© Joannebitious
Paano mo ba malalaman na mahalaga yung tao sa iyo? Paano mo ba mapapatunayang handa ka nang magmahal? Sapat na bang magkasama kayo? Sapat na bang hawak mo sya? Paano kung pinilit mong bumitiw sa kabila ng higpit ng pagkakakapit nya? Magiging masaya ka ba kahit pinilit mong iwan yung taong minamahal ka? Sapat na ba lahat? O may pagkukulang pa?
Minahal kita kahit na kaibigan lang ako para sayo nung una. Minsan nga pinipilit ko na lang na ilagay yung mga kamay ko sa bulsa para di kita mayakap. Nakakatuwa kapag tinatawag mo akong *bhe kahit na alam kong for friends lang yun pinagtyatyagaan kong pakiligin yung sarili ko. Mahal kita pero di sapat yun. Medyo kasi torpe ako e. Di ko tuloy masabi sayo. Pasensya na ha?
--
"Pre mag ta time na. Wala ka pang nasasagot sa papel mo. Ok ka lang ba?" Natauhan ako. Medyo wala ako sa sarili this past few days. Di ka kasi mawala sa isip ko.
Nagmadali akong sagutan yung test paper at agad agad lumabas na room. Kailangan kasi kitang maabatan sa pagdaan mo. Baka kasi dumating na yung prof namin sa next subject.
1 minute
.
.
.
.
5 minutes
.
.
.
.
10 minutes...
Dumaan ka rin sa wakas!. Grabe ang hirap mo namang tyempuhan. Tinawag kita tapos kinawayan mo ako. Ang ganda mo pa rin Lyann. Napaka cute talaga ng mga ngiti mo. Kaso biglang pumangit yung view. Kasunod mo kasi yung pangit mong boyfriend. Nagkatinginan kami. Ewan ko ba pero di talaga ako kampante sa gagong yun. Hinatid ka lang pala nya pero di na nagtagal e umalis din sya. Ito na yung timing ko. Nilapitan kita tapos kinalabit.
Naamoy ko na naman yung pabango mo. Di ka pa rin nagpapalit ng perfume simula nung 2nd year tayo. You are still the same girl I used to love 6 years ago. Medyo naging mature lang yung mukha mo ngayon kasi nakakapag lipstick at mascara ka na. Dati kasi napaka plain mo. Pulbo lang ang fresh fresh mo na. Pero ewan ko ba mukhang di lang kita mahal kung hindi mahal na mahal. Tinakpan ko yung mga mata ko tapos hinawakan mo naman yung kamay ko. Sa ganitong paraan ko lang nahahawakan yung kamay mo e.
"Bhe naman e. Ikaw lang kaya yung gumagawa sa akin ng ganyan." Inalis ko mga kamay kong nakatakip sa mga mata mo tapos tumabi sayo.
"Kamusta ka na?" Yan lang ang kaya kong matanong sayo sa kapag nagkikita tayo. Medyo paulit ulit pero di ka naman nagsasawang sagutin.
"Ok lang naman walang bago. Medyo nagkakalabuan lang kami ng George. Ewan ko ba." Medyo di gumanda yung pakiramdam ko nung narinig ko yun. Nahihirapan ka na ba sa kanya? Sabihin mo lang kasi kung oo, kukuhanin ka kita.
"Ano bang nangyari? Nag away ba kayo?" ngumiti ka tapos kinurot yung pisngi ko.
"Di naman. Medyo magulo lang." Tapos tumayo ka at nagpaalam na.
Nagring na rin ang bell at hudyat na para pumasok na sa room namin. Iniwan mo na naman ako. Bakit ka ba ganyan? Di mo na ako nakukuhang samahan tulad ng dati.
6 years ago...
"Lyann I have something to tell you. Pero kailangan ko pa ng sapat na panahon ha?
Give me enough time. Magiipon lang ako ng lakas ng loob. Promise sasabihin ko rin sayo. " Out of the blue nasabi ko yun sayo. Medyo nakakailang pero at least nasabi ko.
BINABASA MO ANG
Maybe Someday
Teen FictionMinsan kahit anong paghahanda mo para maging karapat dapat para sa isang tao, di pa rin sya mapapasayo. Kung kaya mong angkinin sya ngayon, gawin mo na. life is always unfair. isa na nga lang ang minahal mo, di pa binigay sayo.