sa mga mata ng mga ito. Tumatagaktak ang mga pawis ng mga ito na tila babagong ligo!

May isa pa ngang nanginginig-nginig na ang tuhod sa takot!

Ngunit hindi nagtagal ay lumiwanag ang mga mukha ng mga ito na tila may nadiskobre.

Nakita nilang gulat na gulat din ang itsura ng mga kasamahan ko. Nagkalakas sila ng loob na tumakas. Mukhang ako lang ang malakas sa aming lahat dahil nagulat din ang kasama ko sa lakas ng suntok ko.

Naghiwa-hiwalay sila ngunit mali ang ideya nila.

Oo, ako ang pinakamalakas ang katawan sa amin pero mas nakakatakot ang kapang harihan ng 22 na clansmen kong ito.

Hindi porke close combat lang ang prinaktis nila ay nakalimutan na nilang gamitin ang Barang sa long range!

Kitang kita na ang kaligayahan sa kanilang mga mukha dahil mukhang makakatakas sila ngunit muling nawala ito ng napatigil silang lahat.

May mga humawak sa tiyan, sa ulo at sa dibdib.

Biglang pumutok ang mga bahagi ng katawan na ito't mabilis na naglabasan ang napakadaming insekto mula rito.

"Sabi ko sa inyo, nagkakamali kayo kaibigan." Napangiti ako't itinuloy ang aming na lamang ang aming paglalakad.

Beast Mode: OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon