Sa buhay talaga, hindi natin maiiwasan,
Na may isang Silid na ating Mararaanan,
Sa pagpasok mo rito, hindi ka mapapanatag,
Dahil Napakadilim at Wala ditong Liwanag.......Sa iyong pag pasok, ikaw ngayon ay kakaba-kaba,
At hindi malalaman kung saan ka papunta
Dahil hindi mo alam kung kailan darating,
Ang takot na mararanasan, sa gitna ng Dilim....Wala kang makikita kahit na ano,
Dahil napakadilim ng silid na to,
Pero iyong tatandaan, at wag kang matakot
Meron darating para tulungan ka sa iyong pagsubok..Kaya sana, itong Ginawa inyong madinig,
At muli pong tumayo sa dati nating tindig,
Sa mga pagsubok sa buhay wag na wag tayong sumuko,
Tandaan na may liwanag kahit sa NAPAKADILIM NA KWARTO......Magsimula na tayo....
Madilim, ang paligid kapag wala ritong ilaw
Madilim, parang sa paligid ay merong halimaw,
Madilim, para kang naglalakbay sa isang kweba
Naglalakbay ka rito na walang anumang kandila,Madilim, sa pakiramdam ay nakakatakot,
Ang dilim, sa buhay natin ay bumabalot,
Madilim, at mahirap dito'y mararanasan,
Dahil mahirap maghanap, sa gitna ng kadiliman..Madilim, at dito, lubhang napakalameg
Ang dilim, dito, puro lungkot ang hated
Kay dilim, talagang walang maaaninag,
At ang pakiramdam ditoy di mapaliwanagMadilim, ang paligid, madilim ang lahat,
At lakas ng loob mo dito ay hindi sapat,
Wala kang naiisip para ito ay mapalakas,
Dahil puno rito ng GALIT, PUOT AT PAGPIPINTAS....Di ba napakalungkot, ng iyong mga sinapit,
Pero dika sumuko, at patuloy kang kumapit,
Patuloy parin ang takbo ng iyong kwento,
Kahit na hindi mabasa dahil walang ilaw ditoAno kayang pakiramdam ng nagbabasa,
Na puro dilim lamang ang iyong makikita,
At pati ang daloy kwento ay sumabay rito,
At Ang lapis at pambura ay bigla nalang naglaho..Ang ibig sabihin, Magiiba ang daloy ng aklat,
Ang mga bagong kaganapan, hindi maisusulat,
Hindi narin mararanasan, ikaw pa ay magsaya,
Dahil hindi na mabubura ang lungkot na nadarama..Kaya isisping mabuti, bat buhay nagdilim,
Dahil mga lungkot at galit ay iyong naitanim,
Sa Isip mo, Sa puso mo, at sa buo mong pagkatao,
Pero may isang Sulosyon na syang magbabago rito....Dapat sa Mga nagkasala, ay iyong igawad,
Buong puso at maayos na pagpapatawad,
Sa mga, bagay na, wala ka, dapat na,
Ikaw ay makuntento sa anong meron ka,Dapat mong labanan, ang mga hamon,
At wag hahayaang dilim ang Lalason,
Kapayapaan at kabutihan dpat iyong taglay,
Upang di na magdilim at ilaw ay dina mamatay,Kaya tayo'y tumayo at muli tayong sumulat
At ang mga mata'y dahan dahan nating imulat
Sa muli mong pagmulat, ang kadiliman ay natapos,
At ikaw ngayon ay nakawala mula sa pagkagapos.Huling mensahe, ngayon ang ipaparating,
Sa buhay mo ba? Minsan na ding,Nagdilim..
Kaya pakinggan ang iyong isip at puso,
At sa Madilim na kwarto, tayo ay wag Magtago..-Angelo Aquinde
BINABASA MO ANG
DILIM
PoetryMinsan na bang nagdilim ang buhay mo??? Ako maraming beses na.. pero salamat at, May Pamilya at Kaibigan akong gawa sa FlashLight at Kandila... Kaya kahit nagdilim man, May ilaw paren Roses are Red, As red As Wine, Just wait and you will see, the Da...